00:02Inatasan ng Malacanang ang Department of Health o DOH na pabilisin ang pagproseso ng mga claims sa ilalim ng Medical
00:08Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients o MAIFIP Program.
00:13Layon itong matiyak na agarang makatatanggap ng tulong ng mga pasyenteng kailangan ng suportang pinansyal para sa pagpapaospital, gamot, emergency
00:21treatment, professional fees ng mga doktor at iba pang pangailangang medikal.
00:25Kasunod ito ng pagpapalabas ng Department of Budget and Management ng P27.4 billion na pondo para sa DOH sa
00:32ilalim ng 2026 General Appropriations Act.
00:35Nasa P19.14 billion ang ilalaan ng DOH Centers for Health Development para sa Medical Assistance sa pamamagitan ng mga
00:42regional network at partner healthcare facilities sa buong bansa.
00:454.35 billion pesos naman ang para sa mga DOH hospitals sa Metro Manila at mga regyon, habang 2.91
00:52billion pesos ang para sa Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute, Philippine Children's Medical Center at
00:59Philippine Heart Center.
01:00Makatatanggap naman ng 950 million pesos ang University of the Philippines Philippine General Hospital, habang 52 million pesos ang ilalaan
01:08sa drug abuse treatment and rehabilitation centers.
01:11Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, mahalaga ang mabilis na pagproseso na mga valid claim para magpatuloy ang serbisyong pangkalusugan
01:18lalo na para sa mga pasyenteng maliit ang kinikita.
01:21Sa pamamagitan anya ng MAIFIP, natutulungan ang mga pasyenteng matanggap ang kinakailangan nilang gamutan habang nasusuportahan din ang mga ospital.
01:29Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking makukuha ng mga pamilyang nangangailangan ang nakalaang tulong
01:36medikal at pinansyal ng gobyerno.
01:38Carlo Candelaria para sa Bayan.
01:41Carlo Candelaria para sa Bayan.
Comments