00:00Kinuyog ng mga residente ang isang lalaki na suspect sa kabi-kabilang pagnanakaw sa Tondo, Maynila.
00:05May una balita si Jomer Apresto.
00:16Kinuyog ng mga residente ang isang lalaki sa barangay 102 sa Tondo, Maynila, gabi nitong September 8.
00:21Ang 22 anos na lalaki na nagulpi sa video, itinuturong akyat bahay at nagtangkang magnakaw raw sa lugar.
00:28Ayon sa barangay 105 kung saan residente ang suspect, agad ipinagbigay alam sa kanila ng barangay 102 ang nangyari sa
00:35lalaki.
00:50Ilang araw bago siya kuyugin, ilang beses siyang nahulikam na bit-bita mga ninakaw niya umano.
00:55Nitong nakaraang linggo, nakita ang suspect na naglalakan sa isang eskinita sa barangay 100, bit-bit ang isang LPG stove.
01:03Nito namang madaling araw ng September 8, nakita rin siya sa bahagi ng Happy Land na may bit-bit na
01:08saging at isang pares ng sapatos na tinangay umano niya sa Tayuman Street.
01:13May kita rin sa kaparehong CCTV na nagpalit pa siya ng t-shirt at inihagi sa mga nakaparadang tricycle ang
01:19t-shirt na hinubad niya.
01:21Sabi ng barangay, inereklamo rin ang lalaki noong nakaraang linggo dahil naman sa pagnanakaw umano ng cellphone.
01:26Sa isang video ng barangay 105, umamin ang sospek sa kanyang ginawang pagnanakaw sa cellphone.
01:47Ayon pa sa barangay, bukod sa pagpasok sa mga bahay-bahay,
01:50sangkot din siya sa pagnanakaw sa mga truck na dumadaan sa Mel Lopez Boulevard na kung tawagin ay Jumper Boys.
01:57Ano yan eh, snitcher tapos magnanakaw.
02:00Kung sa pagnanakaw sa truck, involved po siya. Maraming beses na rin po.
02:06Nai-turnover na sa pulis siya ang sospek para sampahan ang karampatang reklamo.
02:10Sinusubukan pa siyang makuhanan ng pahayag.
02:12Ito ang unang balita, Jomer Apresto, GMA News.
02:20Apresto, GMA News.