00:00Sa mga naabala ng nasirang tubo ng tubig na nagpabaha sa isang kalsada sa Antipolo City sa Rizal ay good
00:07news dahil naayos na yan.
00:10May tiniyak rin ang Manila Water para sa mga nag-aalala sa kanilang water bill dahil sa nasayang na tubig.
00:17Alamin sa pagtutok ni Maris Umali.
00:23Ang malawak na kalsada nito sa kahabaan ng Marcos Highway nagmistulang bukal kahapon.
00:29Matapos bumulwak ang tubig mula sa nasirang pipeline sa ilalim ng kalsada.
00:34Hindi lang mga motorista ang naabala kundi pati ang aabot sa walong daang kabahayan na nawala ng supply ng tubig.
00:40Ayon sa Manila Water, kanina madaling araw naayos na ang nasirang 300mm na bahagi ng main pipeline.
00:47Ginawa natin yung lift dun sa 300mm pipe na natapos naman siya ng 4 o'clock or earlier.
00:54And then by 5 o'clock this morning, nagkaroon na ng tubig yung affected na around 800 na households.
01:04Hindi pa matukoy ng Manila Water kung ano ang sanhinang pagkasira ng tubo.
01:08Sa ngayon, dalawa ang tinitingnan dahilan ng Manila Water.
01:11Pressure surge o vibration.
01:13Baka dun sa pag-increase ng pressure para mapaakat mo yung tubig, baka it could have caused yung breakage.
01:23Yung mga vibration, yan yung mga loadings.
01:26Kung merong effect yung mga dumadaan na sasakyan o yung bigat ng sasakyan dun sa nadumadaan along Marcos Highway.
01:35Kaya eventually nag-break siya.
01:39Paniniguro ng Manila Water hindi ikakarga sa mga consumer ang nasayang na tubig.
01:44Isolated daw ang insidente nito.
01:47Tuyo na ang kalsada pero binarikadahan ang sirang bahagi nito na kumakain sa apat na lane.
01:52Target ng Manila Water na matapos ang pagsasayo sa nasirang kalsadang ito sa loob ng linggong ito.
01:58Pero depende daw ito sa proseso ng road repair.
02:01Bukas ay magkakaroon ng pulong ang technical team ng Manila Water at DPWH para mapag-usapan ang mga detalye o
02:08specifications ng restoration sa nasirang kalsada.
02:12We seek yung patience lang as we start our restoration efforts doon sa pagbabalik ng kalsada.
02:23Rest assured that we're doing our best para ma-restore siya kaagad para yung flow ng traffic ay magbalik na
02:30sa normal.
02:31Mariz Umali na Katuto, 24 Horas.