00:00Isinailalim sa state of calamity ang buong lalawigan ng Tarlac
00:03dahil sa pananalasa ng ulang-dala ng hangihabagat.
00:07Kabilang sa mga nasira at hindi madaanan ngayon ang Agana at Aquino Bridge
00:11na parehong nasa Tarlac City.
00:14May unang balita live si Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
00:18Sandy.
00:22Ivan, hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operation ng mga otoridad
00:26sa apat na sakay ng kotseng nahulog matapos bumigay itong Agana Bridge nitong gabi ng Sabado.
00:38Sa video na ito, rinig ang pagsigaw ng tulong ng ilang pasahero mula sa palubog na kotse
00:44sa gitna ng Rumaragasang-Tarlac River, ang naturang sasakyan.
00:47Nahulog matapos bumigay ang Agana Bridge na nasa pagitan ng Barangay Karangyan at Barangay Tibag, Tarlac City.
00:53Bumigay ang bahagi ng tulay bandang 7.40 ng gabi noong Sabado.
00:57Kasunod ng tuloy-tuloy at malakas na pagulan na nagdulot ng malakas na Agos ng Tarlac River.
01:02Agad isinara sa mga motorista ang kalsada at tulay matapos ang insidente.
01:07Ayon sa pulisya, sakay ng nahulog na kotse ang limang individual.
01:11Makalipas ang ilang oras, isa sa mga sakay ng kotse ang narescue.
01:15Nagpatuloy pang pagrescue.
01:17Katuwang ang lokal na pamahalaan at Philippine Air Force.
01:19Na-apekto nga noong Sabado ang search, rescue and retrieval operations dahil sa peligro ng masamang panahon.
01:26Kahapon ng umaga, muling ipinagpatuloy ang rescue operations.
01:30Nagpa-deploy na po tayo ng mga personnel from the uniformed services.
01:35Nakantabay po yung pamilya ng mga biktima doon na kasama nila nagaantay.
01:39Ang Agana Bridge ay nagsilbing isa sa mga alternatibong ruta ng mga biyaherong patungong western barangay sa Tarlac City.
01:46Matapos bumagsak ang Aquino Bridge sa barangay San Isidro.
01:50Problema ngayon ng mga taga-tibag ang kanilang dadaanan malapit sa eastern barangays dahil sa pagkasira ng tulay.
01:56Malaki po kaya sa anak buhay.
02:01Wala kayo madaan naman?
02:02Wala po.
02:03Wala talaga?
02:04Sa ano po, Yerona, malayo pa po yun.
02:06Ilang oras?
02:07Dalawang oras po ata.
02:08Yung pamamaling kinamin, nahiharapan kami.
02:11Iikot pa din sa Yerona.
02:13Diyan na lang ako bumibili kasi mali yung gas.
02:16Dalawang araw ang nakalilipas, dalawang major bridges na rin ang nasira dito sa Tarlac City.
02:21Dahil dyan, puspusan ang isinasagawang assessment at pagpaplano ng DPWH at provincial government para sa pagsasagawa ng temporary bridges.
02:30This is to coordinate with the Department of Public Works and Highways.
02:33Technical, ano ba ang solution nila, anong magagawa nila and how long para ma-restore natin kahit yung temporary bridges
02:42lang.
02:43And then, pinaplano rin nila to put up a permanent na long-lasting bridge.
02:48Nangako naman ang DPWH regional office na agad magpapatala ng mga materyales para sa gagawing temporary bridges.
02:54Initial ang gagawin natin is gawa tayo ng mga temporary bridges para maka-access nila ng mga light bridges natin.
03:04Next term na tayo ngayon, magmukulay na tayo.
03:07Sabi nga ni Seth, as soon as possible, kung pwedeng two days lang, three days lang, kailangan mag-unan natin
03:13yan.
03:14Parehong humigit kumulang apat na dekada na ang dalawang nasirang tulay.
03:17Nagsasagawa pa ng malalimang pagsisiyasat ang DPWH sa punot-dulo ng pagkasira ng dalawang tulay.
03:29Ivan, makikita sa aking likuran ngayon ang mga dumating na materyales mula sa DPWH para sa isasagawang temporary steel bridge.
03:38Maya-maya lamang dito sa gumuhong Aquino Bridge.
03:40At maya-maya nga lang din ay nakatagdang bumisita rito si DPWH Secretary Vince Dizon para inspeksyonin ang Aquino at
03:47Agana Bridge.
03:48At the same time, ay subaybayan na rin ang pagsasagawa nitong temporary steel bridge.
03:52Ivan.
03:53Maraming salamat. Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
Comments