00:00Mga kapuso, tayo po'y nagbabalik mula dito sa Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City,
00:05kung saan nagsasagawa ng kanilang kilos protesta ang grupong piston.
00:10Unang araw po ngayon ng kanilang ikinasang malawakang tigil pasada.
00:14Para ipanawagan ay ilang mga bagay.
00:16Una-una dyan, ang pagpapababa ng presyo ng mga produktong petrolyo,
00:20ibalik sa 55 pesos kada litro ang presyo ng diesel.
00:25Panawagan din nila ang pagtanggal sa excise tax at VAT sa mga produktong petrolyo
00:32at gayon din ang pagbasura sa oil deregulation law.
00:36Patuloy po ang kanilang panawagan sa kanilang mga kapwa at choper na makilahok
00:39dito sa kanilang isinasagawang kilos protesta.
00:42May mga sumasama, meron din namang hindi.
00:45Sa ating napapansin sa mga oras sa ito, medyo kumukunti na yung mga dumadaang jeep
00:51na nakikita natin dito sa bahagi ng Aurora Boulevard.
00:54Ito yung mga biyaheng rekto, mga biyaheng stop and shop.
00:58Sa ngayon po, nagpapatuloy lamang ang kanilang paghahanda.
01:01Nakita na rin natin kanina si Camo Di Toranda, pero medyo abala pa siya sa mga oras sa ito.
01:06So sabi muna natin, ang isa sa kanilang mga miyembro, magandang umaga po sa inyo.
01:10Magandang umaga din po, Sir Celso Nobora po.
01:13Sir Celso, bakit po kayo nakikilahok dito sa Tigil Pasada ngayong araw?
01:18Sa sobra pong pagtataas ng mga produktong petrolyo.
01:22Kahapon po, sinimula na yung taas-pasahe.
01:26Tapos ngayong araw, may rollback tayo.
01:29Hindi po sa patiog para sa inyo.
01:31Ang saya-saya po nung pagtataas eh.
01:33Ang laking insult po sa aming mga driver.
01:35Ano naman magagawa ng peso?
01:40Ano po ba hiling ninyo sana?
01:42Hindi naman po kami humihiling ng dagdag-pasahe na ang napakataas.
01:46Ilagay naman sana sa tama, i-level.
01:49Magkano po sa tama, sa tingin ninyo?
01:53Ang kailangan po natin, hindi pagtataas sana eh.
01:56Ibabahan nila yung presyo ng produktong petrolyo.
01:59Okay.
02:00Yun ang remedio.
02:02Bababa ho ngayong araw?
02:03Seven pesos may get?
02:05Pangkating lang po yan.
02:07Okay.
02:08Asahan nyo na sa mga susunod, tataas lang tataas yan.
02:11Ano lang yan eh?
02:12Kung baga, pain lang sa atin.
02:15Oo, oo, oo.
02:16Pansamantala lang yan, remedy.
02:17Ano naman ho masasabi ninyo sa mga pasahero na medyo maaabala kayo?
02:22Kasi makakala sila masak.
02:23Pasensya na po.
02:24Kaunting pangunawa lang po.
02:27Dadaloy din ang ginhawa.
02:29Eh, yung mga kapwa-driver ninyo, ano naman masasabi ninyo dun sa mga pumapasada pa rin?
02:34Eh, good luck na lang po sa kanila.
02:35Hindi naman sila nahihirapan siguro.
02:38Salamat po sa inyo, sir.
02:39Maraming salamat.
02:40Salamat po.
02:41Nakausap po natin si Mang Celso, isa po siya sa mga member ng piston na kabilang po sa mga abala
02:47dito na nag-oorganisa at nag-aayos ang kanilang pwesto dito.
02:51Ang ating nakuha informasyon, dito lamang sila ngayong araw.
02:55Pero bukas, ang kanilang ikinasang mas malaking pagkilos dahil magkakaroon sila ng motorcade at gayon din ang malaking pagtitipon.
03:04Una sa Welcome Rotonda at saka sila tutungo sa bahagi naman ng Menjola sa Maynila.
03:11Nakikita natin ngayon yung mga polis na nagbabantay na dito sa area at pinapanatiling maayos ang dali ng trapiko.
03:19So far, wala naman po tayo nakikita ang tensyon o kaguluhan dito sa isinasagawang tigilpasada ng grupong piston.
03:31Na inni kearaoh, na inni ke będa kub aayoi hon.