Skip to playerSkip to main content
Bistado ang mahigit isang toneladang frozen na isda na ilegal umanong nakaimbak sa Caloocan. Sa Zamboanga City umano dapat dadalhin ang mga isda.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi. .

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bistado magit isang toneladang frozen na isda na iligal umanong nakaimbak sa Kaloocan.
00:05Sa Zamboga City, umanong dapat dadalhin ang mga isda.
00:08Saksi si Jamie Santos.
00:14Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BIFAR,
00:20Department of Agriculture at Criminal Investigation and Detection Group o CIDG
00:25ang isang cold storage facility sa dagat-dagatan Kaloocan.
00:28Target ng operasyon ang mga kahon ng imported frozen Pacific Macarela.
00:33Ayon sa BIFAR, dapat sanang manggagaling sa isang cold storage facility sa Bulacan ng kargamento
00:39at ihahatid sa Zamboanga City kung saan ito ipoproseso bilang delata.
00:44Nasa 2,000 kahon umanong ng isda na nagkakahalaga ng humigit kumulang 2 milyong piso
00:49ang dapat sanang bumiyahe patungong Zamboanga.
00:52Pero nakatanggap ang BIFAR ng impormasyon na may bahagi ng kargamento na mula Bulacan
00:57ay dinala sa Kaloocan City.
00:59Ang approved kasi na purpose ng kanyang importation ay for processing or for cunning purposes.
01:07And apparently pag yun po ay hindi o na-divert yung purpose nila
01:14na gilawang available for public market or for local consumption,
01:20yun po ay isang pagbalga sa ating Fisheries Administrative Order No. 275.
01:26Sa loob ng pasilidad, nakita ang humigit kumulang 720 na kahon ng frozen pacific mackerel.
01:33Sumatotal po natin yan, it's more than a ton of illegally diverted mackerel.
01:40Kasama rin sa search warrant ang isang wing van na umunay ginamit sa pagdala ng mga produkto.
01:46Isa sa gawa pa ng CIDG ang accounting at inventory ng lahat ng nabuhang ebidensya.
01:50If the evidence says cease, mamaya po dito pag matatapos po yung inventory namin,
01:56would reach 10 million and above, then we will be filing a case of economic sabotage.
02:03That is on top of the cases that we will be filing.
02:07Samantala, sinabi ng BFAR na maaari rin kumpiskahin ang mga nakuhang isda
02:11at sasa ilalim sa notice of violation at administrative case ang mga responsable.
02:17Dadaan din sa pagsusuri ang mga isda para matukoy kung fit for human consumption ang mga ito.
02:23Kung mapatunay ang ligtas para sa konsumo,
02:26maaari umanong ipamahagi ang mga ito sa charitable o penal institution sa National Capital Region.
02:32Depende sa magiging desisyon sa administrative proceedings.
02:36Samantala, lumapit sa GMA News ang nagpakilalang abogado ng kumpanya
02:40pero tumangging magpa-interview sa kamera.
02:43Ayon sa abogado, re-repasuhin muna nila ang CCTV footage sa pagpasok ng mga operatiba
02:49at kakausapin ng mga opisyal na nagsagawa ng operasyon bago magbigay ng kanilang pahayag.
02:55Ako, si Jamie Santos, ang inyong saksi.
Comments

Recommended