00:00Sinimula na ng Budget Amendments Review Subcommittee sa Kamara
00:03ang pagsilip sa panukalang 7.2 trillion pesos national budget para sa 2027.
00:10Kabilang sa mga inrekomenda nila ang paglalaan ng mahigit 2 billion pesos
00:13para sa mga proyekto ng Department of Transportation
00:16na hindi pinunduhan sa National Expenditure Program.
00:19Balita ang hatid ng Gabriel Gonzalez.
00:25Formal nang nag-convene ang Budget Amendments Review Subcommittee
00:28ng House Committee on Appropriations kahapon.
00:32Binubuo ito ng mga kinatawan ng iba't ibang partido,
00:36party list coalition at minority bloc.
00:38Tinalakay nila ang mga hiling na pondo ng mga kagawaran at ahensya ng gobyerno.
00:43Kabilang sa mga sinuri, ang apat na line items ng Department of Transportation
00:48na walang pondo sa National Expenditure Program.
00:52Si Northern Summer 2nd District Representative Edwin Ong Chuan
00:56ang nag-rekomendang paglaanan ng pondo ang mga ito
00:59batay sa hiling ni Transportation Secretary Giovanni Lopez.
01:03Kabilang sa mga inrekomenda,
01:051 billion pesos na pondo para sa Fuel Transport Subsidive Program,
01:1075 million pesos para sa NCR Busway Program,
01:14at 500 million pesos para sa Service Contracting Program.
01:19774 million pesos naman ang inrekomendang pondo para sa iba't ibang locally funded projects ng DOTR.
01:26I just want to clarify also that though zero po siya sa NEP,
01:31may existing requests naman talaga from the agencies na,
01:35just for transparency purposes.
01:37Ayon kay Barsi Chairperson Mika Swansing,
01:40nagulat sila na walang pondo sa NEP ang mga ito,
01:43particular ang Fuel Subsidy Program,
01:46lalot may kinakaharap na krisis sa langisang bansa.
01:49Dagdag pa niya,
01:51hindi na galaw ang pondo para sa Fuel Subsidy Program noong 2024 at 2025,
01:57pero nakonsumo ito noong sumiklab ang tensyon sa gitnang silangan.
02:02Nagulat po tayong lahat na zero siya sa NEP
02:05given that the previous allocation was totally wiped out because of the Middle East crisis.
02:11So kung hindi po natin nalagyan ngayon dito po sa Barsi,
02:16as in wala po talagang pondo for service contracting,
02:19walang pondo for the EDSA busway,
02:22walang pondo para sa Fuel Transport Subsidy.
02:24Sa kabuan, mahigit 2.3 billion pesos ang karagdagang pondong inrekomenda ng Barsi para sa DOTR.
02:32Batay sa 2027 NEP,
02:34mahigit 300 billion pesos ang budget ng DOTR,
02:38na mas mataas sa budget ito noong 2026,
02:41na mahigit 197 billion pesos.
02:45Tukoy na ng Barsi ang mga programang posibleng matapyesan ng pondo
02:49para mapondohan ang mga line item na inamiendahan nila.
02:52Yung mga mababa po, yung utilization, yung slow moving po ng mga programa,
02:59doon yun po yung titignan natin na basihan.
03:02Ang budget po kasi ay isang zero-sum game.
03:04Ampire po mapondohan yung ibang items,
03:08kailangan po tanggalin,
03:09bawasan po yung pondo na ibang mga items.
03:12Tiniyak din ang Barsi na transparent ang budget process
03:15at walang pondong mapupunta sa katiwalian o anomalia.
03:19Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.