Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:06Day 1 ngayon ng whole day trial hanggang sa October 15 na mula alas 10 ng umaga hanggang alas 6
00:11o alas 7 ng gabi.
00:13Update tayo sa Day 32 ng impeachment trial ng BC Presidente sa ulat on the spot ni Ian Cruz.
00:19Ian?
00:23Yes, Rafi, unang nasalang sa witness stand ngayong araw ang pinuno ng Register of Deeds ng Davao City na si
00:32Atty. Cathy Florenza Baldonado.
00:35Rafi, para ito doon sa lupa na binili umano ni Atty. Manassez Carpio, ang mister ng vicepresidente,
00:42na ang laking nga nito ay nasa 379 square meters na lupa at nandoon daw ito sa Matina, Davao City
00:52at sa halagang 6 million pesos ay nabili ito noong July 2, 2024.
00:56Wala rin daw ito sa sal-end ng vicepresidente.
01:00Irrelevant kung ituring ni Atty. Lyndon Bacuel ng Depensa, ang pagtistigo ni Atty. Baldonado dahil wala naman daw sa habla
01:06ang nasabing property.
01:07Kiit naman ni Public Prosecutor Keith Flores, kaya nga nasa ilalim ito ng unexplained wealth, hindi lahat ng ari-arian
01:13ay alam agad nila.
01:15Pinayagan ni Presiding Officer J. Escudero ang pagsalang ni Atty. Baldonado at may continuing objection dito ang prosecution.
01:22Tunggagalamang, Rafi, ng 31 minutes ang pagsalang ni Atty. Baldonado sa direct examination ni Prosecutor Flores.
01:28Hindi muna ng cross-examination si Atty. Bacuel dahil kailangan pa raw ng panahon ng depensa para basahin ng mga
01:34dokumento na dalangan ni Baldonado.
01:36Sunod naman isinalang si Atty. Marco Pineda ng Register of Deeds ng Samal Islands sa Davao del Norte.
01:43Para naman ito sa lupang binili noong 2018 at nagkakahalaga ng 3.4 milyon peso sa nasabing isla at ang
01:50laki ay 751 square meters.
01:53Ayon kay Flores, maliit na halaga sa iba pero sa mahirap daw ay malaking halaga na ito.
01:58At wala rin daw ito sa sal-en ng vicepresidente.
02:02At bago nagsimula ang pagtatunong sa mga witness, tumayo muna si Sen. Judge Rafi Tulpo.
02:08At tinanong nga kung kailang isasalang si dating Sen. Antonio Trillanes IV na masasabi pa raw ng prosecution matapos ang
02:15lunch break.
02:16Pero kung pinayagan pa rin daw ito, ayun din ang tanong nitong si Tulpo Anya.
02:21Baka dapat mauna nga si Trillanes bago pa sumalang ang mga tag-anti-money laundering council kung may ibubulgar ang
02:28dating senador na patungkol sa bank accounts.
02:30Humingi rin ang paumanhin si Tulpo sa mga naobserbahan niya sa prosecution na Anya ay pumapalpak-palpak.
02:36Ang mga ito dahil sa paglalagay ng witness, Ani Tulpo, nasasayang ang panahon at inaantok kahit ang mga Sen. Judges.
02:43Kaya may mga nagpupunta sa comfort room.
02:46Pinagtatawanan din daw ng publika ang muna itagpo sa paglilitis na nagpapakyut sa witness na polis.
02:51Payo ni Sen. Judge Rafi Tulpo, ingat sa pagkuhan ng witness at ingat din sa pagsalang ng abogado ang prosecution.
02:59At dahil nga hulday ang paglilitis, pinayuhan ang mga taga-prosekusyon na magsumitinan ang mga pangalan na kailangan ipasubpina.
03:05Ayon kay Escudero, mas maiging mas maraming nakapila na testigo kaysa nga mag-adjourn ang maaga.
03:10Ang dapat sana'y maghapon hanggang gabing paglilitis dahil wala nakahandang testigo ang prosecution.
03:15Tatalima naman daw dito ang prosecution.
03:17At Rafi, sa labas naman ng Senado, natitipon ang isang grupo na nagsabing wala silang kinabibilangang partido.
03:25Pero nais lamang daw nilang mapanagot ang respondent na si VP Sara Duterte.
03:32At Rafi, bago nga natapos ang paglilitis at bago sila nag-lunch break,
03:37ay inihayag naman ni Lead Prosecutor Representative Jeremy Luistro na ipinasya ng prosecution panel na hindi na nila ipipresenta.
03:44Si dating Senador Antonio Trillanes IV, bukas naman inasahan nila ang pagkapatuloy ng testimonyo ng Executive Director ng AMLAC.
03:51Sa lunes, mga taga-BIR daw ang isasalang ng prosecution.
03:56At sa martes ay maaring mga taga-banko na ito na susunda naman ng mga taga-insurance.
04:03So yan muna, Rafi, ang latest na nagaganap na paglilitis. Balik sa iyo.
04:07Maraming salamat, Ian Cruz.
04:15Maraming salamat, Ian Cruz.
Comments

Recommended