00:00Wala na ngang sapat na dokumento, expired at inaamag pa ang mahigit 5 milyong pisong halaga ng karne mula China
00:08na nasapat sa Pasay City.
00:10Pasintabi po dahil kabilang dyan ang mga exotic na karne tulad ng sakalapati at palaka.
00:17Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:22Libo-libong kilo na karne ng manok, baboy, baka, pati exotic pigeon meat at frog meat.
00:28Nakumpis ka mga yan sa sanib-pwersang operasyon ng Department of Agriculture, National Meat Inspection Service o NMIS, at National
00:37Bureau of Investigation sa Pasay nito ng Setiembre.
00:40Hot meat kung tawagin ng mga nasabat na karne.
00:43Wala kasi silang sapat na dokumento kaunay ng pag-angkat at maaaring may dalang peligro sa mga kakain.
00:51Galing China at tinatayang mahigit 5 milyong piso ang halaga ng mga karne.
00:56May ilang expired na at may nakitaan pa ng amag.
01:00Ikinasa ang operasyon matapos maglabas ng search warrant ang korte at makumpirma ng mga otoridad na hindi rehistrado sa NMIS
01:08at lokal na pamahalaan ang operasyon ng pasilidad.
01:14Bacteria naman yan na pwedeng ma-ingest ng isang tao at ma-ospital at pwedeng mamatay.
01:20Hindi biro yan.
01:22So we really have to continuously catch this.
01:28Na-inquest na rin sa Pasay City Prosecutor's Office ang dalawang Chinese national na nahuhuling nasa likod ng operasyon.
01:35Mahaharap sila sa reklamang paglabag sa Meat Inspection Code.
01:39Meron pa po tayong mga follow-up investigations, sir.
01:42We are digging deeper sa mga consignees sa may mga nakukuha tayong mga dokumento sa mga cold storage.
01:49Pinag-aaralan po natin yun at hopefully mag-lead dito sa mga masterminds.
01:56Dinala na sa pasilidad ng NMIS sa Bulacan ang mga nasamsam na produkto habang hinihintay ang hatol ng korte.
02:03Gayunman, ididispose ang mga sirang karne alinsunod sa umiiral na batas.
02:08Bernadette Reyes, Nakatutok 24 Oras.