Skip to playerSkip to main content
-3 lalaki, patay sa pamamaril sa labas ng isang voting center kagabi; 15 sugatan;
-Maluso, Basilan, isinailalim sa COMELEC control dahil sa ilang nakompromisong balota; Pagpasok ng mga tao sa polling precinct, bantay-sarado ng pulisya para maiwasan ang gulo; PBBM sa mga botante: "May the votes that you will cast help us identify good leaders who can strengthen the institutions of the Bangsamoro"; Thunderstorm Advisory, itinaas sa ilang panig ng BARMM; 




Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Rafi, nasa ilalim na ng Comele Control ang Cotabato City matapos ang sunod-sunod na insidente ng karahasan.
00:44Sa videong ito, dinig ang sunod-sunod na putok ng baril bandang alas 11 kagabi, besperas ng bonfire parliamentary elections.
00:52Nagtakbuhan naman ang ilang tao dahil sa insidente niyan sa barangay Baguados sa Cotabato City.
00:57Ang lalaking ito, kinaladkad ng iba pang mga lalaki palayo sa mga putok ng baril.
01:02Nang humupa ang putukan, tatlong lalaki ang nakahandusay sa labas ng voting center sa Dato Usman Mampen Elementary School.
01:09Ayon sa ulat ng Police Regional Office Bar, maagang pumila ang mga butante para sa barang parliamentary elections
01:16nang magkagirian ang ilang individual hanggang sa humantong ito sa pamamaril.
01:21Bukod sa tatlong patay, labing lima naman ang sugatan sa insidente na agad sinugod sa ospital.
01:27Inabot na ng umaga ang pagsusuri ng scene of the crime operatives sa crime scene.
01:31Kaya hindi nakasimula ng alas 5 ng umaga ang butuhan sa naturang paaralan para sa vulnerable sector.
01:37Na-recover sa crime scene ang mga basyon ng bala mula sa .45 caliber at 9mm pistol na ginamit sa
01:44krimen.
01:47Rumesponde naman ang Philippine Marines sakay ng apat na military truck at mga polis sa barangay Rosary Heights 10
01:54dito pa rin sa Cotabato City bandang alas 5 ng hapon kahapon.
01:58Matapos maiulat ang isang insidente ng pagpapaputok.
02:02Ayon sa paunang investigasyon ng Police Regional Office Bar,
02:05pinaputokan ng mga sospek na sakay ng itim na van ang mga supporter ng isang political party.
02:10Yung mga taong ito, sinasabi na UBJP supporters ay nakatambay doon sa labas ng isang moske.
02:20Yung sinasabi nila na sasakyan na itim daw po na dumaan doon sa kanilang area
02:26and then nung tumigil, doon na sinagawa yung pagpapaputok sa kanila.
02:32Sa pagsusuri ng scene of the crime operatives,
02:357 basyon ng bala at isang hindi pumutok na bala ng 5.56 rifle ang narecover.
02:40Walang naiulat na nasaktan sa insidente.
02:43Nagpapatuloy pa ang investigasyon.
02:45Sa barangay Kalanganan 1 naman,
02:47isang lalaki ang lubhang na sugatan matapos maputokan ng hinihinalang hand grenade.
02:52Ayon sa secretary ng barangay,
02:54nakausap pa nila ang biktima bago isinugod sa ospital.
02:58May pagsabog din anya sa kabilang purok ng barangay.
03:01Wala namang naiulat na nasaktan doon.
03:03Nagsagawa na ng clearing operation sa lugar.
03:05Patuloy ang investigasyon.
03:06Tinan na namin paano pumutok.
03:09Sabi niya, pagdating ko dito,
03:10after ang pag-usap namin ni Forman Luntok,
03:13bigla na lang may nakita kong kumislap sa harapan ko,
03:18tapos pumutok.
03:19Kaya nabulagta siya.
03:20Kasunod ng mga naturang insidente,
03:23naghigpit ng siguridad sa paligid ng Cotabato City Hall.
03:26Mahigpit na security escort din ang ibinigay sa mga guro
03:29papunta sa kanika nilang voting centers.
03:36Raffi, napasugod dito si Piero Barr,
03:39Regional Director Brigadier General Christopher Abecia.
03:43Sabi niya, alitan na mga supporters ang sanhi
03:46hanggang sa kumantong sa pamamaril.
03:48Ang nangyari sa loob ng voting center
03:50sa Central Pilot Elementary School sa Sinsuwat Avenue.
03:54Nagpapatuloy pa ang investigasyon
03:57at pinipili ng mga otoridad
03:58yung kanilang mga pinapapasok
04:01sa loob ng naturang voting center.
04:04Raffi.
04:05So, Jandy, itong pamamaril na ito,
04:07ito ba'y para pigilan
04:08yung mga supporters na isang kampo para makaboto?
04:11Ano ba yung detalyo pa rito, Jandy, kung meron ka?
04:18Raffi, tinanong din natin yan sa Police Regional Office Bar
04:22pero sa ngayon, matipid sila
04:24sa impormasyon na ibinibigay sa atin
04:26at ayon sa kanila,
04:27nagpapatuloy pa ang investigasyon
04:29pero sa ngayon,
04:31ang ibinigay nilang rason
04:34ay alitan ng mga supporters
04:37ng magkabilang political party.
04:41Raffi.
04:41Jandy, alam natin na minomonitor din
04:43ng mga otoridad yung mga ganyan,
04:44yung talagang magkakaalitan,
04:45meron ng history of violence.
04:47May mga areas pa ba
04:48na posibleng magkaroon ng spark ng ganito
04:51habang nagpapatuloy itong botohan,
04:53Jandy?
04:57Sa ngayon, Raffi,
04:59pinapaigting pa ng kapulisan
05:00yung kanilang intelligence report
05:02at patuloy yung pag-iigting
05:04ng security dito sa Cotabato City.
05:08At sa katunayan,
05:09nag-deploy ng sobra 30,000
05:12na AFP at PNP personnel dito.
05:16At dahil nga,
05:16sa insidente ng mga karasan,
05:18nadagdagan pa yan.
05:19Simula kahapon ng hapon
05:22nang maiulat yung insidente
05:23ng pamamaril
05:24dun sa Rosary Heights 10
05:26dito nga sa Cotabato City.
05:29Pero ayon nga sa Piero Bar
05:31na patuloy yung kanilang pag-iigting
05:34ng security
05:34at ganun din,
05:36yung sa security checkpoints
05:38ay dinagdagan nila.
05:40Raffi.
05:40Okay, maraming salamat sa iyo,
05:42Jandy Esteban
05:43ng GMA Regional TV.
05:46Nasa ilalim din ng
05:47Comelec Control
05:48ang Maluso-Basilan
05:49dahil may nakompromiso
05:50mga balota.
05:51Ayon kay Comelec Chairman
05:52George Garcia,
05:53sa 86 clustered precincts
05:54sa bayan,
05:5536 ang may pre-shaded na balota.
05:5832 precincts lang din
06:00ang may gumaga
06:00ng vote counting machines
06:01o VCM.
06:03Sabi ng isang election officer
06:04sa Maluso,
06:05magsisimula lang ang butuhan
06:06kapag nakarating na
06:07ang mga kapalit na balota.
06:10Hindi rin agad
06:11nagsimulang butuhan
06:12sa Albarca
06:13sa Basilan pa rin.
06:14Ayon sa mga polis,
06:15hinarang kasi
06:16ng mga armadong grupo
06:17ang mga gurong magsisilbi
06:18sa electoral board
06:19habang papunta
06:20sa polling centers.
06:21Inilagak muna
06:22sa Municipal Treasurer's Office
06:24sa mga official ballot.
06:25Sa Barangay Balobo,
06:27sa Lamita naman,
06:28natuklasan ang isang
06:29improvised explosive device
06:30o IED
06:31kanina alas 3
06:32ng madaling araw
06:33bago magbuka
06:34sa mga voting precinct.
06:35Ligtas naman itong
06:36na-detonate
06:37o pinasabog
06:37ng mga polis
06:38at walang nasaktan.
06:40Patuloy na inaalam
06:41ng otoridad
06:42kung sino
06:43ang nasa likod nito.
06:46May ilang butante
06:48sa Maguindanodal Sur
06:49na napaulat
06:49na sumama ang pakiramdam
06:50dahil sa mainit na panahon.
06:52Kumustahin natin
06:53ang sitwasyon doon
06:54sa ulat on the spot
06:55ni Jun Veneration.
06:57Jun!
07:01Jun!
07:01Rafi,
07:02mainit ang panahon
07:02dito sa bayan ng
07:04Dato Saudi,
07:05ang patuwan
07:06at iba pang bayan
07:06ng Maguindanodal Sur
07:07pero okay lang daw yan
07:09sabi ng mga butante
07:10ang mahalaga
07:11hindi mainit
07:12ang labanan
07:13sa politika
07:14sa ngayon.
07:15Sa isang polling center
07:16sa bayan ng
07:17Sharif Saidon
07:18na Mustafa,
07:19mga nakashield
07:20at iantok
07:21na mga
07:22miyambro
07:23ng Civil
07:23Diservance
07:24Management Unit
07:25at ng PNP
07:25ang nakabantay.
07:27Ang utos sa kanila
07:28dito pang security forces
07:29kontrolo rin
07:30ang pagpasok
07:31ng mga tao.
07:32Iniiwasan kasi
07:33na maipon
07:33ang mga supporter
07:34na mga kandidato
07:36sa loob ng polling center
07:37dahil yan ang madalas
07:38pagsimula ng gulo.
07:40Sa bayan naman
07:41ng Dato Saudi,
07:42ang patuan,
07:43walang pila
07:44papasok ng polling center.
07:45Marami nakapansin
07:47na mas konti
07:47ang tao ngayong
07:48bang sa more
07:49parliamentary elections
07:50kumpara sa eleksyon
07:52noong nakaraang taon.
07:53Nasa mahigit
07:54460,000
07:56ang mga butante
07:57sa Maguindanao del Sur,
07:59pangalawa
07:59sa may pinakamataas
08:00na bilang
08:01ng mga registered voters
08:02sa Bangsamoro Autonomous Region
08:04in Muslim Mindanao.
08:06Ngayon pa man,
08:07may ilang nahirapan pa rin
08:08mahanap
08:08ang kanilang pangalan
08:09sa voters list.
08:11Mayilit nga
08:12ang panahon ngayon
08:13gaya na nabanggit ko
08:14Rafi,
08:15kaya may mga
08:15dumain ng panalakit
08:17ng ulo
08:17at mataas
08:19na blood pressure.
08:19Pero sabi ng mga
08:20nakausap namin
08:21okay lang
08:22kung init lang
08:23ng panahon.
08:24Huwag lang mainit
08:24ang labanan sa politika
08:25na madalas
08:26nagiging mitya
08:27ng gulo
08:28tuwing eleksyon.
08:29Sabi naman ni
08:30Colonel
08:30Michael John Mangahis,
08:32ang provincial
08:33director
08:35ng Maguindanao del Sur,
08:36kontrolado
08:37at maayos pa naman
08:39ang sitwasyon
08:39sa buong probisya.
08:41Rafi.
08:42June,
08:43in-expect ba
08:43na mautuloy dyan
08:44na mababa
08:44yung turnout
08:45or dadami pa yan
08:46hanggang mamayang hapon
08:48June?
08:52Mukhang ito talaga
08:53yung inaasahan nila
08:54Rafi
08:55hindi daw kasi
08:55kagaya rito
08:56yung mga
08:57lokal na eleksyon
08:58na talagang
08:59mas main din talaga
09:00ang labanan
09:01ng mga magkakalabang
09:03kandidato
09:04Rafi.
09:04Pero tingnan natin
09:05mamaya
09:05maaga pa naman
09:07nasa kalahati
09:08pa lang ng araw
09:08so tingnan natin
09:09kung dadami pa
09:11ang mga butante
09:11nito
09:12sa aming area
09:13Rafi.
09:13Maraming salamat
09:14sa iyo
09:14June
09:15Venerasyon.
09:16Samantala
09:17hinimok
09:18ni Pangulong Bongbong
09:18Marcos
09:19sa mga butante
09:19sa Bangsamoro
09:20Parliamentary
09:21Elections
09:21na bumoto
09:21ng tama
09:22tapat
09:23at mapayapa.
09:24Sa kanyang
09:25mensahe
09:25binigyang din
09:26ang Pangulo
09:26ng
09:26Barm
09:27Parliamentary
09:27Elections
09:28ay isang
09:28mahalagang
09:29proseso
09:29para makamit
09:30ang pangmatagalang
09:31kapayapaan
09:32at demokrasya
09:33sa Bangsamoro
09:34region.
09:35Sana rao
09:35pumili
09:36ang mga butante
09:36ng mga leader
09:37na tumutu
09:37o tutulong
09:38sa pagpapaunlan
09:39sa regyon
09:39sa Mindanao
09:40at sa buong
09:41bansa.
09:42Narawagan din
09:43ang Pangulo
09:43ng protektahan
09:44ng integridad
09:44ng butuhan
09:45at panatilihin
09:46ng kapayapaan
09:47na nagbigay
09:48daan-aña
09:49para rito.
09:51Mga kapuso,
09:52nakataas ngayon
09:53ang thunderstorm
09:53advisory
09:54sa ilang bahagi
09:55ng Bangsamoro
09:55Autonomous Region
09:56in Muslim Mindanao.
09:58Pinaalerto
09:58ng pag-asa
09:59ang mga residente
10:00sa ilang pandig
10:00ng Cotabato City,
10:02Tawi-Tawi,
10:03Basilan,
10:03Maguindano del Norte
10:04at Lano del Sur
10:06sa biglaang ulan
10:06na may kasamang
10:07pagkulog
10:08at pagkidlat
10:09hanggang alas 12
10:09ngayong tanghali.
10:12Maging handa po
10:12sa bantanang baha
10:13at landslide.
10:15May thunderstorm
10:15advisory rin
10:16sa ilang bahagi
10:17ng Sambuanga City
10:18at sa ilang lugar
10:18sa Kamigin,
10:19Agusan del Norte,
10:21Sambuanga del Norte,
10:22Sambuanga del Sur,
10:24Sambuanga-Sibugay,
10:25Lano del Norte,
10:26Sultan Kudarat,
10:27Sarangani,
10:28Davo Occidental,
10:30South Cotabato
10:31at Bukidnon.
10:32Nakataas naman
10:33ang thunderstorm watch
10:34dito sa Metro Manila,
10:35Bulacan,
10:36Rizal,
10:37Laguna
10:37at Cavite.
10:39Posible po
10:40ang mga thunderstorms
10:41sa mga susunod na oras
10:42hanggang alas
10:42G's mamayang gabi.
10:44Ayon sa pag-asa,
10:45halos buong bansa
10:46ay makararanas
10:47ng maayos
10:47at maaraw na panahon
10:48ngayong lunes,
10:49pero may chance
10:50sa parin
10:51ng mga local
10:51thunderstorms.
10:53Wala po kasi
10:53ngayong habagat,
10:54nakamunsoon break tayo.
10:56Easter list naman
10:57ang nang magpapaulan
10:57sa Batanes
10:58at Babuyan Islands.
11:00Tumaas na ang chance
11:00na maging bagyo
11:01sa susunod na 24 oras
11:02ng binabanteang
11:03low pressure area
11:04sa Pacific Ocean.
11:06Hindi po inaalis
11:07ang posibilidad
11:07na pumasok ito
11:08sa northeastern boundary
11:09ng Philippine Area
11:10of Responsibility
11:11at tatawagin
11:13sa local name
11:13na Queenie.
11:15Sa kabila niyan,
11:17hindi ito maglalandfall
11:17at sa halip
11:18ay mananatili
11:19sa hilagang bahagi
11:20ng Philippine Sea
11:20at maaaring makahatak
11:22huli ng habagat.
Comments

Recommended