Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga balitang ating sinaksihan ngayong
Lunes, August 31, 2026.


- Truck, nahulog sa dagat
- Makapal na putik, iniwan ng matinding baha sa Olongapo
- Isa sa 4 na nawawala nang mahulog ang sasakyan sa Agana bridge, nakitang patay
- Batang babae, nakitang buhay sa Himalayas glacier flash flood
- Maritime integrity at pag-iral ng rule of law, mensahe ni PBBM sa Araw ng mga Bayani
- Immersive tours, paraan ng mga kabataan sa Bacolod para ipaalala ang mga bayani
- Dennis Trillo, inungkat ang isyu ng flood control
- Konduktor ng modern jeepney, binugbog ang umano'y magnanakaw na namukhaan niya
- Christmas decors, mabili na sa pagpasok ng ber months.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:24A few more minutes, please, go ahead and check it out.
00:32Diretso sa dagat ang truck na ito matapos mahulog mula sa pantalan ng Punta Enganyo sa Lapu-Lapu City, Cebu.
00:40Kargado ng construction materials ang truck at pasakay na sa isang landing craft
00:45patungo sa Olongapo Island ng bumigayang rampa ng barko dahil sa napatid na lubit.
00:51Ligtas ang driver na agad nakatalon palabas.
00:54Nagtamo naman ang pasa ang isang tripulante na nahagip ng naputol na lubit.
00:58Ayon sa driver, napansin niyang hindi maayos ang pagkakalagay ng rampa.
01:03Pero ang mga tauhan ng barko sinisi ang malakas na hangin at bigat ng truck.
01:15Delubyo ang sinuong ng mga taga-zambales sa buhos ng ulan na dala ng habagat itong weekend.
01:20Dalawang namatay sa soul erosion sa Subic Bay, Freeport.
01:24Ang mga binahan naman sa Olongapo, sinisisi ang tinayong solar plant sa kabundukan.
01:29Yan ang report ni Darlene Carr.
01:35Ikinasindak ng mga nasa Subic Freeport Zone ang pagguho ng lupa sa Tipo High Tech Echo Park
01:40nang bumigay ang retaining barrier doon itong weekend.
01:45Isang truck ang tinamaan ng dumausdos na lupa.
01:49Sugatan at nabalian ng tadyang ang 22 anos na pahinanting ito.
01:53Nasa ospital pa siya.
01:54Isa pang trabahador ang sugatan pero nakauwi na.
01:57Pero ang truck driver, dead on arrival sa ospital at nakaburol na sa Bulacan.
02:02Isang Chinese sa tauhan ng kumpanyang nakabase sa Freeport ang namatay rin.
02:07Off limits na ang lugar dahil sa clearing operations at banta ng soil erosion.
02:11Ang Safe Subic Bay Coalition humihingi ng independent investigation.
02:16Nais nilang matiyak na nasunod ang lahat ng bata sa tamang proseso
02:20gaya ng kinakailangang engineering at environmental studies.
02:23We acknowledge naman po talaga yung mga concerns po ng Safe Subic Bay Coalition and we thank them.
02:29Kung merong hindi na po siya adapted na kailangan na i-improve, gagawin po natin yan, i-overhaul po natin
02:35yan.
02:36Bukod sa Subic Bay Freeport, pinirwisyon rin ang habagat ang katabing Olongapo City.
02:40Maraming bahay ang nalubog sa kulay putik na baha.
02:47Tila rumaragas ang ilog ang baha sa ilang lugar.
02:50Matapos ang maulang weekend, wala na ang baha pero nag-iwan ito ng mga problema.
02:55Tila walang katapusan ang paglilinis ng mga naiwang putik.
03:00Delikado at takaw-disgrasya pa.
03:02Yung yung nervyos kami, lalo na pag andyan ang baha, nag-iisa lang.
03:05Ang nag-iisa lang po yung anong hirap. Pag-akit ng gamit po, hirap po talaga.
03:10Naiiyak po kasi ako. Mahirap po talaga.
03:16Dalo lang wala kami trabaho mag-asawa. Anak ko lang po. Anong mahirap po talaga.
03:21Sabi ng ilang residente, dati na silang binabaha pero kakaiba raw ngayon.
03:26Nilubog po kami noong pinakamalaking baha ng 2013 at 2018.
03:30Tapos naulit na naman po yan. Siguro po yung ulit po ngayon.
03:33Kasi po siguro dahil sa ginagawa nilang mga solar sa bundok.
03:37Ngayon lang ito nangyari. Dati wala naman eh. Pagmulaan ka yung solar na yan.
03:42Ang solar na ikinapupundi ng mga residente ay ang phase 1 ng solar farm project na itinayo sa bundok sa
03:48lawak na 284 hectares.
03:512022 nang aprobahan ito ng DNR. December 2025 ito natapos.
03:56Proyekto ito ng AP Renewable Energy Corporation na pag-aari ng Aboitis Renewables Incorporated.
04:01Kung noong 2023 luntian pa ang bundok batay sa satellite images, ngayon kulay lupa na ang malaking bahagi nito na
04:09natatakpa ng mga solar panel.
04:11Sabi ng grupong PROPEL o Pro People Engineers and Leaders, libong mga puno ang pinutol para sa proyekto.
04:18Kaya hindi nang malayong maging sanhi ito ng pagbaha.
04:25Dahil hindi na-absorbed, so ito na, pag malakas ang ulan, ito na ngayon yung nalalaglag sa halupaan.
04:33Kaya nagkakaroon na mas baha kung panahon ng tag-ulan.
04:39Kung panahon naman ng tag-araw, natutuyo naman dahil wala namang hindi na re-recharge yung ating groundwater.
04:47Nag-iimbisigang DNR Region 3.
04:50Aminado ang kagawaran na nakita nga sa Environmental Impact Assessment ang posibleng ragasan ng tubig mula sa bundok.
04:57Downstream kasi o nasa ibaba ng solar farm ang barangay Santa Rita na isa sa mga binaha.
05:01Kayon man, ang pag-aproba sa proyekto ay bulsod down ng kondisyong may mga engineering measure na sasalag sa pagbabaha.
05:09Nung dumaan ho ito sa proseso ng aplikasyon, nakita ho na merong potential impact ho ito sa volume din ho
05:18ng tubig na maaaring makadagdagsang.
05:21Kaya po meron pa yung mga kondisyon na sinipunsan for the proponent to address yung flood concern.
05:27Katulad ho yung paglalagay nila ng floodwater drainage, yung pagkatanim ho nila ng mga pulong kahoy.
05:36Itinadahilan din ng DNR at ng Olonga po LGU ang anilay pambihirang dami ng ula nitong weekend.
05:42If you see the map, yung farm is here.
05:48So, kaya po medyo nakakonfirm po namin na yung rainfall talaga yung problema.
05:52I mean, yung hindi po siya talaga yung issue kasi yung speed, yung volume po ng tubig na buhaba from
05:57here is same as yung buhaba po sa part na ito.
06:00So, parang dapat, kung ito po yung dahilan, dapat magkaiba po sila, dapat magkaiba yung volume, magkaiba rin yung speed.
06:09Yung mga interventions po na ginagawa ng city, dati po sapat eh.
06:15Balik po kami sa pagpaplano po.
06:17Dinitindan po namin kung meron pa po kami pwedeng idagdag na mga outfalls, mga containment impounding areas.
06:24Kung kaya na pa po namin ayusin yung mga school protections.
06:26May phase 2 pa ang proyekto na kakain ng mahigit 228 hectares sa kabundukan pa rin.
06:32Sana matigil na rin po yung ginagawa nila na yan para po sana din hindi na mahirapan yung tao.
06:37Kasi kung wala po yan, hindi naman po rin siguro magkakaganito eh.
06:40Tiniyak naman ang avoidance renewables na dinisenyo ang Olongapo Solar Power Plant para hindi makadagdag sa problema sa bha.
06:47Sinunod nila ang hugis ng lupa, pinanatili raw ang vegetation sa lugar at naglatag ng mga sistema para sa drainage
06:55at slope protection.
06:57Batay raw sa independent third-party study, hindi pinalalala ng kanilang planta ang pagbaha sa mga komunidad sa paanan ng
07:04bundok.
07:05Sinusubukan namin kunan ang pahayag ang Department of Energy.
07:09Darlene Cai, GMA News.
07:11Marami pang lugar sa Central Luzon ng Pinerwisyo ng Habagat.
07:15May babaeng nalunod sa Baha sa Bulacan.
07:18Paralisado naman ang trapiko sa Enlex dahil sa Baha sa Pampanga.
07:22At bago ngayong gabi, nakita na ang isa sa apat na sakay ng AUV na nahulog mula sa nasirang Agana
07:28Bridge sa Taralac City.
07:30Tunghayan sa report ni Jonathan Andar.
07:35Naturing ang Expressway pero tila tumigil ang mundo ng mga motorista sa North Luzon Expressway.
07:42Mula nitong weekend, may baha sa ilang bahagi ng Enlex gaya sa Pampanga nang umapaw ang Pampanga River.
07:49Pila ang mga sasakyan simula kaninang umaga hanggang ngayong gabi.
07:54Laking abala sa mga ambulansyang may emergency.
07:57Pati sa mga motorista ang kailangang sagutin ang tawag ng kalikasan, gutom at uhaw ang inabot nila.
08:04Natinugunan naman ng mga nagtitinda.
08:06May mga napilitang bumalik sa binuksang U-turn slot.
08:09Bago mag-alas 6 ng gabi, ang buntot ng heavy traffic sa Enlex Southbound abot na sa San Fernando entry.
08:16Mga malalaking sasakyan lang ang nakadaraan sa Baha.
08:19Apektado pati ang Abad Santos Avenue.
08:33Paliwanag naman ang lokal na pamahalaan.
08:34Pumapanik eh. Pati yung matataas na lugar nadadamay na.
08:38Kasi nagbabackflow yung tubig dahil hindi nga makalabas sa Manila Bay.
08:42So talagang ang San Fernando, nagbabackflow yan dahil hindi na sila makababa.
08:47Dahil puno na yung makabebe masantol.
08:49Yung mga nasa downstream natin.
08:52Makikipagpulong daw si DPWH Secretary Vince Dizon sa Enlex Management para humanap ng solusyon.
08:57Sa Tarlac, di na uupos ang pag-asa ng mga kaanak ng apat pang hinahanap matapos mahulog sa Tarlac River
09:05ang kanilang sasakyan dahil sa pagbigay ng bahagi ng Agana Bridge.
09:10Pero dahil sa ulan, pahinto-hinto ang rescue operations.
09:13Kaya panawagan ng pamilya, dagdag pwersa para sa mabilis na paghahanap.
09:16Yung hoping po namin, napakalaki pa rin po kasi kahit isa sa kanila po ay hindi pa po nahanap.
09:23Ang naiisip namin ma'am is magkakasama pa rin po sila.
09:26Nagkagano po sila ng help po, humingi po sila ng rescue.
09:30Kahit gusto naman po namin tulungan, wala naman po kami magawa.
09:33Nilawakan na ng Tarlac PDRRMO ang operasyon.
09:36Magtatayo ang DPWH Region 3 ng Temporary Steel Bridge sa gumuhong Agana Bridge para madaanan na ito.
09:43We don't know the estimates of kailan pa magiging accessible.
09:46Itong mga tulay na ito.
09:48Sarado rin sa trapiko ang Aquino Bridge na gumuho rin ang isang bahagi noong biyernes.
09:53Nasa state of calamity dahil sa baha ang Tarlac.
09:57Gayun din ang buong Pangasinan kung saan mistulang ilog ang mga kalsada
10:01at pinasok na ng baha ang mga bahay at mga paaralan.
10:05Oo, hirap na hirap.
10:06Oo.
10:07Wala na.
10:08Parang na po itong baha, mami?
10:09Bali, dalawa na.
10:11Ganito po, baha.
10:12Oo.
10:13Ngirap po.
10:14Hanggang tuhod nga po ito eh.
10:16Umapaw ang mga ilog sa Aguilar at ang Marusay River sa Kalasyao.
10:20May pagguho rin ng lupa sa bahagi ng Makaboboni-Abagatanen Road sa Agno.
10:26Sa Bulacan, isang babae ang nalunod sa bahad.
10:29Dead on arrival siya sa ospital.
10:31Palpak sa flood control, palpak sa tao, walang tao.
10:34Kulang sa tao, walang equipment, walang magpa-first aid.
10:39Meron na, pero kulang.
10:41Sabi ng rescuer, unresponsive na ang pasyente.
10:45Tumagal naman sila sa biyahe dahil din sa baha at nakulangan po umano ng tamang gamit sa pag-rescue.
10:51It's popular.
10:54Wala na pong respans yung tao.
10:56Nag-try na lang po ako i-revive siya sa pamamagitan po ng pagsisitian.
10:59Pwede ko nga lang po siyang buhayin eh.
11:01Wala talaga kaming gamit.
11:02Bangka lang po.
11:03Hindi ko po sinisisipi.
11:05Kung sana lang, prepared tayo.
11:07Sana lang may equipment tayo.
11:09Sa may kawayan, galit din ang mga residente sa hindi pa humuhupang baha.
11:13Yung mga korakot, dapat yung tulog.
11:16Okay pa rin.
11:17Ayun siya, may daan.
11:19Meron naman pong flood control kasa po umapaw na po yung floodgate, mga floodwall natin.
11:25Kaya po nahinto yung pagbomba po ng mga pumping station.
11:32Inerereklamod din nila ang di pa dumarating na ayuda.
11:34Kanya-kanyang diskarte muna ngayon ang mga residente para makapunta ng palengke.
11:39Pino na rin ng mga pag-clamp sa mga sasakyan sa tulay na iniwas lang sa baha.
11:43Sabi ng may kawayan LGU, hindi sila pagmumultahin.
11:46Sabado pa sila nag-abiso na ilipat ang mga sasakyan sa lugar na hindi naman bahain.
11:51Baka rin daw makasagabal sila sa rescue vehicles o bumigay ang tulay.
11:56Jonathan Andal, GMA News.
11:58Patuloy ang pag-suyod ng mga otoridad sa Nepal para makuha
12:02ang mga natabunang biktima ng glacier flash floods sa Himalayas noong isang linggo.
12:07Nitong Sabado, buhay na nakuha ang isang batang babae.
12:11Agad siyang dinala sa ospital at nagpapagaling na.
12:14Doble kayod naman ang mga otoridad para mapasok ang mga lagusa ng isang hydropower power plant
12:19na tinamaan din ng matinding baha.
12:23Daang-daang trabahador kasi ang pinaniwalaang na trap sa loob.
12:27Ang iba pa namang hindi pa nakikitang bangkay na hindi na natukoy ang pagkakakilanlan
12:33inilibing sa mga shallow grave.
12:36Sa ngayon, mahigit siyang naraan na ang nasawit.
12:39Halos 5,000 naman ang patuloy na hinahanap.
12:42Patuloy namang bine-verify ang kalagayan ng apat na Pinoy na unaccounted for
12:46ayon sa Migrant Workers Secretary na si Hans Kakdak.
12:50Habang hinahanap pa rin ang turist ng Pinoy na si Dr. Juan Carlos Manalo.
12:56Pagdepensa sa teritoryo ng bansa at sa rule of law.
13:00Yan ang binigang diin ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong araw ng mga bayani.
13:04Sa kanyang speech sa libingan ng mga bayani,
13:06iginit niyang pinagtibay ng 2016 arbitral victory ng Pilipinas
13:10ang maritime entitlements ng bansa.
13:13Inalala rin ng Pangulo ang sakripisyo ng mga bayani ng bansa.
13:17Kasama na rin ang mga makabagong bayani tulad ng overseas Filipino workers,
13:21uniformed personnel, healthcare workers at mga guro.
13:25Matapos ang programa, dinalaw ng Pangulo ang puntod ng yumaong ama
13:29ang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
13:36Hindi lang mga pangalang kadikit na ng ating kasaysayan
13:40ang inaalala natin ngayong araw ng mga bayani.
13:42Sa panahon ngayon, marami rin nagpapamalas ng kabayanihan
13:45na inuuna ang kapakanaan ng marami bago ang sarili.
13:49Kilalanin sila sa report ni Marie Zumal.
13:55Contodo costume na animoy blast from the past
13:58ang mga kabataang ito.
14:00Bahagi sila ng Project Hapit
14:02o Heritage Awareness Program through Immersive Tours.
14:05Ang kanilang heritage tours mula sa mga monumento ng mga bayani
14:09at mga kalsadang ipinangalan sa kanila
14:11paraan ang pagtuturo sa mayamang kasaysayan ng Bacolod City.
14:16To provide contribution as well to our city
14:18to promote local history and cultural and heritage awareness.
14:23Hindi lang sa mga libro, monumento o mga palatandaan
14:27na susukat ang kabayanihan.
14:29Para sa ilang ilonggo, ang bayani ngayon
14:31ay ang mga karaniwang taong patuloy na lumalaban,
14:35naglilingkod at nagsasakripisyo para sa iba.
14:37Maaaring naman sila ng mga kalsasada.
14:39Ang jeepney drivers.
14:42Kay Miss K, struggles ang ginaface nila
14:45like sa pag-increase ang gasolinahan.
14:49Gaya ni Arnold, na tatlong dekada nang namamasada
14:52para sa kanyang pamilya.
14:54Hindi nga lang mag-wala pag lahom.
14:55Sa sabi, ang tagabihaya ka, ginantyaga ka po na.
14:57O kaya'y ang mga pag-asa ng bayan
14:59gaya ng inika noon ni Jose Rizal.
15:02Yung mga kabataan, kasi sila po yung future natin.
15:07O yung mga sumasagit ng buhay.
15:10Lahat ng mga medical na staff ng mga hospitals po, sila po yun.
15:15Kasi during the COVID, sila yung mga nag-alaga
15:18and nag-alaga sa mga na may sakit.
15:21Ang laranga ng medisina, tila nananalaytay
15:24sa ang kanang doktor na si Lance.
15:26I was raised by a family of medical professionals
15:29in a small and humble community
15:31and with the thought of using that kind of privilege
15:34in offering help.
15:35At ngayong tag-ulan, bagyuman o habagat,
15:38lumulutang din ang iba't ibang mukha ng kabayanihan.
15:41Mga rescuers sa baha na nagliligtas sa mga nagpapasaklolo.
15:45Mga delivery rider na patuloy na naghahatid ng pagkain
15:48at iba pang pangangailangan.
15:50Mga tsuper ng kuliglig na kahit baha,
15:52handang maghatid sundo sa mga hirap makatawid.
15:54Sila ang mabayaning walang pinipiling lugar
15:57o panahon para makatulong.
16:00Mariz Omali, GMA News.
16:08Umani ng libo-libong reaksyon at komento
16:10ang socially relevant post ni Kapuso Drama King
16:13Dennis Trillo nitong linggo.
16:15Tanong niya, kumusta na kaya yung mga nag-naakaw
16:19sa mga flood control projects?
16:21Kalaki pang hashtag na never forget.
16:24Ang post ni Dennis ay sa gitna ng malawakang baha
16:27at paguho sa luzon nitong maulang weekend
16:30dahil sa habagat.
16:33And it all comes down to four.
16:36Sinahana ng Pangasinan,
16:38Violet ng Antipolo,
16:40Kay ng Paranaque,
16:41at Martin ng Dubai,
16:43ang itananghal na final four teen clashers
16:46ng The Clash Teens.
16:48Aminado ang judges
16:49na nahirapan silang mag-desisyon
16:52lalot double elimination.
16:55At mas mahihirapan daw silang piliin ang kampiyon
16:59sa The Clash Teens 2026 this Saturday.
17:03Daryl's queen, Max Collins,
17:06just turned 34.
17:08Rigalo niya sa sarili
17:09ang quick relaxing pre-birthday getaway
17:12sa El Nido, Palawan.
17:13At extended hanggang sa Baguio
17:16with her friends
17:17ang kanyang celebration.
17:20Aubrey Carampel,
17:21GMA News.
17:24Pinagsusuntok ng kunduktor na yan
17:26ang isang lalaki
17:27sa loob ng modern jeep
17:28sa Bacolod City.
17:30Namukhan umano ng kunduktor
17:31ang lalaki na notorious umano
17:33sa pagnanakaw
17:34at madalas
17:35mambiktima ng mga pasahero.
17:37Bago yan,
17:38nagduda na ang ilang pasahero
17:40sa ikinikilos ng lalaki.
17:42Agad rumesponde
17:43ang mga otoridad.
17:44Pero nakatakas ang lalaki.
17:46Hindi na nagpaunlak ng panayam
17:48ang kunduktor ng jeep.
17:52Bermonts na po maya-maya
17:53kaya mauna na kami sa countdown.
17:56116 days na lang,
17:58Pasko na,
17:59pero hindi biro
17:59ang mga pagsubok
18:00sa mga Pinoy ngayong taon.
18:02Kaya paano ba natin
18:03gagawing makabuluhan
18:04ang selebrasyon?
18:05Ito ngayon sa report
18:06ni Katrina Son.
18:10Heto na nga,
18:12bisperas na ng Bermonts.
18:14Sa dapitan,
18:15Quezon City,
18:16maaga nang nakalatag
18:17ang mga ibinibet
18:18ng Christmas decor
18:19in various colors,
18:21shapes,
18:22and sizes.
18:23Anda na po ma'am
18:24kasi may hirap po
18:24pag marami na po
18:25bayan at saka
18:25pa lang po gagawa ma'am
18:26maganda na yung ready
18:27na po madam
18:28sa dagsa ng tao.
18:29Ang sabi ng ilang
18:30mamimili
18:31na excited na raw
18:32sila sa Pasko.
18:33Sabi ni seller,
18:34nauna pa raw kami
18:35kay Jose Marichan
18:36na mili.
18:36Kaya,
18:37kasi yung daughter ko,
18:39bago yung house nila,
18:40eh kailangan nila
18:40ng Christmas tree.
18:42O kaya ay habol nilang
18:44makamura
18:45habang maaga.
18:46Para maaga po,
18:48saka vacation po
18:49ngayon,
18:49holiday po.
18:51Good technique nga
18:52iyong early planning
18:53and budgeting
18:54ayon sa isang
18:54financial expert.
18:56We have 365 days
18:57in a year.
18:58Kung dalawang araw,
19:00inubos mo na yung lahat,
19:01o meron pa tayong
19:02363 days naman
19:04na maghihirap tayo.
19:05Kaya nga,
19:05ang sabi ko,
19:06ang goal ay maging
19:07masaya buong taon.
19:09Basta,
19:10huwag kalimutang unahin
19:12sa budget
19:12ang daily necessities.
19:14At maging realistic
19:15sa hanggang
19:16magkano lang dapat
19:17ang gastusin
19:18sa mga palamuti,
19:19regalo,
19:20paghahanda,
19:21at biyahe.
19:22Spend within
19:23our means.
19:24Actually,
19:25spend below
19:26your means.
19:27Kapag ikaw ay
19:28tinamaan ng kung
19:29anumang hindi
19:30inaasahang pangyayari,
19:32mayroon at mayroon
19:33kang mabubunot.
19:35Mapanghamon
19:36pa man din
19:36ang 2026
19:37sa dami
19:38ng mga kalamidad
19:39at trahedya
19:40sa ating bansa.
19:41Ang iba nga,
19:42nagluluksa
19:43o nawawalan
19:44ng pag-asa.
19:47Ayon sa isang
19:49sociologist,
19:50hindi naman
19:50masamang maghanda,
19:52simple man
19:52o magarbo.
19:53Pero mas
19:54nagiging makabuluhan
19:55ang Pasko
19:56kapag napapalalim nito
19:58ang ugnayan
19:59ng pamilya
20:00at komunidad.
20:01The real reason
20:02kung bakit tayo
20:03nagdiriyaw ng Kapaskuhan
20:05ay kinakailangan tayo
20:06magbigay.
20:08Because,
20:08ikan nga nila,
20:09binigay nga ni Kristo
20:10yung buhay niya
20:11sa San Libutan
20:12bilang halimbawa.
20:14Huwag tayong masyadong
20:15ikan nga nila
20:16ay self-centered.
20:17Kinakailangan
20:18ng pagdiriyaw ng Pasko
20:19is always geared
20:20towards
20:21helping others
20:22yung kapanganakan
20:23ni Kristo
20:24at kinakailangan
20:25yung focus.
20:26Masasabi natin
20:27ng mga dekorasyon
20:28at mga regalo
20:29ang nagbibigay sigla
20:31sa Pasko.
20:31Pero huwag natin
20:32kakalimutan
20:33na ang tunay na diwa
20:34at kabuluhan
20:35ng Pasko
20:36ay ang pagbibigayan,
20:38pagmamahalan
20:38at pakikipagkapwa tao.
20:41Katrina Son,
20:42GMA News.
20:44At yan ang mga balitang
20:45dapat niyong malaman.
20:46Ito ang GMA News.
20:48Walang kinikilingan,
20:49walang pinoprotektahan.
20:50Noon at ngayon,
20:51serbisyong totoo.
20:52Ako po si Atom Raulio
20:54at ito ang
20:54State of the Nation.
21:01Ako po si Atom Raulio
21:01Uwag natin
Comments

Recommended