00:00Nakataas ang heavy rainfall warning sa ilang lugar sa Central Luzon, Metro Manila at Calabar Zone.
00:05Sa 11pm advisory ng pag-asa Orange Rainfall Warning sa Bataan at sa ilang bahagi ng Metro Manila, Zambales, Pampanga,
00:14Rizal, Bulacan, Batangas at Cavite, posible ang pagbaha.
00:18Yellow rainfall warning naman sa natitirang bahagi ng Zambales, Pampanga, Tarlac, Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, Batangas at Laguna.
00:34Himalas sa Himalayas, siyam na araw matapos ang Glacier Flash Flood sa Nepal.
00:40Dalawang tauha ng hydropower station ang buhay na naiahon mula sa binahang tunnel sa pasilidad na konektado sa Trishuli River.
00:49Agad isinugod sa ospital ang dalawang nakaligtas.
00:52Bago sila, may ilang nagtatrabaho sa hiwalay na tunnel na nakaligtas din ilang oras matapos ang ragasan ng baha.
00:59Siyam na raan pa ang pinaniniwalaang na-trap sa mga lagusan.
01:03Kabilang sila sa mahigit liman libo pang nawawala kasama ang isang turistang Pinoy.
01:08Nasa isang libo at tatlong daan na ang bilang ng mga nasawi.
01:16Gaya ng anumang desisyon sa buhay, ang pagkakaroon daw ng anak ay isa ring sugal.
01:21Ang isang magkasintahan sa kotabato tumaya sa mga panabong na manok para sa kanilang gender reveal.
01:36Hindi sa pula sa puti, kundi sa azul sa rosas.
01:41Team boy o team girl?
01:43Ipinaubayan ng parents sa mga lagang tandang ang gender reveal para sa kanilang second baby.
01:49Nang magsagupa na pumutok ang lobong nakasabit sa paan ng isa sa mga manok.
01:56At ang risulta...
01:59Pink!
02:01It's a girl!
02:03Pero paalala lang po na hindi ito promosyon para sa sabong.
02:08May mga batas at alitong tunin dapat sundin kaugnay ng ganitong mga aktividad.