00:00Pinuna ng Commission on Audit ang ilang warehouse ng Department of Social Welfare and Development Region 10
00:06dahil posibleng nakontamina o nasira ang relief packs na nakaimbak doon.
00:11Batay sa COA report noong 2025, pinasok ng mga daga at ilang peste ang warehouse
00:16dahil wala uminong maayos na pest control.
00:19Ayon sa COA, halos 107 million pesos na halaga ng relief packs ang posibleng nakontamina.
00:24Sagot naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, hindi ang buong 107 million pesos na halaga ng food packs
00:31ang na-expose sa daga. 600 food packs na nagkakahalaga ng 280,000 pesos daw ang naapektuhan.
00:38Para hindi na maulit, binalot ng plastic ang hindi nakontaminang food packs.
00:42May food grade pest control na rin daw sa warehouse.
00:45Sisiguraduin din daw na lahat ng ipamimigay na relief packs ay bago, hindi expired at ligtas gamitin.
00:54We assure the public na kung ano ang nilalabas namin sa bodega ay mga bagay na personal kami mismo, na
00:59konsumo namin.
01:01Walang lalabas sa bodega namin ng hindi naka-quality assurance na mga development workers namin.
Comments