00:00Sabay-sabay nagsanay ang mga paaralan sa buong bansa sa mga dapat gawin
00:05sakaling may sumiklab na karahasan sa pag-atake sa kanilang mga campus.
00:11Nakipagsanay rin ang polisya sa kanilang gagawing pag-responde kung sakaling.
00:16Nakatutok si E.J. Gomez.
00:21Sa hudyat ng alarma,
00:29na-alerto ang mahigit 3,000 estudyante, 200 guro at 50 school staff
00:36ng Carlos F. Gonzalez High School sa Maginaw San Rafael, Bulacan.
00:41Ang prinsipal, mabilis na tumawag sa 911 at sa polisya.
00:47Ang mga guro at estudyante na nasa loob ng klase,
00:51nagsagawa ng protective action.
00:53Ang eksena, i-secure ang classroom para di agad mapasok ng attacker.
00:58Ang alam po na iyon ay tutunog sa loob ng isang minuto.
01:02Kinakailangan po sa loob ng isang minuto na iyon,
01:04maisara ang pinto, malagyan ng barikada,
01:07maisara ang bintana, maibaba ang lahat ng kortina
01:10at lahat po ay mapagsama-sama lahat ng mag-aaral
01:13sa likod ng silid-aralan na ligtas.
01:18Sunod namang rumisponde ang mga polis.
01:24Dumating din ang mga ambulansya at medical team
01:27para bigyang lunas ang mga kunyaring biktima.
01:30Papakita po natin on how our school respond.
01:34Meron kami kasing response team na tutulong talaga in the first aid
01:38as well as yung pagtulong din ng mga PNP at BFP sa situation.
01:43Nag-iisa rin sa nationwide simultaneous safety drill
01:47on active attack incidents ang iba pang pampubliko
01:50at pribadong paaralan sa probinsya ngayong araw.
01:53Sabi ng Department of Education o DepEd,
01:56ipinatutupad na ang bagong school contingency plan sa buong bansa
01:59na nagsasama ng mga tugon sa active threat
02:02tulad ng lockout, lockdown, evacuation at reunification
02:07sa kasulukuyang disaster management framework.
02:09Pagkahanda raw ito para di na maulit ang trahedya ng karahasan
02:13sa mga paaralan.
02:14Seryoso yung mga bata, seryoso eskwelahan
02:17and I think naramdaman nila yung confidence,
02:21the level of confidence at least na-heightened yun
02:25and at the same time, we can see that mga schools
02:29na nag-grill ngayong araw na ito,
02:31more or less they will know what to do.
02:34Kumpiyansa naman si DILG Secretary John Vic Remulia
02:37sa mabilis na pag-responde ng mga otoridad.
02:40I'm very confident that we will respond better.
02:44In that case, ang police presence namin mandatory
02:48sa labas ng lahat ng mga eskwelahan, barangaytano,
02:50nag-decheck na ng mga bags.
02:53So in terms of response, I'm very very confident.
02:56Nakikipag-usap na rin daw sila sa Kongreso
02:59at National Telecommunications Commission
03:01kaugnay sa paghihigpit sa social media
03:03at violenting online games
03:06na nakaka-impluwensya sa mga kabataan.
03:08E.J. Gomez, Nakatuto 24 Horas.