Skip to playerSkip to main content
Bumubuo ang Department of Energy at iba pang ahensya ng mga patakaran kaugnay sa pagpapasampa ng mga electric at hybrid electric vehicle sa mga barko. May mga shipping line na ring nagbabawal ng mga EV sa kanilang mga barko kasunod ng pagkasunog ng MV June Aster sa Palawan.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi. .

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bungo-buong Department of Energy at iba pang ahensya ng mga patakaraang
00:03kaglay sa pagpapasampa ng mga electric at hybrid electric vehicles sa mga barko.
00:09May mga shipping line na rin nagbabawal ng mga EVs sa kanila mga barko
00:13kasunod po ng pagkasunog ng MV June Aster sa Palawan.
00:18Saksi si Oscar Oida.
00:23Maygit isang linggo na mula ng masunog ang MV June Aster.
00:32Pero ang mismong mitsa ng apoy, hindi pa rin natutukoy.
00:36Ayon sa Philippine Coast Guard, noong September 10,
00:40isang nakaligtas na crew member ang nagsabing sa cargo nagsimula ang sunog.
00:45Kabilang sa mga karga ng barko ayon sa Coast Guard,
00:48ang ilang sasakyan kabilang isang electric vehicle.
00:51Hinihintay pa nitong masuyod ang engine room na meron pang tubig na kailangang masipsip
00:57kaya di mapasok.
00:58Kaya yan din po ang dahilan po bakit sinusunod po natin yung kabuuan ng cargo deck
01:03sa kung saan dyan po located.
01:05Itong EV na ito.
01:06Sabi ng Bureau of Fire Protection o BFP,
01:10magkakaalaman lang kung matitiyak na kung saan talaga sa barko nagsimula ang sunog.
01:15Wala pa umanong panghuling findings,
01:17kaugnay ng electric vehicle na karga ng barko.
01:20Ngayon sir, ang talagang magiging approach dyan ay evidence-based sir.
01:26Kasama na dyan ang mga manipesto at saka yung halimbawa yung status ng engine
01:33kasi engine din kasi ay source of heat din yun.
01:36This will be corroborated of course sa mga testimonya rin ng mga eyewitnesses natin.
01:44Nagpapatuloy rin ang imbisigasyon ng marina.
01:46Sa kabila niyan, ipinagbawal na ng ilang shipping line
01:50ang pagkakargan nila ng mga electric vehicle at hybrid electric vehicle sa kanilang mga barko.
01:56Sabi naman ng isa pang shipping line,
01:59pinawal nito ang mga electric at hybrid electric vehicle.
02:02Kasunod ng isang insidente sa dagat,
02:05kung saan lumabas o mano sa inisyal na imbisigasyon
02:07na ang pagsabog ay maaring nagsimula sa isang electric vehicle.
02:12Suportado naman ng Department of Energy o DOE
02:15ang pag-iingat ng mga shipping lines.
02:18Katuwang ang marina, Philippine Coast Guard at Bureau of Fire Protection o BFP
02:23sa pagbuo ng mga patakaran,
02:25kaugnay ng pagpapasampa o pagkakarga ng mga electric at hybrid electric vehicle sa mga barko.
02:32Sabi ng BFP, generally safe naman daw ang mga EV
02:35na karaniwan na rin isinasampah sa mga barko.
02:40Gayunman, may insidente ng pagliliyab ng mga ito,
02:43tulad ng nasunog na e-bike sa Laguna noong 2024
02:47na nandamay pa ng kataming SUV at motorsiklo.
02:52Sabi ng BFP, may mga isolated na pagliliyab ng baterya ng e-vehicle
02:57na dulot ng tinatawag na thermal runaway.
03:00Self-accelerating na chain reaction kung saan may increase ng temperature sa loob
03:06ng battery pack at nagkakaroon ng chemical or electrical changes
03:12na nagpo-produce ng matinding init.
03:15In seconds lang ay nagkakaroon ng matinding emission ng usok
03:21o di kaya sunog, kung minsan explosion pa o severe destruction.
03:27Tip nito sa mga may-ari ng EV,
03:29i-charge ang mga ito ng tamang boltahe.
03:32Huwag i-overcharge at hanggang maaari ay bantayan habang nagja-charge.
03:38Ako si Oscar Roy ng inyong Saksi!
03:40Ako si Oscar Roy ng inyong Saksi!
Comments

Recommended