00:00Itinaboy ng Philippine Coast Guard ang Chinese fishing boat mula sa Cota Island na nasa Kalayaan Island Group.
00:06Ayon sa PCG, posibleng hindi lang pangingisda ang pakay ng mga Chino, lalo't inaangkin din nila ang Cota Island.
00:13Saksi, si Chino Gaston.
00:20Sakay ng isang rubber boat, pinatunugan ng wangwang at nilabitan ng Philippine Coast Guard sa Cota Island sa Kalayaan Island
00:27Group.
00:28Ang Chinese fishing boat na ito tanghali kahapon.
00:31Lumapit kasi ang mga Chino sa isla sa distansyang 300 yarda.
00:36Pagkatapos ay nagbaba ito ng 24 na sampan o maliliit na bangka na pumalimot sa isla.
00:43Hindi sila umalis kahit inaalis na at ni-radio challenge ng Philippine Coast Guard.
00:49Chinese fishing boat, this is Philippine Coast Guard, Coast Guard Station, Cota.
00:55Nang isa-isang lapitan ang mga sampan, ay dali-dali silang bumalik sa kanilang mothership.
01:05Pagkasampan ang mga sampan ay umalis na ang fishing boat.
01:09Duda ang PCG kung nangingisda lang ang mga Chinese, lalo't inaangkin din nila ang Cota Island.
01:16It will also be a possibility to survey what are the activities that we're doing in Cota Island
01:22to document the personnel who are also staying sa Cota Island.
01:27Hindi naman sila nag-lay ng net, hindi rin naman sila kumuha ng nagbagsak ng mga fishing gears nila.
01:33It was just intentionally designed na paikutan nila ang kabuuan ng Cota Island.
01:40Sa ilalim ng United Nations Convention on the Loss of the Sea o Ungklos,
01:45itinuturing ang Cota Island na isang rock na lumilikha ng sariling 12 nautical miles territorial sea.
01:51Sa loob ng territorial sea, pwedeng dumaan ang mga dayuhang barko,
01:55pero hindi sila pwedeng mangisda, mag-scientific research o magmalagi ng walang paalam.
02:00Kahapon din, pinuntahan ang BRP Teresa Magbanwa ng PCG ang isang Chinese Coast Guard vessel
02:07at tatlong Chinese warship may 35 nautical miles ang layo mula Cabra Island sa Mindoro.
02:13Nakaalis na ang mga Chinese roon, kaya papunta naman ang BRP Teresa Magbanwa sa Batanes,
02:20kung saan namataan ang isang Chinese research vessel na Jiahai-K7.
02:26May 38 nautical miles mula sa isla ng Itbayat.
02:29Sa isang statement, sinabi ng Chinese Embassy na sakop ng jurisdiction ng China
02:34ang lugar kung saan nakita ang Jiahai-K7.
02:38Yan ay kahit pa 38 nautical miles ang layo nito mula sa isla ng Itbayat
02:44at nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
02:48Ayon sa PCG, ang pahayag na ito ng Chinese Embassy,
02:52kumpirmasyong inaangkin din ng China ang dagat malapit sa Batanes.
02:56This is the first time that they are actually confirming and claiming
03:02na they have legal jurisdiction daw dito sa Karagatan ng Batanes.
03:10They responded with my post na sinasabi nila,
03:15this is in adherence to unclose this poll within their own sovereign rights.
03:22Itinuturing ng PCG na critical ang Karagatan ng Itbayat
03:26dahil dito dumaraan ang mga undersea cables mula mainland Asia
03:31na bahagi ng communication infrastructure ng Pilipinas.
03:35Ako si Chino Gaston, ang inyong saksi.