00:00Mga kapuso, nasira po ang mga pananim na palay sa Barangay Tabon sa Pulilan Bulacan matapos pong malubog sa baha.
00:10Ayon sa mga magsasakaroon, ito na ang ikalawang pagtatanim nila na naapektuhan ang baha ngayong taon.
00:16Kung uulit daw sila ng pagtatanim at rasado na ang pag-ani nila na posibleng abutin ng Desyembre,
00:21daing nila lugi na sila, dagdag pa sanin pa kung mangungutang sila ng 10,000 piso para makapagtanim ulit.
00:28Pati mga manukan sa Pulilan, apektado rin.
00:32Gaya ng poultry farm sa Barangay Dulong, Malabon, na lubog sa baha.
00:36Ayon sa trabahador doon, isinasakay pa nila sa bangka o sa hinating drum ang kanilang mga pakain sa mga manok
00:44at mga aning itlog.
00:46Panawagan nila ayusin ang flood control projects para hindi maapektuhan ang kanilang negosyo.
00:51Sa datos ng Department of Agriculture, mahigit 3 billion piso na ang pinsala sa agrikultura.
00:562 billion piso riyan ang pinsala sa mga palaya na halos 60,000 metric tons.
01:02Maliit lang daw ito kumpara sa National Harvest Average na 20 million metric tons.
01:07Ibig sabihin, wala raw gaano epekto ito sa kabuoang imbentaryo ng bigas sa bansa.
Comments