Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ngayong ipinagbabawal ang paglalabas ang pondo para sa social services dahil sa papalapit na barangay at SK elections,
00:07pansamantala muna ang inihinto ang fuel discount program para sa mga chuper.
00:12Paano na lang yan ngayong may nakaambang mega oil price hike?
00:16Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:21Kung kailan na naman may nakaambang big time oil price hike sa susunod na linggo,
00:25saka naman pansamantala ang ipinagpaliba ng LTFRB ang 12 pesos per liter na fuel discount program.
00:33Habang umiiral kasing election ban para sa barangay at sangguniang kabataan elections,
00:38bawal ang maglabas ng public funds para sa social welfare and social services,
00:42maliban kung otorizado ng Commission on Elections.
00:45Sabi ng Comelec, papayagan nilang pagpapatupad ng programa,
00:48pero wala pa raw silang natatanggap na hiling mula sa LTFRB.
01:18Ang isang bus company sa Maynila,
01:21nagpatupad na ng mga pagbabago sa oras ng biyahe dahil sa taas ng presyo ng diesel.
01:26Alas otso na umaga ang dapat sana'y departure ng bus na ito na patungong Tuguegaraw,
01:31pero mahigit isang oras nang nakalilipas, hindi pa rin ito bumabiyahe.
01:35Sa ngayon kasi, aapat pa lang ang pasahero.
01:37Ayon sa pamunuan, kailangan pa raw madagdaga ng mga pasahero bago ito bumiyahe
01:42dahil lugi pa sila sa ngayon sa taas ng presyo ng diesel.
01:46Nagbukas po kami ng konti biyahe.
01:47Nag-iipon muna po kami ng mga pasahero.
01:50Naka-iipon po kami ng mga 30 pasahero.
01:52Doon pa lang po namin bubuksan yung makina at ang aircon ng bus.
01:55Tsaka doon pa lang po kami ang kapapasakin ng mga pasahero.
01:58Kailangan po mapuno yung bus bago umalis.
02:00Sabi nila, merge trip daw sila ngayon.
02:03Ang intindi ko, walang oras.
02:06So mag-aabang ang pasahero.
02:07Hindi sila makapagbigay ng tamang oras eh.
02:10Nag-pulong na ang Department of Transportation at ibang ahensya para tugunan
02:15ang hamon sa mataas na presyo ng petrolyo.
02:17Isa sa mga tinalakay ang panukalang taas pasahin ng public utility vehicles.
02:22Wala pa rin desisyon ng Malacanang sa pagtanggal na excise tax sa krudo
02:26kahit $123 per barrel na ang Dubai Crude,
02:30lampas sa threshold na $80 per barrel.
02:33Ang sigurado ngayon, pinayagan na ng DOTR ang isa pang round ng targeted assistance
02:38sa pamamagitan ng AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation Program ng DSWD.
02:45Tinitignan natin ano yung mga possible mga implementation arrangements.
02:49We continue to advance yung mga social protection mechanisms para nga matulungan sila.
02:57Tuloy rin ang ibang programa ng pamahalaan.
03:00Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Oras.
03:04Formal na po nagbukas ang 20th Asian Games sa Ichinagoya, Japan.
03:08Sigurado na po ang medalya ng Philippine Women's Soft Tennis Team
03:12na tinalo ang dalawang bansa sa group stage.
03:15At mula sa Japan, nakatutok si JP Siriano.
03:23Lagpas 11,000 atleta mula sa 45 bansa sa Asia gaya ng Pilipinas
03:28ang sasaksi sa pagbubukas ng Asian sa Paloma, Mazuo Sports Park.
03:32Excited na tayo sa opening and after opening kasi,
03:37yan na yan, bakbaka na yan.
03:39Flag bearers ng Philippine delegasyon si na Paris Olympics bronze medalist Aira Villagas
03:44at record-breaking weightlifter Albert Ian De Los Santos.
03:48I wouldn't have thought na ako maging flag bearer.
03:51Sobrang nakaka-proud na kami ang magdadala ng bandila ng Pilipinas.
03:57Mahigit 450 na Pinoy athletes ang sasabak sa biggest sporting event sa Asia.
04:02May special participation sa opening ceremony si Olympic gold medalist Aira Villagas
04:07bilang isa sa torch bearers.
04:09Mga kapuso na rin ito po tayo ngayon sa International Media Center sa Ichinagoya
04:13para sa 2026 Asian Games kung saan po nagbabantay din ang libu-libong mga mamamahayag
04:18mula sa iba't ibang panig ng Asia gaya po natin na bahagi ng Philippine Olympic Committee Media
04:23para po bantayan na tutukan ang gagawin po ng ating mga Pilipinong atleta
04:27para sa 2026 Asian Games.
04:31Bago ang opening ceremony, may good news na agad para sa Pilipinas.
04:35Sigurado na ang medalya ng Philippine Women's Soft Tennis Team
04:38matapos silang daigin sa group stage ang Mongolia at Thailand.
04:45Bukas ang semi-final at finals.
04:48Since nag-debut ang Philippine Soft Tennis sa Asian Games noong 1994,
04:54ito yung first ever na podium finish or medal sa Asian Games ng Philippine sa soft tennis.
05:03This is a very historic win for the Philippine soft tennis community
05:07kasi ito na lang yung major medal na wala pa ang Philippine soft tennis.
05:17Naging emosyonal ang team captain dahil first time daw niyang makakuha ng medalya sa Asian Games
05:23sa tagal ng kanyang pagiging atleta.
05:25Hindi lang ako naglalaro para sa sarili ko.
05:28Hindi lang siya para sa bayan, kundi para sa next na soft tennis players.
05:34Mula rito sa Nagoya, Japan, ako po si JP Soriano
05:38ng Philippine Olympic Committee Media at GMA News.
05:41Nakatutok, 24 oras.
05:45At para po sa iba pang updates tungkol sa Team Philippines sa 2026 Asian Games,
05:50iscan lang po ang QR code na makikita po sa inyong screen.
05:55At makikita niyo po sa page na yan ang mga dapat niyong malaman
05:59at iba pang updates sa Team Philippines at the 2026 Asian Games.
06:07Nagkunga rin bibili lang sa isang tindahan pero target pala ng snatcher
06:11ang mamahaling kwintas ng tindera.
06:13Ang nahulikam ng krimen, tinutukan ni Jomer Apresto.
06:20Nakatayo ang lalaking yan sa tapat na isang tindahan sa barangay Lower Bikutan sa Taguig City
06:24noong September 13 ng umaga.
06:26Lumapit sa kanya ang babaeng nagtitinda.
06:28Ang lalaking naka-helmet biglang
06:33hinablot ang kwintas ng babae at mabilis na umangka sa isang motorsiklo.
06:37Kwento ng biktima, nagpanggap na bibili ng sigarilyo ang lalaki.
06:41Nakatungo ko eh na ganyan, inuhugot ko yung sigarilyo.
06:45Eh hindi ko pa nahuhugot, dinakmana akong ganyan eh.
06:48May kasama siya, hindi niya pinatayong motor eh.
06:50Ayon sa biktima, mahigit 40 taon na sa kanya ang kwintas na ipinamanan sa kanya
06:54noong pagkapanganak pa lang sa kanya.
06:57Nataon na sinuot niya noon ang kanyang kwintas dahil aalis siya.
07:00Mga half million sa rin.
07:01Kasi sa diamond na lang eh, talagang kikita na siya eh.
07:06Puros diamond yun eh.
07:07Hagip sana ng CCTV ng barangay ang pagtakas noon ng mga salarin
07:10pero hindi gumagahan ang mga CCTV kung saan nakapuesto ang tindahan ng biktima.
07:15Pero base sa kanilang paikipag-ugnayan sa mga otoridad,
07:18tukoy na ang pagkakakilanlan ng isa sa mga sospek na residente sa lugar.
07:22Tinarbahan naman po ng mga kapulisyan natin dito ng sub-station 12
07:26at pinuntaan po yung lugar ng sospek
07:29at wala na po dun yung sospek na nanghablot.
07:33Yung nga po, ganun ang trabaho.
07:35Snatching, tsaka yung manghold up.
07:38May dumarating na ano sa amin na ano lang yan,
07:40bagong piyansa lang, kalalabas lang.
07:42Patuloy ang investigasyon ng polisya.
07:45Jomer Apresto nakatutok, 24 oras.
Comments

Recommended