- 2 hours ago
- #goodnews
Aired (September 26, 2026): Ang food delivery rider noon, napagtanto ang tunay niyang pangarap sa buhay—ang maging piloto. Ngayon, nakakuha na siya ng kurso para maging ganap na piloto at patuloy na nagsusumikap para sa pangarap niya.
Samantala, ang dating palaboy sa Kamaynilaan, nagkaroon ng pagkakataon para marating ang buhay na mayroon siya ngayon. Bilang isang chef, iba't ibang bansa na sa Europe ang nalibot niya at natutulungan pa niya ang kanyang pamilya.
'Yan at ang iba pang #GoodNews, panoorin sa video.
Hosted by Vicky Morales, ‘Good News’ is a weekly newscast that rounds up the trending feel-good stories in the Philippines and offers D-I-Y fashion tips and affordable healthy recipes for Kapuso viewers on a budget. #GoodNews
Samantala, ang dating palaboy sa Kamaynilaan, nagkaroon ng pagkakataon para marating ang buhay na mayroon siya ngayon. Bilang isang chef, iba't ibang bansa na sa Europe ang nalibot niya at natutulungan pa niya ang kanyang pamilya.
'Yan at ang iba pang #GoodNews, panoorin sa video.
Hosted by Vicky Morales, ‘Good News’ is a weekly newscast that rounds up the trending feel-good stories in the Philippines and offers D-I-Y fashion tips and affordable healthy recipes for Kapuso viewers on a budget. #GoodNews
Category
🎈
FunTranscript
00:22PILOTO
00:32PILOTO
00:33Congrats on your first solo!
00:35Yeah!
00:39Congrats, sir!
00:42Pero ang hindi alam ng iba,
00:44napakarami munang aberya
00:46ang kanyang hinarap
00:47bago tuluyang lumipad ang kanyang career.
00:50Siyempre,
00:51hindi lagi pwede nasa taas ka habang buhay.
00:54Si Zed kasi,
00:56bago nakapagpalipad ng eroplano,
00:59nagpadyak muna siya ng bisikleta
01:02at nagtrabahong food delivery rider
01:04sa Cebu.
01:05Walang wala ako, wala akong direksyon,
01:09wala akong ambisyon sa buhay.
01:10Kailangan ko lang mag-survive.
01:13Kung pakiramdam niyo
01:14suntok sa buwan ang inyong mga pinapangarap,
01:17ma-inspire kung paano
01:18pinalipad ni Zed ang kanyang pangarap.
01:24Masagana raw ang naging buhay ni Zed
01:26nung bata.
01:27Ang kanyang mga magulang,
01:29malakas daw kumita.
01:30Real estate brokers ang parents ko.
01:33So nagbibenta pa sila noon.
01:35Usap pa noon ang mga house and lot.
01:37Malaki ang income nila.
01:38At masasabi ko talaga
01:40na maswerte ako nung bata ko.
01:42Pero sa edad na labing isa,
01:44ang kanilang mundo raw,
01:45bumaligtad
01:46nang malugi ang kanilang business.
01:492007,
01:50nagkaroon ng economic crisis.
01:52At doon na dumating
01:54ang kondominium era.
01:56So ang income namin is
01:57pababaan ng pababa.
01:59Ang kanyang mga magulang,
02:01nalubog pa sa utang.
02:02At ang mga sasakyan at lupain nila,
02:04unti-unting ibinenta.
02:06Dumating sa punto na,
02:08lagi kami tinatawagan ng mga credit card.
02:11Naniningil.
02:12Tapos,
02:12ako yung pinapasagot ng magulang ko.
02:15Sinasabi ko,
02:16wala sila.
02:17Dahil dito,
02:19tila na walang daw
02:19ng direksyon at pangarap si Zed.
02:22Ang naging focus niya na lang,
02:23kung paano makakatulong
02:24sa mga gastusin sa bahay.
02:27Marahal yung king cancer!
02:29Kung ano-anaro noon
02:30ang pinasot niyang trabaho.
02:32Can you greet the person beside you?
02:33Nariyang nag-host siya ng mga event
02:35at umekstra sa TV at pelikula.
02:38Pero ang pinakasumubok daw sa kanyang tatal,
02:41nung matigil ang mga racket
02:43dahil sa pandemia.
02:45Sinuong niya ang pagiging food delivery rider.
02:4823 years old lang ako noon.
02:55Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
02:57Wala akong pera
02:58para man lang siya
02:59isang second-hand na motor.
03:01Ang ma-afford ko lang noon
03:02is bisikleta.
03:03At nag-apply na ako sa mga
03:05food delivery apps.
03:07Ang pagiging delivery rider,
03:09hindi lang daw nakakapagod.
03:11Delikado rin.
03:12Minsan na siyang nasa gasaan ng motor
03:14habang naghahatid ng pagkain.
03:17Kasi nga wala akong alam
03:18sa kalsada, sa Metro Manila,
03:20sa pagbabike.
03:22Ayun!
03:22Sumuhelpok sa binti ko.
03:27Pero sa lahat ng hirap na kanyang hinarap,
03:31si Zed,
03:32hindi nagpatinag.
03:33Laban niyang tayo, di ba?
03:35Hindi tayo pwedeng sumuko.
03:36Maraming umaasa sa atin.
03:38Sa pa-1515 niyang kinikita
03:41sa pagde-deliver kada araw,
03:43nakaipon siya ng pera
03:44na nagamit daw niya
03:45nang mag-desisyon siyang
03:46mag-career shift
03:47sa mas stable na trabaho
03:49sa airline industry.
03:50Wala akong experience
03:52bilang working professional.
03:54Sinubukan ko lang
03:55takipagsapalaran
03:56at awa ng Diyos
03:58natanggap naman
03:59at ito ako ngayon,
04:01isa akong full-time cabin crew
04:03sa local airline natin.
04:07Cabin is ready for boarding.
04:09Hanggang sa nabigyan
04:10ng pagkakataon
04:11na muling mag-take off.
04:13Nang minsan daw kasing
04:14makapasok sa cockpit
04:15ng eroplano,
04:16dito niya napagtanto
04:18na ang pangarap niyang trabaho
04:19e maging isang piloto.
04:22So sa kadalipad ko
04:23bilang cabin crew,
04:24siyempre nakasalumuha ko
04:26at nakakasama ko
04:27sa trabaho
04:28ang mga piloto namin.
04:29Namangha din ako sa kanila.
04:31At ang good news,
04:33dahil sa kanyang pagpupursige,
04:35si Zeb nakapag-ipon
04:37at sa tulong din ng loan,
04:39nakakuha siya ng kurso
04:41para maging isang ganap na piloto.
04:43Parking breaks are reset.
04:44Sit and sit,
04:45check and secure.
04:46Flight controls.
04:48May idea naman tayo
04:50na milyones talaga ang gastos
04:52pag gusto mo maging piloto.
04:54Ang daming bayarin.
04:55Sobrang proud kami kay Cedric
04:57sa lahat ng sacrifisyon niya.
05:00He's been a good student
05:02all around.
05:04Tagumpay ni Sir Cedric
05:05is nagbunga talaga
05:06dahil sa kahirapan
05:08at sacrifisyon na dinaanan niya.
05:12Tinatayang na sa dalawang taon pa raw
05:14ang gugugulin ni Zed
05:15sa Flying School.
05:16Ang milyong-milyong gastusin dito.
05:19Pagsusumikapan niya raw
05:20bunuin sa tulong
05:21ng pagiging flight attendant.
05:23Gusto kong sabihin na
05:24hindi imposible.
05:27Hindi imposible.
05:29Okay.
05:31Papunta na ako sa aking pangarap.
05:34Papunta na ako sa aking dream job.
05:36Hala, hala, hala.
05:38Tamakailan na nga
05:39nabigyan siya
05:40ng Aviation Baptism.
05:42Isang tradisyon
05:43kung saan ang student pilot
05:45na matugumpay
05:46na nakalipad ng solo
05:47e magiging ganap ng independent pilot.
05:52Congratulations on your first solo.
05:55Yeah!
05:59Laging tandaan, sky is the limit.
06:02Gaano man ka tayo ang nais nating abutin.
06:05Hanggat tayo'y magsusumikap,
06:07balang araw,
06:09magte-take off din ang ating mga pangarap.
06:12At lalanding din tayo
06:14sa inaasam nating tagumpay.
06:19Samahan nyo kami sa masayang kwentuhan.
06:22Magandang gabi.
06:23Ako po si Vicky Morales.
06:24Biyahing Espanya-Manila tayo
06:26para sa pinipilahan ngayong Spanish bread
06:29na ang palaman, ube?
06:34Bakit ka naiyak?
06:36Batang umiyak matapos pauwiin
06:39habang nakikinood ng TV sa kapitbahay,
06:42may natanggap na sorpresa.
06:47Dating batang palaboy sa Maynila.
06:50Chef na ngayon sa Europa.
06:56Hola, mga kapuso!
06:58Food trip tayo dito sa Espanya sa Maynila.
07:02Kung saan may pinipilahan ngayong Spanish bread.
07:10Balita namin,
07:11sa sarap at lambot nito,
07:13tiyak sasakupin daw nito ang inyong panlasa.
07:17At akalain nyo,
07:19ang tindera
07:19ng dinudumog na bakery na ito,
07:22e dating laman ng bangketa?
07:25Lahat po nang pwedeng itinda sa bangketa,
07:28ginagawa po namin ito sa revive cook.
07:30Ang nasa likod ng viral Spanish bread,
07:33ang 32-year-old na si Iris.
07:38Classic Spanish bread lang daw ang tinda nila noon.
07:41Pero nagsimula raw ang pag-ingay ng negosyo nila
07:44nung nakaisip siya ng pakulo sa Spanish bread.
07:50Ang napakalapot,
07:53napakatamis,
07:55at napakalinamnam na ube halaya.
07:59Hala! Delisyoso!
08:01Very classic po kasi yung lasa po niya,
08:04tapos meron pong new flavor na ube ko.
08:06Matapos ma-feature ang kanyang Spanish bread
08:09sa mga vlog ng food content creators online.
08:12Ito ngayon,
08:13tignan mo naman kung gano'ng karami yung ube.
08:15Ang kanila raw tinda,
08:17e laging pinipilahan
08:18at laging naso sold out.
08:20Nasa 1,000 pieces po na Spanish bread
08:23ang nagagawa ko sa isang sako.
08:26So, minsan po,
08:27may limang sako sa isang araw,
08:29minsan,
08:29pitong sako po sa isang araw.
08:31Siyempre po, masaya po ko
08:32na nag-trending po yung ube Spanish bread namin.
08:35Nadadagdagan yung income namin daily po.
08:38Sumaksesman ang negosyo ni Iris ngayon,
08:41pag-aamin niya,
08:42hindi raw sintamis ng ube halaya
08:44ang buhay niya noon.
08:46Si Iris kasi,
08:48laki sa hirap.
08:48Anin po kami magkakapatid.
08:50Ako po yung panganay.
08:53So, talagang laking bangketa po
08:54kami magkakapatid.
08:55Lumaki ako na naabutan
08:57kung may naniningil araw-araw.
09:01Nagkakaulian sa bangketa,
09:02kinukuha yung paninda namin.
09:04Dito siya unang nakatikim
09:06ng tamis ng tagumpay
09:08sa Letche Flan.
09:09At dahil dito,
09:11nakapag-ipon siya
09:12at nakapag-expand
09:13ng negosyo noong 2019.
09:16Ayun po,
09:17pinasok po namin yung bakery na
09:18tsaka mga tinapay
09:20para po pang dagdag po
09:21dun sa Letche Flan po namin.
09:23Pero nitong Marso lang daw,
09:25nang maisipan niyang
09:26sabayan ang hype
09:28ng Spanish bread online
09:29na nag-boom naman.
09:31Sa kata buwan,
09:32kumikita ang bakery
09:34at iba nilang food business
09:35ng 300,000 to 500,000 pesos.
09:38Ngayon,
09:40pag gusto namin umalis,
09:42pwede na anytime.
09:43Yung mga gusto namin
09:44kainin masasarap,
09:45kailangan paghirapan mo yun.
09:47Ngayon,
09:48parang normal na lang,
09:49parang yung kain sa labas,
09:50hindi lang siya pang family day.
09:52Pero sa mga curious dyan,
09:54kung paano ginagawa
09:56ang trending ube halaya
09:57Spanish bread ni Iris,
09:59may dadayo sa kanyang bakery
10:01sa Espanya
10:01para alamin ito.
10:03Welcome,
10:05Sparkle Artist Mad Ramos!
10:10So, exactly na akong malaman,
10:12parang yung ginagawa ito.
10:13Ito po yung dough natin,
10:15alisato na siya.
10:16Ito yung palaman.
10:17Palaman, yun yung ube.
10:18Oo, yun yung ube.
10:20So, ayan,
10:21si Kuya France,
10:21nilagay niya na yung specialty
10:23nila ng ube.
10:25So, nirol nyo lang yan
10:26at lalagay natin nila sa beddings.
10:29So, ayan po,
10:30pagkailagay ng beddings,
10:31ayan,
10:32lalagay na po natin sa plancha.
10:34So, ayan po,
10:35isasalansan po siya ng mabuti.
10:37Tsaka, ito isasalang
10:39sa pugon o oven.
10:40So, grabe nyo, guys.
10:41Kung makikita,
10:42sobrang init.
10:45At makalipas ang dalawampung minuto,
10:48ready to serve na
10:49ang mainit-init pang ube halaya Spanish bread.
10:57At syempre,
10:58papalagpasin ba ni Mad
10:59na tikman ang Spanish bread
11:01na siya mismo ang gumawa?
11:03Wow!
11:09Sobrang freehy niya,
11:10napas nito,
11:11and sobrang lambot.
11:13Next naman yung ube.
11:14Tignan natin.
11:16Ito kasi yung bago nila.
11:20Hindi kayo bumiguin ngayon,
11:21sobrang sarap.
11:23The difference is ito,
11:24ube,
11:25kasi ito, classic,
11:26almost safe,
11:27pero,
11:28iba yung ube.
11:29Hindi rin ganun ka.
11:31Sobrang tamis,
11:32sakto-sakto,
11:33yung parang sakalasin
11:33ng mga rapuso.
11:34Huwag mo siyang sukuan,
11:36labanan mo siya
11:36na kahit konti lang yung bumibili
11:38sa'yo araw-araw.
11:40Magtinda ka pa rin,
11:41kasi hindi naman araw-araw,
11:42tag-ulan.
11:44Kapag binato ka ng bato,
11:46patuhin mo raw ng tinapay.
11:48Pero sa kaso naman ni Iris,
11:50nang binato siya ng mga hamon sa buhay,
11:53gumawa siya ng masarap na tinapay.
11:56Kaya lasap na lasap niya ngayon
11:58ang tamis ng tagumpay.
12:04Bakit ka naiyak?
12:09Marami ang nahabag sa video nito
12:11ng isang binatilyong
12:13iyak ng iyak.
12:14Bakit ka naiyak?
12:18Porke tinawag tala ang
12:20pinapauwi ka na ulan.
12:22Kahit malakas ang buhos ng ulan
12:24sa labas,
12:25ayaw raw nitong umuwi.
12:27Ang binatilyo kasi...
12:29Sa kagaling...
12:30Bakit pinooda ka sa TV?
12:32Ano?
12:34Bakit pinooda ka sa TV?
12:37Saan?
12:42Pero bakit gano'n nalang ba?
12:44Ang kagustuhan ng binatilyo
12:46na manood ng TV.
12:54Sa barong-barong na ito
12:56sa Pagbilaw, Quezon Province,
12:58nakatira ang binatilyo sa video.
13:00Siya ang 14 anyos
13:01na si John Carlo.
13:03Dito naman po ako nanonood po dati.
13:05Iyan po umulan.
13:06Nakadungaw lang po ako dito.
13:08Kwento ni John Carlo,
13:10ang kanyang nagviral na video
13:11e kuha raw nang pinauwi siya
13:14ng kanyang ate Angelica
13:15habang nakikinood siya
13:17ng TV sa kapitbahay.
13:19Andito na po kami magkakapatid
13:20tapos nagtataka po ako
13:22wala po si John Carlo.
13:24Sabi ko po doon sa kapatid kong babae
13:26hanapin po niya.
13:27Nakita daw po niya nanonood ng TV
13:29tapos nasa labas po.
13:31Paulan na ho.
13:34Bakit ka naiyak?
13:37At pagkarating niya sa kanilang bahay,
13:39hindi na raw niya napigilang
13:41maging emosyonal.
13:43Ay, yung kung pinapanood ko,
13:45pwede ko pa kung tapos.
13:46May TV naman daw sila noon,
13:48pero dahil luma na raw ito,
13:50mabilis lang itong nasira.
13:53Dito na raw nagsimulang
13:54makinood si John Carlo
13:56sa TV ng kanilang mga kapitbahay.
14:10Dito sa tahanan ng kapitbahay nilang si Carla,
14:13ang isa sa mga tinatambayan ni John Carlo.
14:16Ang pinunta lang po talaga niya dito
14:18ay nanonood ng TV.
14:19Siya nakapulang dyan sa bangko.
14:21Tahimik.
14:22Umaraw man o umulan.
14:24Wala raw makakaawat sa kanyal
14:26dahil ito lang daw kasi
14:27ang tanging paraan niya.
14:29Para kahit papaano,
14:31eh, kanya raw makalimutan
14:32ang kanyang mga pinagdaraanan.
14:35Lagi po masaya po
14:36pag maganda po ang pinapalabas.
14:38Nakakatanggal po
14:39ng problema po
14:39pag ako ko'y nanonood.
14:43Ang buhay kasi ni John Carlo,
14:45mala teleserya sa TV ang tagpo.
14:50Si John Carlo,
14:51bunso sa limang magkakapatid.
14:54Wala raw silang kinalakihang ama.
14:55Bata pa lang kasi sila
14:57nang maghiwalay
14:58ang kanyalang mga magulang.
15:00Ang kanya namang nanay Angeline,
15:02namamasukang kasambahay sa Maynila.
15:05Mahira po ma'am.
15:06Bilang ako,
15:07single ma'am.
15:08Kinakaya ko po
15:09para
15:10matutustusan ko rin
15:11yung pag-aaral ng mga anak ko.
15:13Dahil tuwing Pasko
15:15at bagong taon lang ito
15:16nakakauwi sa Quezon,
15:18lumaki raw si John Carlo
15:19sa pangangalaga
15:20ng kanyang ate Angelica.
15:22Namimiss ko po ang mama ko po.
15:24Naiintindihan ko po
15:25yung sitwasyon namin.
15:27Dahilan po
15:27kung bakit
15:28nandito po ako
15:29para
15:30gabayan yung mga kapatid ko.
15:32Masakit po ma'am kasi
15:36wala naman akong magagawa
15:37kasi malayo po ako sa kanila.
15:40Sabi ko naman ganon,
15:42magdasal na lang palagi.
15:44Ang kakarampot na kinikita
15:46ni Angeline sa Maynila
15:48e kulang na kulang pa raw
15:49para sa pang-araw-araw
15:51ng lima niyang anak.
15:52May mga pagkakato
15:53ng araw
15:54na si John Carlo
15:55hindi nakakapasok
15:56sa eskwela
15:57dahil sa kakapusan
15:58sa baon at pamasahe.
16:00Hindi po talaga
16:01halos kaya po namin
16:03na siya ay
16:04papasukin araw-araw
16:05lalo na
16:06pag wala pong padala
16:07si mama.
16:08Sinasabihin po ko
16:09ng pulubi,
16:10mahirap
16:11at masakit po yun.
16:15Masakit din daw
16:16ng mapanood ni Angeline
16:17ang viral video
16:18ni John Carlo
16:19na umiiyak
16:20dahil hindi ito
16:21makanood ng TV.
16:23Nalulungkot ako
16:24dahil
16:24kahit saradawa na siya
16:25ng kapitbahay
16:27o paalisin,
16:29balik pa rin siya doon.
16:31Mula naman
16:32nang mag-viral
16:33ang video ni John Carlo,
16:35marami raw
16:35ang naantig
16:36sa kanyang kwento.
16:38Ang isa sa mga ito,
16:40agad daw
16:40na nakipag-ugnayan
16:41kay Angelica.
16:43Sinabihan niya po kami
16:44na pagkatapos
16:45daw po namin
16:45magsimba,
16:46mag-canvas na daw po
16:47kami ng TV.
16:48Sobrang saya po
16:49namin nun.
16:50At nang sinorpresa
16:52nila si John Carlo
16:53sa pag-uwi niya,
16:59ang bata
17:00muling naiyak
17:02sa tuwa
17:02nang makita niya
17:04ang kanyang
17:04bagong TV.
17:06Sobrang saya ko po
17:07ay napaiyak po
17:08mayroon po
17:09nagbigay po
17:09ng TV
17:10sa amin po.
17:13Matagal ko na po
17:15ito,
17:15hinihiling po
17:16itong TV na po
17:17kay ate po
17:18at para po hindi na po
17:19makalabas po
17:20at makinood.
17:23Maliban sa bagong TV,
17:26marami pa raw
17:26nagpaabot ng regalo
17:28para kay John Carlo.
17:29May mga nagpadala rin
17:31ng perang pambao
17:32ni John Carlo
17:32para hindi na siya
17:33umabsent sa school.
17:35Talagang sobrang saya po
17:36namin kasi
17:37ganun po na
17:38may mga
17:39naantig po
17:40sa video,
17:41may mga
17:42nakarelate pong tao.
17:47Wala!
17:49Pero hindi pa
17:51natatapos ang sorpresa
17:53habang nanunood
17:54sa bago nilang TV
17:55si John Carlo.
17:57Isang pamilyar na mukha
17:59ang lumabas
18:00sa screen.
18:05Walang iba
18:06kundi ang kanyang
18:07Nanay Angeline.
18:09Makanig ka kayo ma.
18:10Magpatuloy lang siya
18:11sa pag-aaral
18:12at saka sundin lang niya
18:13lahat ng otos
18:15ng ate niya
18:17magpapakabaidin
18:17siya palagi.
18:18Kahit wala ako
18:19sa tabi nila
18:20alam naman nila
18:21na mahal na
18:22mahal ko sila.
18:26Ang simpleng hiling
18:27ni John Carlo
18:28na magkaroon
18:29ng sariling telebisyon
18:30ngayon
18:31nabigyan
18:32katuparan na
18:32dahil sa kabutihan
18:34at malasakit
18:35ng kanyang kapwa.
18:37At yan ang
18:39good news!
18:47Ma-inspire sa kwento
18:48ng isang bata
18:49na minsan
18:50nagpalaboy-laboy
18:52sa mga kalsada
18:52ng Maynila
18:53pero ngayon
18:54nagluluto na
18:56sa mga kusina
18:57sa Europa.
18:58Paano nga ba
18:59niya nalagpasan
19:00ang mapapait
19:01na hamo
19:01ng buhay
19:02at nalasap
19:03ang tamis
19:04ng tagumpay?
19:06Ang chef
19:08at sima
19:08na si Maru
19:09living the European dream.
19:11Halos na libot
19:12na raw niya
19:13ang mga bansa
19:14sa Europa.
19:15Nakapunta na siya
19:16ng Italy,
19:17Spain,
19:18Norway,
19:19pati sa dream
19:20destination
19:21ng marami sa atin
19:22sa Switzerland.
19:24Pero aakalain ba niyo
19:26na si Maru
19:27e dating
19:28palaboy
19:29sa kalsada
19:30ng Maynila,
19:31tumira
19:32sa ilalim
19:33ng tulay,
19:33at
19:34kumain pa
19:35ng pagpag?
19:39Sa mga pinanghihinaan
19:41na rin
19:41dyan ng loob,
19:42ibabahagi na ni Maru
19:43ang kanyang
19:44resepi
19:44ng tagumpay
19:45at kung paanong
19:46ang isang simpleng katapatan
19:48e magpapatamis
19:49na kanyang buhay.
19:52Dito sa bahay
19:53ng Uzon
19:54sa probinsya
19:55ng Masbate,
19:56nagsimulang mangarap si Maru.
19:57Nung bata ako,
19:58pangarap ko dati,
19:59maging siman talaga.
20:00Nagmarka sa utak ko
20:01yung mga kamag-anak ko
20:02na meron silang maayos na buhay.
20:04Pero hindi raw
20:05naging madali
20:05ang buhay
20:06para sa kanilang pamilya.
20:08Ang kinikita kasi noon
20:09ang kanyang tatay Leonardo
20:10sa pangingisda,
20:12kulang na kulang
20:13para sa mga pangangailangan
20:14nilang mag-anak.
20:15Dati po,
20:16pag may huli po ako,
20:17siya po ang pinapadinta.
20:19Tanggap ko sa sarili ko
20:20na salat
20:21yung buhay.
20:24Meron akong sapatos
20:26na butas-butas.
20:27Nabubuli.
20:28Tapos,
20:29walang pamasahe.
20:30Para maabot
20:31ang kanyang pangarap,
20:32pagka-graduate ng high school,
20:34nakipagsapalaran
20:35si Maro sa Maynila.
20:36Alam ko,
20:37nasa Maynila
20:38yung magiging future ko.
20:39Pero pagkarating niya rito,
20:41ibang mundo
20:42ang sumalubong sa kanya.
20:43Bit-bit ko yung bug ko noon
20:45nung mag-isa lang.
20:46Hindi ko na alam
20:46kung saan ako pupunta.
20:47Kaya saan napadpad ako
20:48dyan sa may,
20:49sa isang park.
20:54At...
21:01Tapos,
21:01tapos din sa park na yan,
21:03doon naminikot yung buhay ko.
21:06Doon ako natutulog.
21:09Tapos kapag umuulan
21:11ng doon,
21:11girls.
21:16At tumira
21:17sa ilalim ng tulay.
21:18Dyan ako namuhay
21:19ng parang normal lang,
21:20pero sa mata ng iba,
21:21hindi normal.
21:22Pero may mga part na
21:23hindi ko nakaya.
21:25Hindi ko nakaya.
21:26Hanggang sa trinay ko din.
21:28Trinay ko din na
21:29kumain ng pagpag.
21:31Tapos sinasabi ko sa sarili ko
21:32na balang araw,
21:34itong batang ko
21:36may mararating din sa buhay.
21:42Para mabuhay,
21:43kung ano-anong trabaho raw
21:45ang pinasok ni Maro.
21:46Naging barker siya ng jeep,
21:48naging dishwasher sa mga kainan,
21:50pati pagbebenta ng asin,
21:51pinatos niya.
21:52Binabayaran ako ng 30 pesos per day.
21:55Hanggang sa sinubukan niyang
21:56mag-apply na janitor
21:57sa isang sikat na universidad
21:59sa Maynila.
22:00Yun nga lang.
22:01Pagdating ko mismo sa interview ko,
22:04hindi ko naman alam
22:05na kailangan pala
22:06ng isang polo shirt
22:07bago ka ma-interview
22:08kasi yun yung requirements
22:09ng HR doon.
22:10Wala akong dalang polo shirt.
22:11Pero nung aalis na sana siya,
22:15may gawadyang nagbagandang loob
22:17na pahiramin siya ng damit.
22:18Natuloy yung interview ko sa HR.
22:20Pumasa ako doon sa interview.
22:23Naglilinis lang ako sa mga classrooms.
22:25Sabi ko, balang araw,
22:26uupo ako dyan.
22:27Bilang isang estudyante,
22:28hindi isang janitor.
22:30Pinagbutihan man ni Maro
22:31ang kanyang trabaho.
22:32May mga pagkakataon daw
22:34na tila sinubok siya ng tadhana.
22:37Nariyang nakapulot daw siya noon
22:38ng 120,000 pesos.
22:41First time ako makakita
22:42na yung ganong kalaking pera.
22:43Pero unang pumasok sa isip ko,
22:45marami ka na magagawa
22:46sa 120,000 na yan.
22:48Yung bahay nyo sa probinsya,
22:49sinira ng bagyo.
22:50Yung tatay mo,
22:51kailangan ng bankang dimotor.
22:52Pero hindi.
22:54Hindi ako nagpadala
22:55sa ganong klaseng tukso.
22:57Ginawa ko, niradyo ko yun
22:58sa supervisor ko.
22:59Hindi man siya nagkaroon
23:01ng instant na pera,
23:02ginantimpalaan naman daw siya
23:04ng tadhana sa ibang paraan.
23:06Nanggawaran siya
23:07ng pinapasukan niyang university
23:09ng full scholarship
23:10dahil sa kanyang good deed.
23:12Dito pinagsabay ni Maro
23:14ang pagtatrabaho
23:15bilang janitor
23:16at pag-aaral
23:17ng kursong
23:18business management.
23:19Nagtatrabaho ko
23:20sa umaga
23:20from 8 to 5.
23:21Tapos papasok ako
23:22ng 6 to 9.
23:23Pagod ka na,
23:24pero papasok ka pa
23:25at ang dami mga kailangan gawin
23:27dahil tapusin.
23:28Ang kanyang pag-aaral
23:29sa kolehyo,
23:30sinekreto raw muna
23:31ni Maro sa kanyang pamilya.
23:33At sinabi niya lang daw ito
23:34sa mismong araw
23:35ng kanyang graduation.
23:37Menezes ko yung parents ko
23:39na lumukas sa Maynila
23:40kasi may papapirman akong insurance.
23:43Tinawag na yung batch namin
23:45para lumapit sa stage.
23:47Grabe yung kaba ko.
23:49Grabe yung kaba ko
23:50kasi
23:52alam mo yun,
23:53andun yung magulang mo.
23:55Hindi na alam,
23:56gagraduate ang anak nila.
24:04Taragang nasurprise talaga kami.
24:06Wala kaming alam
24:07kung nagklase ba siya
24:08basta sabi niya
24:09may trabaho na ako
24:10tapos
24:11nag-ano din ako ma'am
24:12na talagang may trabaho
24:13kasi nagbibigay buwan-buwan eh.
24:15Pagka graduate,
24:16nakakuha raw agad si Maro
24:17ng mas magandang trabaho
24:19bilang specialist.
24:20Nung nakapag-ipon ako na,
24:21nabilang ko na siya
24:21ng bangka.
24:22Nabibilang ko na sila ng mga gamit,
24:23ref, TV,
24:24na wala kami,
24:25may kuryente na kami,
24:26napaayos ko na yung bahay,
24:27may CR na rin.
24:28Nang unti-unti na raw niyang
24:29natupad
24:30ang pangarap ng kanyang pamilya.
24:32Tsaka niya raw tinupad
24:33ang pangarap nila
24:34ng kanyang nanay,
24:36ang maging chef at seaman.
24:38Binitawan ko yung work ko.
24:39Nag-aral ako ng kulinary.
24:40Nang makapagtapos
24:41sa culinary school,
24:43natanggap daw agad si Maro
24:44sa isang barko sa Europe.
24:46Ang pangarap mo sa akin
24:47na maging seaman,
24:48eto naman oh,
24:49lapit na.
24:50Pero bago pa man daw siya
24:51makaalis,
24:53taong 2023,
24:53pigla naman na wala si mama.
24:56Hindi ko nasabi sa kanya
24:57na natupad ko yung pangarap niya
24:59para sa akin na maging seaman.
25:00Alang-alang sa alaala
25:02ng yumaong ina,
25:03itunuloy ni Maro
25:04ang pagsampa sa barko
25:05taong 2023.
25:07At dito na nga tuluyang
25:09nagbago
25:09ang takbo ng kanyang buhay.
25:12Nakapagtrabaho na siya,
25:13napuntahan pa niya
25:14ang mga lugar
25:15na minsan niya lang
25:16pinapangarap.
25:18At dito lang September 17,
25:21si Maro,
25:24umuwi ng Pilipinas.
25:26At dito lang September 17,
25:29si Maro,
25:32umuwi ng Pilipinas.
25:36Hindi ko talaga alam nga siya
25:37ang darating.
25:38Ang sabi talaga sa akin,
25:39sa amin,
25:40papadalaro siya ng mga gamit.
25:43Pag tingin ko,
25:43tumakbo yung bunso ko sa kanya
25:45na, ay, si Kuya pa!
25:46Ayun!
25:46Ayun na yun!
25:47Nagliyakan na.
25:48Sobrang sayo ko talaga.
25:49Nagulat ako.
25:51Sa dami raw ng taong
25:53napaglutuan ni Maro,
25:55the best pa rin
25:56na paglutuan
25:56ang kanyang pamilya.
25:58Today ay magluluto tayo
26:00ng chicken afritada
26:01and spaghetti.
26:03Yung mga lulutuin ko
26:04ngayong araw na to
26:05ay isa
26:05sa mga special dish
26:07ng pamilya ko.
26:08Hindi ko pa nagagawa
26:09na ipagluto
26:10yung aking pamilya.
26:11Ang nagsilbing assistant
26:12ni Maro sa kusina
26:13ang kanyang tatay Leonardo.
26:16Yan talaga ang
26:18favorito ni Mama mo.
26:19Kung wala man si Mama ngayon,
26:21ay alam ko
26:22masaya siya
26:23na pinapanood tayo.
26:28Naalala ko dati
26:29yung kapitbahay natin
26:31na nagbigay ng spaghetti.
26:32Sabi ko dati
26:32pagkain ng pangmayaman.
26:38At nang maluto na
26:39ang afritada
26:40at spaghetti ni Maro.
26:42Ayun pa, ready na
26:43yung ating pagkain.
26:44Nagsalo-salo na
26:46ang pamilya.
26:48Masarap tayo ba?
26:49Tilawan mo.
26:50Masarap.
26:50Mas important.
26:52Sa TV ko lang ito
26:53nakikita
26:54yung mga pagkain na ganito.
26:55Pero ngayon,
26:56nakakain ko niya rin
26:57at saka yung kuya ka po mismo
26:59yung nagdoto.
27:01Kung mabibigyan ako ng time
27:03na kausapin
27:04yung Batang Maro,
27:05ang gusto ko sabihin sa kanya
27:05salamat sa hindi pagsuko.
27:07Yung success ko ngayon,
27:08kung anong meron ako ngayon,
27:09kung anong ini-earn ko ngayon,
27:10is because of him.
27:12Sir talaga yung nagtanim
27:13ng lahat ng hirap.
27:13At ako yung bunga
27:15ng lahat ng hirap ngayon.
27:19Sana ay nagustuhan nyo
27:21ang mga handog naming kwento.
27:23Hanggang sa susunod na Sabado,
27:25ako po si Vicky Morales.
27:26Tandaan!
27:27Basta puso,
27:28inspirasyon,
27:29at
27:30good vibes,
27:32siguradong
27:32good news yan!