Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga nakapon po, labing dalawa ang patay sa panibagong pag-atake ng grupong Houthi sa Riyadh, Saudi Arabia.
00:07Mahahigit tatlong daan naman ang sugatan, kabilang po dyan ang tatlong Pilipino.
00:12Nakatotok si Katrina So.
00:19Nabalot ng usok ang King Khaled International Airport sa Riyadh, Saudi Arabia.
00:25Halos wala ng maaninag sa loob.
00:29Tinuntiriya ang paliparan ng grupong Houthi sa Yemen.
00:32Ikatlong pag-atake na nila ito ngayong linggo na target ang airspace at oil facilities sa Saudi.
00:38Idiniklara nilang lugar ng military operations ang Saudi airspace, kaya binalaan nilang umiwas ang mga airline.
00:45Maraming flight ang kinansila o na-divert.
00:48Kinundina ng United Nations at Amerika ang pag-atake.
00:52Nangako namang gaganti ang Saudi-led military coalition.
00:55Sa tala ng mga otoridad, labing dalawang patay.
00:58Sa mahigit tatlong daan namang sugatan, tatlo ay Pilipino, ayon sa Department of Migrant Workers.
01:04Dalawa ay nasa intensive care unit habang minomonitor ang isa pa.
01:08Yung isasigurado tayo nagtatrabaho sa airport, yung dalawa na pabalitaan doon din nagtatrabaho pero kinukumpirma pa natin.
01:15We are currently monitoring all of their situations, their medical condition, at we are reaching out to their families at
01:22the moment.
01:23And in the meantime also, dinalaw na rin sila ng ating Migrant Workers Office at OWA team.
01:29Sinusuyod din daw nila ang mga ospital sa Riyad kung may iba pang Pilipinong nadamay.
01:34Ang OFW sa Riyad na si Mia, di niya tunay na pangalan.
01:38Nangangamba, lalo't malapit lang sa airport ang kanyang trabaho.
01:43We're still praying and hoping na, alam niyo po yan, karoon sa peace sa bawat bansa.
01:51Siyempre, mga pamilya po namin sa Pilipinas nagaalala rin.
01:55Naka-monitor naman daw ang DMW sa sitwasyon ng mga Pinoy na nakabase sa Riyad at buong Saudi.
02:02Pati mga Pilipinong apektado ng mga nakanselang biyahe.
02:05So 1348 po ang ating hotline.
02:08Dumulog lang po kayo sa joint DMW-OWA 1348 hotline.
02:12Kung nasa abroad plus 632-1348.
02:15Katrina Son, nakatutok, 24 oras.
02:19Ilang matataas na kalibre na armas ang nadiskubri ng pulisya sa mga sasakyang umaaligid sa munisipyo sa Cotabato.
02:26Nakatutok si Emisumangil, Exclude.
02:31Hindi bababa sa 10 matataas na kalibre na armas tulad ng 5.56 automatic rifle,
02:38caliber .45 pistol, pati mga magazine at sangkatutak na mga bala.
02:42Inan lamang ito sa mga nakuhan ng PNP Highway Patrol Group mula sa mga sakay ng dalawang off-road vehicles
02:49na ito.
02:50Ayon sa report, nakatanggap ang pulisya ng sumbong sa mga pulisang kahinahinalang mga sasakyan na ito
02:55na umiikot-ikot malapit sa munisipyo ng Midsayap, Cotabato.
03:00Nakakita sila ng medyo suspicious vehicles along the highway at medyo illegally parked.
03:08So sineta po nila ito kung saan in plain view may nakita po sila na baril sa loob.
03:14Tatlong lalaki ang dilakip. Patuloy namin sinusubukan kunin ang kanilang panig.
03:19Nasa kustodiyan na ng HPG ang mga armas.
03:23Aning po rito ay unregistered at yung dalawa ay with expired license.
03:28Kinaalam po natin kung ito ba may koneksyon sa naganap na eleksyon.
03:32Emil Sumangil, nakatutok 24 oras.
03:36Magkahiwalay na sunog ang sumiklab sa Tondo, Maynila, kanina madaling araw.
03:40Nakatutok si EJ Gomez.
03:45Naglalagablab na apoy ang gumising sa mga residente ng barangay 94 Tondo, Maynila,
03:51pasado alas dos ng madaling araw kanina.
03:54Mabilis na natupok ng apoy ang apat na palapag na bahay na ito sa Malvar Street.
03:59Nagita ko yung side doon, side sa may kabila ay usok pa lang.
04:04So yun din sumabog.
04:06Three times sumabog, yun din yun, biglang apoy.
04:08Structure po ito na residential na merong kasamang mga poor exhibits na mga halaman
04:14na madali siyang magliyab sa mga plastic.
04:18Umabot sa ikalawang alarma ang sunog.
04:21Pahirapan sa mga bombero ang pag-apola dahil sa masisikip na daan.
04:26Yung pagpatay mismo doon sa third floor, medyo mahirap po ng konti yun.
04:31Lalo na yung ating fire hydrant kanina, wala pa naman agad laman.
04:35Tuluyang naapola ang apoy mag-aala 5 ng umaga.
04:38Walang nasaktano na sawi ayon sa Bureau of Fire Protection of BFP.
04:42Inaalam pa ang sanhinang apoy, gayon din ang pinsalang dulot dito.
04:47Pasado o la stress naman ng madaling araw, sumiklab din ang sunog sa apat na palapag na bahay na ito.
04:53Sa Nara Street, barangay 244 sa Tondo pa rin.
04:56Nung pinunta namin, medyo lumalakas na nga yung apoy, kaya pinilit na namin buksan yung bahay.
05:02Kasi meron pong tao sa loob, nag-iisa lang po.
05:05Ayon sa BFP, sa ikatlong palapag na tagpuan, ang babaeng nakatira sa nasunog na bahay, naligtas na nailikas.
05:12Nasa third floor po ang totally naapektado siya.
05:15May mga tambak siya doon ng mga cartoons.
05:18Walang naitalang na sawi sa insidente ayon sa BFP.
05:22Aabot sa 90,000 pesos ang halaga ng pinsala.
05:26Inaalam pa ang sanhinang apoy na tuluyang naapula 4.17am.
05:31EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
05:35Nagbuga ng usok at abo ang vulkang Mayon pasada na stress na madaling araw kanina.
05:40Umabot po sa 500 meters ang taas ng ibinugang abo mula sa minor strambolian activity ng vulkan.
05:48Nananatiling nakataas sa alert level 2 ang vulkan.
05:51Bawal pumasok sa 6-kilometer radius na permanent danger zone nito.
05:55Nasa alert level 2 pa rin ang vulkang kanlaon na patuloy na nagbuga ng usok at abo.
06:00A Vivox, walang na monitor na ashfall.
06:03Kahapon, may moderately explosive eruption ng vulkan na nagdulot ng ashfall
06:08sa ilang barangay sa Negros Oriental at Negros Occidental.
06:13Mga kapuso, tataas po ang distribution charge ng Meralco
06:16kasunod ng pag-aproba ng Energy Regulatory Commission sa hiling nitong rate reset.
06:21Ang magiging epekto niyan sa mga bill, alamin sa pagtutok ni Von Aquino.
06:29Tataas ang itsa-charge ng Meralco na distribution rate.
06:32Matapos aprobahan ng Energy Regulatory Commission ang rate reset ng Meralco.
06:37Mula 1 peso and 35 centavos per kilowatt hour na distribution rate,
06:42magiging 1 peso and 48 centavos per kilowatt hour na ito.
06:46Mas mababa ito sa hiniling ng Meralco na 2 pesos at 34 centavos per kilowatt hour.
06:51Ang rate reset ay regular na pag-review ng pwedeng singilin ng Meralco sa delivery ng kuryente.
06:58Ayon sa ERC, noong 2011 pa o labin limang taon na ang nakalipas
07:03mula noong huling nagka-rate reset sa distribution rate ng Meralco.
07:06Marami na nag-iba ang expenses, nag-iba ang gastos, nag-iba ang kalaga ng mga bagay-bagay.
07:13So, nung nag-apply sila siyempre, iba na rin yung ano nila,
07:18yung piniklian nila na ganito na po yung gastos sa amin.
07:21Ayon sa ERC, posibleng sa Nobyembre pa mag-reflect ang increase sa bill.
07:26Pero sa isang pahayag, sinabi ng Meralco na kailangan nilang masusing reviewin ang desisyon
07:31bago magkomento kaugnay sa impact sa kanilang kumpanya at mga customers.
07:36Pero naniniwala silang makakatulong ang rate reset para sa pagpapabuti ng kanilang serbisyo.
07:41Tiniyak nilang susunod sila sa desisyon ng ERC.
07:45Habang hindi patiya kung kailan ipatutupad ang mas mataas na distribution rate
07:49at kung tataas ba ang bill ng kuryente sa susunod na buwan,
07:53kanya-kanya nang diskarte ang mga Meralco customers sa pagtitipid.
07:57Hindi po, kailangang pagsabay-sabayin yung gamit, para lang po.
08:01Pero kahit ano pong tipid, mataas pa rin yung bill.
08:05Pero nangangamba ang maliliit na negosyo na hindi naman daw kaya makapagtipid
08:10dahil umaasa sila sa kuryente.
08:13Ang tatamaan po nun is yung net income namin, which is mababa na nga sa ngayon
08:18kasi hirap din ang mga tao sa mga basic needs sila, so apektado rin ang mga negosyo.
08:23Von Aquino Nakatutok, 24 Oras.
08:27Ay, ay, ay, AI!
08:30Napapadali man ng AI ang ilang trabaho,
08:32ang kapalit naman daw ay ang pagkalagas ng trabaho.
08:36Dahil dito kaya nawalan umunan ng project ng isang voice talent.
08:40What you think?
08:41Yan po ang tinutukan ni Dano Tingkungko.
08:46Malamang dumaan na sa iyong social media feeds
08:49si na Mia Hayes, Lian Sterling at iba pang bida ng mga vertical drama.
08:53Ang mga ito gawa gamit ng AI o Artificial Intelligence.
08:58Habang patuloy na nagbubukas ng mga bagong posibilidad ng AI sa iba't ibang industriya,
09:03may mga trabaho rin posibleng maapektuhan dahil dito.
09:07Sa social media post ng voice talent at influencer na si Inka Magnaye,
09:12nawalan ng trabaho ang kanyang inang voiceover artist din dahil daw sa AI.
09:17Naiintindihan daw niyang business decision ito ng isang anyay malaking kliyente.
09:21Pero tanong ni Inka sa mga malalaking kumpanyang may kakayahang magbayad.
09:26Nais ba nilang dumating sa panahon kung saan ang pangkabuhayan at oportunidad ng mga tao
09:31ay kinukuha na ng AI habang sinisira nito ang kinabukasan?
09:35What you think mga kapuso?
09:37Dapat na ba nating paghandaan ng kinabukasan na pwedeng palitan ng AI ang trabaho ng mga tao?
09:42Yung AI kasi nakakatulong din niya sa tao para mapagahan yung trabaho nila or school projects ng mga estudyante.
09:54Pero huwag na sana abusuhin.
09:57I'm working po in the HRO industry.
10:01So we're doing like computer jobs po.
10:03It makes us feel na sa HRO which is using computer systems din na what if in a few years
10:10then pati kami mawala na ng job.
10:13Batay sa pag-aaral ng Asian Development Bank Institute, malaki ang epekto ng AI sa labor market sa Asia,
10:20lalot maraming trabaho ang nanganganib isa ilalim sa automation.
10:24Sa Pilipinas at India, nanganganib daw ang BPO at IT services sa service sector.
10:29Ipinunto ng ADBI study na pinalitan na ng AI ang ilang trabaho tulad ng basic coding, data entry, document processing
10:38at tier 1 customer support.
10:40Kaya ayon sa ADB, kumukonti ang middle skill, middle income jobs at naiwan ang high wage cognitive roles at low
10:48wage manual tasks.
10:49Bukod dito, mahigit 60% din ang workforce sa Asia ang nasa informal sector.
10:55Rekomendasyon ng ADB Institute, irepaso ang educational systems.
10:58Halimbawa, isama ang AI o data literacy sa kurikulum at mas tutuka ng project-based learning at lifelong learning systems
11:06tulad ng upskilling kaysa memorization at standard testing na nagagaya na ng AI.
11:12Mainam din palakasin ang social protection measures para sa mga mawawalan ng trabaho dahil sa AI.
11:18Nauna nang sinabi ng Department of Labor and Employment na patuloy nilang pinag-aaralan
11:22kung paano mapapangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa gitna ng pag-unlad ng teknolohiya.
11:29Daan natin ko, nakatutok 24 oras.

Recommended