Skip to playerSkip to main content
- Rider, patay nang magulungan ng truck
- Pulis, patay nang mabundol ng humarurot na SUV
- Malakas na ulan, nagpabaha sa ilang lugar sa Metro Manila
- Bagyong Queenie 11 P.M. bulletin
- Carlos Yulo, nakuha ang unang gold ng Pilipinas sa 2026 Asian games
- Lalaking nag-jo-jogging, sugatan matapos undayan ng saksak ng nakaalitang matadero
- Lalaking na-trap sa imburnal, sinagip
- TRO vs. desisyon ng impeachment court sa pag-compute ng 2/3 vote para makapag-convict, hiniling sa SC
- Chinese warship, inimbita ng exercise task force na lumahok sa pagsasanay imbes na i-radio challenge
- Probinsya ng Sulu, bukas na sa turismo nang makamit ang State of Stable Internal Peace and Security
- DOJ: Marami nang complainant sa kaso ng mga nawawalang sabungero ang hindi makontak
- Entertainment spotlight
- Construction worker na isa nang "cleanfluencer," kinabiliban ng netizens

State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:02I'm on it!
00:05Oh my God!
00:20Nawala ng balanse ang rider na yan habang nag-overtake sa isang trailer truck sa Iloilo City.
00:25Hindi na nahagip sa video pero tuluyang natumba ang rider at nagulungan ang truck.
00:31Dead on arrival sa ospital ang rider.
00:34Parandali ang ikunulung ang truck driver pero pinalaya rin matapos maglaps ang regulatory period
00:40o ang panahon na pwedeng ikulung ang isang individual habang iniimbisigahan para siya ay makasuhan.
00:48Patay ang isang polis na nagbabantay sa checkpoint ng mabundol ng humaharurot na SUV.
00:54Yung driver, lasing umano.
00:55May report si James Paolo Yaak ng GMA Regional TV.
01:03Habang nagbabantay ang mga polis na iyan sa checkpoint sa barangay Butuay sa Jimenez Misamis Oksiletal nitong lunes ng gabi,
01:11biglang dumaan ang SUV na iyan at binangga ang karatula ng checkpoint at isang polis.
01:18Kinilala ang biktimang si polis senior master sergeant Shelvib Quahaw Kabug.
01:23Hindi siya gidala tayong diretsyo sa pinakadool nga baray tambalanan but after mga pila kauras ang nilabay,
01:31around 2pm na itong September 22, he was declared dead katungod sa mga injuries nga iyahang nakuha.
01:41Ayon sa PNP, nakasuot naman ng tamang gear gaya ng reflectorized vest ang kanilang mga kawani.
01:48Maliwanag din daw ang lugar.
01:50Nadakip ang driver ng nakabaggang sasakyan na isa o manong retiradong army personnel at nang isa ilalim siya sa breath
01:58analyzer test.
01:59Ang result nag-indicate nga kini siya is really under the influence of intoxicating liquor.
02:08Kinasuha na ang driver ng reckless imprudence resulting in homicide at paglabag sa Anti-Drunk Driving Act of 2013.
02:17Wala siyang pahayag.
02:19Sinusubukan pang kuhana ng pahayag ang pamilya ng biktima.
02:23Sa isang pahayag, tiniyak ng Napolcom ang pagbibigay ng tulong sa mga naulila ni Kabog.
02:30Mula sa GMI Regional TV, James Paolo Yap, GMI News.
02:37Bumuhos sa malakas na ulan sa Metro Manila ngayong araw.
02:40Sa Quezon City, may bumagsak na signage at nabual na puno na ikinasawin ng isang sumilo.
02:46May report si Joseph Moro.
02:51Malakas na buhos ng ulan at hampas ng hangin ang naramdaman sa ilang bahagi ng Metro Manila kaninang hapon.
02:58Agad yan nagpabaha sa bahagi ng Southbound Lane sa may balintawak sa Quezon City.
03:04Bumagal din ang trapiko dahil sa gutter deep na bahas sa Scout Madreñan, Corner Tomas Moroto.
03:11Halos mag-zero visibility na rin.
03:14Sa Nia Road, malapit sa kanto ng Elsa, isang puno ang nabual.
03:18Tatlo nabagsakan kabilang ang isang babae na dead on arrival sa hospital.
03:23Nagsilong lang, pauwi na po yata.
03:25So bigla na lang pong bumual yung malaking puno ng balete.
03:29Basta sabay po yung kidlat saka yung hangin na umanoko.
03:34Tapos nakita niyo na po yun, may nabagsakan.
03:38Dalawang sasakyan naman ang nabagsakan ng signage ng isang bus terminal.
03:42Wala nasaktan sa insidente.
03:44Ayon sa pag-asal, localized thunderstorms ang nagpaulan sa Metro Manila kanina.
03:49Localized thunderstorm din ang nagpaulan ng nagpabaha kahapon sa Malbar, Batangas.
03:54Bukuho ang pader!
03:56Bukuho!
03:58Bukuho!
03:59Bumigay tuloy ang pader ng sisiling bakod ng isang bahay.
04:02I imagine!
04:09Inanod pa ang ilang mga gamit.
04:11Wala pa pong 20 minutes yung ulan.
04:13Kasi bigla po yung baha.
04:16Wala namang nasaktan sa insidente.
04:18Ayon sa uploader, mga baradong kanal sa lugar ang nagpalala ng baha.
04:24Umabot naman hanggang tuhod ng baha sa barangay Tabunok sa Talisay City.
04:28May mga edineploy na rin water pump ang DPWA sa mga binahang lugar.
04:34Ramdam din kahapon ang malakas na ulan sa Bohol.
04:37Joseph Morong, GMA News.
04:45Bago ngayong gabi, napanatiling ng bagyong Queenie ang lakas ito habang kumikilos pahilagang kanluran.
04:51Huling namata ng sentro ng bagyo, 1,105 kilometers, silangan ng southern or northern Luzon.
04:58Sa ngayon, walang nakataas na anumang tropical cyclone wind signal sa anumang bahagi ng bansa.
05:03Mababa rin ang chance na tumama ang bagyo sa lupa.
05:06Pero nagdadala ng mga pag-ula ng trough o buntot ng bagyo sa Bicol Region at sa naditirang bahagi ng
05:13Visayas.
05:14Gayon din sa Mindanao, Negros Island Region, Aklan, Iloilo, Gimaras at Siquijor.
05:21Localized thunderstorm naman ang nagpapaulan sa Metro Manila at naditirang bahagi ng bansa.
05:28May ginto na ang Pilipinas sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan.
05:33Bula yan kay Olympic Double Gold Medalist Carlos Iulo.
05:37Nakabiti Iulo ang pinakamataas na score na 14.666 sa men's floor exercise.
05:43Ito rin ang parehong kategorya kung saan nakakuha si Iulo ng dalawang gold medal noong 2024 Paris Olympics.
05:51Nakasama ni Carlos sa finals ng men's floor exercise ang kapatid niyang si Eldrew.
05:56Proud daw siya na makasama ang kapatid.
06:02Ayun na po yung best and yung kakayanan ko mabagos ma-save lang po and recover po yung routine ko
06:11po.
06:12So yeah, I'm just really happy and thankful po na walang nangyaring masama sa akin and sa lahat po ng
06:19competitors.
06:24Nauwi sa krimenang pagdajogging ng isang lalaki sa Mangaldan, Pangasinan.
06:29Pinagahabol at inundayan siya ng saksak ng isang matadero, madaling araw nitong martes.
06:35May sinabi umano ang nakainom na sospek na hindi nagustuhan ng biktima, kaya pinaghahampas niya ito.
06:41Kumalis ang sospek at kumuha ng kutsilyot, binalika ng biktima.
06:46Naharap sa kasong frustrated homicide ang sospek na aminado sa krimen.
06:51Sinusubukan pa makuha ang pahayag ng biktima na nagpapagaling sa ospital.
06:56Palaisipan sa mga otoridad kung bakit nasa Imburna lang isang lalaki sa Quezon City.
07:01Kwento ng lalaki, may pinagdaraanan siya sa buhay pag-ibig.
07:05Pero duda riyan ang mga taga-barangay.
07:08May report si Mario Solobdo naman.
07:13Pahirapan ang pag-ahon sa lalaki ito nang abutan namin na nasa Manho sa Caliraya Street, Barangay Tatalon, Quezon City,
07:19kaninang umaga.
07:20Ang mga rumispunde, gumamit na ng iba't ibang aparato.
07:25Hanggang sa matagumpay siyang naiangat mula sa Imburnal.
07:28Makailang beses namin tinanong ang lalaki kung paano siya napunta doon.
07:36Pero hindi siya sumagot. Isinakay siya sa mobil at dinala sa Barangay Hall.
07:41Ang kwento raw ng lalaki sa barangay, galing siya kagabi sa birthday ng dating kinakasama.
07:46Nung kinausap namin yung kinakasama niya po, matagal na daw silang wala.
07:51So parang yung lalaki, hindi matanggap siguro yung nangyari sa kanila nung kanya kinakasama.
07:56Parang nagkaroon yata ng depresyon.
07:58Pero ang kapitan ng barangay, duda sa kwento ng lalaki.
08:28Dito sa manhole na ito, nakita ng mga barangay tatalon at QCDRRMO ang lalaki bandang alas 8 ng umaga kanina.
08:36Ilang metro lang ang layo nito mula sa isang pawn shop na nasa tawid, kalsada lang.
08:41Pinakawalang din ang nasabing lalaki.
08:43Walang reason na i-hold namin siya kasi there's no accommodation naman na nagnanakaw or nagbubutas.
08:50Gayunman, hindi rin nagpapakakampante ang barangay.
08:52Lalo sa pag-verify nila sa mga pulis, dati na palang nasakot sa carnapping ang nasabing lalaki.
08:58Kinumpan ma rin ito sa amin ang Quezon City Police, pero wala raw existing warrant.
09:02Assuming na dinahilan niya lang na nag-away siya, pero ang ibang purpose niya pala is mag-surveillance.
09:09Baka kasi mamaya, gabi yan o madaling araw pumasok dyan, natrap na lang siya dyan.
09:16Marisol Abduraman, GMA News.
09:18Pumingi ng temporary restraining order sa Korte Suprema si dating Executive Secretary Vic Rodriguez
09:24laban sa naging desisyon ng impeachment court kahapon sa magiging batayan ng two-thirds vote para makapag-convict.
09:32Ayon kay Rodriguez, walang kapangyarihan ng Senado bilang impeachment court man o legislative body na baguhin ang konstitusyon.
09:39Nakasaad daw sa saligang batas na two-thirds ng lahat ng membro ng Senado ang voting threshold
09:45o katumbas ng daming-anim kung bibilangin ang lahat ng 24 na Senador.
09:50Pero sa desisyon ng impeachment court kahapon,
09:53pwedeng hindi isama ang mga Senador na wala sa araw ng butuhan dahil nakakulong, nagtatago o may sakit.
10:01Isang Chinese warship ang lumitaw sa kasagsagan ng pagsasanay ng Pilipinas
10:05at 6 na iba pang bansa sa dagat na sakop ng Zambales.
10:09Pero imbis na ang karaniwang radio challenge,
10:12tila inimbita ito ng Exercise Task Force na sumali sa formation.
10:17Hindi na samagot ng mga Chinese na imbitado naman bilang membro ng ADMMO
10:22o ASEAN Defense Ministers Meeting Plus,
10:25pero piniling hindi magpadala ng mga barko o dumalo sa opening ceremony.
10:29Ang ADMM Plus ay ang regular na pagpupulong ng ASEAN Member States
10:34at walong ibang partner nations, kabilang ang China, US at Japan.
10:40Kabilang sa mga sinanay ay ang pagtutulungan sa panahon ng sakuna,
10:44sailing tactics at pagtiyak ng kaayusan sa karagatan.
10:48Ang kinatatakutan o ang probinsya sa Mindanao dahil sa presensya ng mga armado grupo,
10:54isa na ngayong up-and-coming tourist destination.
10:56Yan ay matapos makamit ng Suluang State of Stable Internal Peace and Security.
11:02Kung ano ang ibig sabihin yan, alamin sa report ni Rafi Tima.
11:08Mula sa pagkaklas ng Moro National Liberation Front o MNLF noong dekada 70,
11:14hanggang sa sunog-sunod na mga kidnapping ng terorist ng grupong Abu Seah Group
11:18sa pagpasok ng bagong milenyo.
11:20Ganyan na kinala ang probinsya ng Sulu sa matagal na panahon.
11:24Pero kanina, e-dineklara ng probinsya na nakamit na nila ang State of Stable Internal Peace and Security o SIPs.
11:31Tahimik at wala na raw ang mga terorist ng grupong Abu Seah sa lahat ng kanilang labigsyam na munisipalidad.
11:36E-dineklara ng probinsya ang SIPs matapos umano ang mismong assessment mula sa militar, PNP at national government.
11:43Bilang patunay nito, daandaang mga armas ang buluntarong isinuko sa mga otoridad ng mga sibilyan,
11:48mga lokal na politiko at tribal leaders. Ang ilan, ginamit daw sa mga karahasan sa probinsya sa nakalipas na ilang
11:55dekada.
11:56Gusto namin ipakita ngayon na yung pagdadala ng armas nung araw na hindi namin maiwan-iwanan
12:02ay nagiging or naging irrelevant na sa aming araw-araw na pamumuhay.
12:07We wanted more developments to come. Ika nga, when there's peace, comes development.
12:13Dahil dito, bukas na raw ang probinsya ng Sulu sa turismo.
12:17Kita nga mula sa himpapawid ang ilang resort na nagsulputan sa White Sand Beaches mula hulo hanggang patikol,
12:22mga lugar na dati hirap pasukin dahil sa presensya ng mga armadong grupo.
12:26Ayon sa mga lokal na opisyal at mga negosyante dito sa Sulu,
12:30dahil na't maayos na ang kanilang peace and order situation,
12:33saan na raw ay may mga dumagsana rito mga turista para masilayan ang ganda ng kanilang mga isla.
12:39Sa bahay ng loo na madalas iniikutan noon ang terorist ng grupong Abu Sayyaf,
12:44plano ng AFP na maging base ng Philippine Navy.
12:46Talagang manmanan natin na walang manggulo sa patuloy na development dito sa lugar
12:52para maging model community ang lalawigan ng Sulu.
12:58Dahil patagal na natin pinaglalaban to, ngayon kitang-kita na natin yung dibidendo.
13:04Pagka bumitaw tayo, mag-relax tayo, makamawala pa yan.
13:08Rafi Tima, GMA News.
13:11Iisang pamilya na lang o mano ang nakikipagtulungan sa Department of Justice
13:15kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sa bongero.
13:19Ayon kay Prosecutor General Anthony Fadulion,
13:21hindi na makontakt ng mga prosecutor ang mga kumpleynan.
13:25At ang tangin ng kikipagtulungan na lamang sa kanila ay ang pamilya ni John John Lasco.
13:30Pero paglilinaw ni Fadulion, patuloy nagugulong ang kasong kidnapping with homicide
13:35and serious illegal detention laban kay Atong Ang.
13:38Ang patuloy na magpipresenta ang DOJ ng mga ebidensya laban sa kanya,
13:45yun nga lang maapektuhanan niya ang civil aspect ng kaso
13:48o yung pagkliin ng danyos ng mga kaanak.
13:57Ilang personalidad at palabas ng GMA Network,
14:00kinilala sa 2026 USTV Media Excellence Awards.
14:05Media Excellence Award in Responsible News Reporting
14:08si State of the Nation anchor Atom Araulio.
14:11Tatlong parangal naman ang nakuha ni Cara David.
14:14Media Excellence Awards in Education and Public Affairs
14:18at Media Influencer Award in Environmental Awareness and Advocacy.
14:24Si Kuya Kim Atienza ginawara ng Media Influencer Award in Science Communication.
14:29Wagiri ng Eyewitness ng Media and Excellence Award in Public Affairs
14:33at Media Excellence Award in Science Communication.
14:38Special Citation for Excellence in Magazine Show naman
14:41ang iginawad sa kapusumod Jessica Soho.
14:45Habang Media Excellence Award in Education Program Category
14:48ang I Wonder.
14:50Nakamit ng biyahe ni Drew ang Media Excellence Award in Responsible Tourism.
14:55Habang ang Born to be Wild naman,
14:57ginawara ng Media Excellence Award in Environmental Awareness and Advocacy.
15:02Media Excellence Award in Entertainment and Popular Culture for Movie naman
15:07ang iginawad sa award-winning film na Balota.
15:10Four drama naman ang Yet Kapuso series na Maria Clara at Ibarra.
15:16Habang for game and reality show,
15:18ang Pinoy Big Brother.
15:20Aubrey Carampel, GMA News.
15:27Content for a Cause.
15:29Yan ang ginagawa ng isang construction worker sa Cebu
15:31na binansagang Clean Fluencer.
15:34Pusuan na yan sa report ni Marie Zumali.
15:42From this
15:44to this.
15:45Ang mode to cleanliness na yan,
15:47hindi proyekto ng gobyerno,
15:49kundi sariling sikap ng construction worker
15:51na si Reynaldo Pelonio,
15:53na kilala ngayon bilang Clean Fluencer.
15:56Happy ko bisanog bisagwalay stuildo,
15:59hindi na tarampunjit mas pamati,
16:00mga makatabang kaba.
16:02Hindi lang daw yan for the likes,
16:04kundi para na rin sa safety ng mga tao sa kalsada.
16:07Mula sa mga nagtataas sa mga damo,
16:10mga sanga na parang may sariling road project,
16:12at mga lumot na pwedeng magdulot na aksidente,
16:15para rong may personal battle si Reynaldo.
16:18At ang kanya sandata,
16:20grass cutter,
16:21pala at walis tingting.
16:37Hindi man daw niya kayang linisin ang lahat ng kalsada,
16:40pero kaya niyang simulan ang pagbabago sa mga lugar na abot niya.
16:52Till now, isig-asal, kita ay yapong tagbasura.
16:55Maris Umali, GMA News.
16:5992 days na lang, Pasko na.
17:03At yan ang mga balitang dapat yung malaman.
17:05Ito ang GMA News.
17:07Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
17:09Noon at ngayon, serbisyong totoo.
17:12Ako po si Ato Maraulio,
17:13at ito ang State of the Nation.

Recommended