00:23J.P. Soriano
00:31Muling nagpakitang gilas ang Olympic double gold medalist na si Carlos Yulo sa men's floor exercise sa men's artistic gymnastics
00:39ng 20th Asian Games.
00:41Ang kanyang performance nagkamit ang score na 14.666 at ang pinakamatamis sa lahat, ang pagkamit ng gold medal.
00:50Ito ang unang ginto ng Pilipinas sa ginaganap na Asian Games.
00:54Nang patugtugin ang lupang hinirang sa awarding ceremony, naalala raw ni Carlos ang nangyari noong 2024 Paris Olympics.
01:03Sunod namang sasabak si Carlos sa iba pang aparatos gaya ng vault kung saan siya rin ang reigning Olympic champion.
01:09Maging safe lang po tayo and gaya nga po nang sabi ko din, mas artistic po yung gusto kong ibigay
01:17na performance.
01:18Mas maganda po na performance. Mas maganda performance, syempre equals po nun malapit na sa result ang medal po.
01:25So not really, parang stress na pagdating sa makakuha ng medal.
01:34Matapos ang awarding ceremony, agad sinalubong si Yulo ng mga opisyal ng Philippine Olympic Committee.
01:40Sabi ni Carlos, masaya siya, pero alam niyang may igaganda pa ang kanyang performance.
01:45Ang tagal rin daw na nag-sink in sa kanya na siya pala ang champion dahil magaganda rin daw ang
01:51performance ng mga nakalaban.
02:08At sa pagkapanalo ng gold medal sa Asian Games, nakompleto na rin ni Carlos ang kanyang medal collection mula sa
02:19mga pinakamalalaking sporting event ng gymnastics.
02:22Receiving this blessing po from God, it's really an honor po and I take it to my heart really.
02:31And pagkapanalo ko po, kasama ko po dito yung mga taong nagdadasal sa akin, mga sumusuporta at sa mga Pilipino
02:39na akadanas po ng hirap right now.
02:41Para sa inyo po itong lahat.
02:43Proud din daw siya sa nakasabay sa Asian Games Finals, ang kapatid na si Eldro.
02:48Para naman sa POC, ito na ang sa tingin nilang umpisa ng gold harvesting ng Pilipinas sa Asia.
02:56Una nagpapasalamang tayo sa Panginoon dahil lahat ng mga panalangin natin.
03:03Then ito na, nabreak na yung ice.
03:07May nagsasabi, one down, seven to go. Parang mahirap yun pero kaya pa rin.
03:12Mula sa Nagoya, Japan at bilang bahagi ng Philippine Olympic Committee Media, ito ang unang balita, JP Soriano, GMA News.