Skip to playerSkip to main content
Aired (October 11, 2026): BUBBLE FUN RUN SA ISABELA, NAKURYENTE ANG LIMANG BATA AT DALAWA SA KANILA, NASAWI!

Fun run sa Cauayan South Central School sa Isabela, hindi lang masaya, makulay rin! Ang sumalubong kasi sa mga kasali sa finish line, parang dagat ng bula! Galing ito sa bubble maker na isi-netup sa gitna ng isang daanan.

Pero ang saya, naglaho na parang bula nang ang ilan sa mga estudyanteng nag-eenjoy sa pa-bubbles, biglang… nakuryente!

Paano nangyaring ang dapat sana’y fun run… nauwi sa kapahamakan? Panoorin ang video. #KMJS

“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

🎈
Fun
Transcript
00:02Mga pangarap ng dalawang estudyante sa Isabella Province naglahong parang bula matapos silang makuryente at mamatay sa isang bubble fun
00:15run ng kanilang eskwelahan.
00:17Sino ang may bananagutan?
00:26Ang fun run na ito sa Kawayan South Central School sa Isabella, hindi lang masaya, makulay rin.
00:33Ang sumalubong kasi sa mga kasali sa finish line, parang dagat ng bula.
00:40Thank you so much!
00:45Galing ito sa bubble maker na isinet-up sa gitna ng isang daanan.
00:51Pero ang saya, naglaho na parang bula.
00:55Nangang ilan sa mga estudyante na ge-enjoy sa pabubbles, biglang nakuryente!
01:05Taas ng bubbles, napakakapal. So yun nga po hindi na makita yung iba, nakuryente at natomba.
01:11Ang batang lalaking ito na nawala ng malay matapos makuryente, dinala sa isang waiting shed sa bungad ng eskwelahan at
01:20ni-revive.
01:21Sinubukan ding i-revive ng mga rescuer ang batang babaeng ito.
01:25Pero dahil hindi na raw talaga ito nagkakamalay, itinakbo na siya sa ospital.
01:31Sa kabuan po, lima po yung naitala natin na nakuryente. Unfortunately nga po, dalawa po yung namatay doon.
01:37Thank you so much!
01:39Paano nangyaring ang dapat sanay fun run na uwi sa kapahamakan?
01:52Ang isa sa tatlong nakaligtas sa trahedya, ang anak ni Jenny na si Anna, pareho nilang mga hindi tunay na
01:59pangalan, tumanggi si Jenny na ipakita ang kanyang mukha.
02:03Pilit daw niyang itinayo si Anna nung ito'y nakuryente.
02:07Pero malakas daw talaga ang ground. Ikatlong attempt na raw nung maiangat niya si Anna na nooy hinanghinana.
02:15Ito po yung nilabasan ng kuryente after the incident. So medyo hindi pa siya ganun ka visible.
02:24Tapos ito naman yung naging pasanya after the incident. So after that, a few hours, hindi siya masyadong makatayo.
02:34Dito naman sa tahanan ng pamilya Tanyedo, naabutan ang aming team na nakaburol ang isa sa mga estudyanteng sinawimpalad,
02:44ang bunso ng mag-asawang Kia at Franco na si Anna, 7 years old.
02:49Dapat strong ka. Hindi ka nila makitang weak na kahit drug ka na. Hindi ka nila makitang mahinak. Kaya sobrang
02:59bigat.
03:01In-smile po nalang minsan, no? Pero pag mag-isa, doon na nag-breakdown.
03:08Yung unang gabi na tulog namin, dumating yung time na nabising ako. Akala ko panaginip lang lahat.
03:13Hindi pa rin daw matanggap ng mag-asawa ang nangyari. Lalo't dalawang araw lang bago ang trahedya,
03:20nagdiwang pa si Anna ng kanyang 7th birthday.
03:25Happy birthday to you!
03:33Tinanong namin siya, bago pa siya mag-birthday, kung mag-ahanda siya sa room nila,
03:39sabi niya, ayaw niya daw. Gusto niya mag-swimming.
03:42Kaya, nagplano raw silang mag-outing sa beach isang araw pagkatapos ng fun run. Bagay na, hindi na nangyari.
03:53Kwento ni Franco, buong pamilya raw nila ang lumahok sa event.
03:574.30, leasing kami noon. Marating kami doon mga 5.05, mga ganon.
04:02Noong una, hindi ko alam na may bubbles pala. Kasi expected ko naman, papatakboin yung mga bata.
04:09Siyempre, pawis, pagod. So, siyempre, bakit mo babasain yun, liba?
04:15Sa kabila nito, itinuloy nilang pagtakbo. Nung nakatawid si Yana sa finish line, agad daw itong pumunta sa kanyang mga
04:23kaklase at naglaro sa bubbles.
04:25Naging kampanday naman kami kasi ang daming bata. Nakisiyahan, tatalunan. May bubbles na.
04:34Maya-maya, may mga sibisigaw na na batang, may ground, may ground, may ground.
04:40Patayin nyo na, patayin nyo na, sabi. So, open na tayo.
04:43Ang mga estudyante, agad namang pina-evacuate.
04:46Talagang halukahin yung nasa paa mo eh. Kasi mataas yung bubble eh.
04:50Kaya maya, sabi ng asawa ko, yung anak mo, nasaan?
04:53Ang hindi nila alam si Yana, isa na pala sa mga estudyante na himatay at nilalapatan na ng paunang lunas
05:01o first aid.
05:02Ang pag-revive kay Yana, nakuhanan pa ng CCTV.
05:07Binigyan ko rin po siya ng chest compression habang inihintay po namin na dumating po yung pagsasakyan ng ambulansya.
05:13Nung nakita kong wala na yun, ma'am, wala siyang parts na mouth-to-mouth na po ako.
05:18Nilagay na po sila sa ambulansya, umalis na po sila.
05:21Nalaman na lang daw ni Franco ang sinapit ng kanilang anak nang may nakausap siyang kakilala.
05:26Mabang buho, bin-escribe nila, tas yung suot.
05:29Ayun yung suot ng anak po nung time na yun.
05:31Dali-dali, tumakbo na ako sa hospital.
05:33Pagdating ko ng hospital, dead on arrival daw siya.
05:36Nung narinig ko yun, hindi pa ako naniniwala.
05:38Wala akong mapaglabasan, sumisigaw na ako doon sa hospital.
05:42Ah, sobrang sakit, grabe talaga.
05:46Ah, walang salita na makapag-describe kung gano'ng kasarit.
05:52No, wala niyang isang anak.
06:01Ang mga alaala ni Yana, sinasariwan na lang ng mag-asawa sa mga naiwan itong gamit.
06:09Yakap-yakap po yan ng asawa ko.
06:10Pag natutulog siya, umiiyak siya.
06:13Kinukomfort mo siya pero hindi mo alam yung sasabihin na word.
06:17Na lagi na lang na pagsubok lang to, kaya natin yan.
06:20Masaya na siya sa kabilang buhay.
06:23Mailig talaga siya sa mga adress.
06:25Basta pink na dress.
06:27Yung iba kasing ka siya niya, binalot na namin agad para nakaredy na pagdating ng libing niya,
06:34isasama na lang namin.
06:35Dream niya kasi, passion designer.
06:37Balang araw, magiging famous daw siya.
06:39Hindi ko naman alam na ganitong famous pala yung gusto niya.
06:42Na totoo ka, naging famous nga siya pero sa malungkot na paraan.
06:49Yun lang ang nakakalungkot.
07:01Pink ang talaga na tablet niya.
07:03Nirequest po namin sa funeral service na hanggat maaari na kung may pink sila,
07:10pink lahat hanggang sa mulaklak.
07:13Pero paanong ang masaya dapat na fun run na uwi sa bangungot at trahedya?
07:21Pustisyan na lang talaga ang inaano namin.
07:24Bubulabugin na natin ang mga dapat managot sa aming pagbabalik.
07:38Fun run sa Kawayan South Central School sa Isabela Province na uwi sa trahedya.
07:47Nang ang isinet-up nilang bubble maker naging sanhi para ang ilan sa mga estudyante
07:55na kuryente.
07:59Sa kabuhan po, dalawa po yung namatay doon.
08:02Sa inisyal na investigasyon ng mga pulis,
08:05ang posible raw sanhi ng aksidente,
08:08ang mga nabasang extension wire ng bubble machine.
08:12Hindi siya na-secure ng maayos kasi walang takit, walang plastic.
08:16Exposed po siya, nabalutan man lang siya na ng medyo maayos na non-conductive materials
08:20para hindi po siya mabasa o mapuntahan ng mga bubbles.
08:24Hawak na ng PNP ang mga ginamit na bubble machine at extension wires.
08:30Ipapasuri raw ang mga ito sa eksperto.
08:33Yung bubble shower na in-install nila sa gitna.
08:36Lahat po nung equipment na in-install nila that day,
08:39kasama na rin po yung mga extension wires sa loob,
08:42yung mga wires na ginamit, kasali po lahat sa na-inventory po.
08:47Pinuntahan ng aming team ang supplier ng bubble machine sa event,
08:52pero tumanggi silang magpa-interview.
08:54Sa halip, nagbigay sila ng written statement.
08:58Odjuworks continues to remain in communication with the affected families
09:01and is willing to extend appropriate assistance where it can.
09:05Out of respect for the families and in consideration of the ongoing investigation,
09:09we believe it is best to refrain from making further comments
09:12regarding the circumstances of the incident at this time.
09:15Patuloy naman daw ang isinasagawang investigasyon
09:19ng pamunuan ng eskwelahan at ng mga officer
09:22ng School Parent Teachers Association
09:25na siyang nag-organisa ng bubble and color run.
09:29Dinadetermine pa po natin kung ano yung mga pananagutan ng bawat isa.
09:34Thank you so much!
09:36Pinag-aaralan din ang Department of Education
09:39kung may nalabag na alituntunin ang eskwelahan
09:42matapos mapag-alamang ang mga lumahok sa fun run,
09:46nagbayad pala ng registration fee
09:49mula 350 hanggang 1,000 pesos.
09:53Bagay na, hindi raw dapat,
09:56lalot nagpapatupad ang DepEd
09:58ng no-collection policy sa mga eskwelahan.
10:02Base po sa aming pag-imbestiga,
10:04ito po daw po ay isang fundraising activity
10:07para sa school improvement,
10:09specifically dun sa drainage system ng school.
10:11Sakaling, mapatunayan pong nagkasala
10:13yung kung sino man nakikita natin pwedeng isampa,
10:16ito po yung reckless importance resulting to homicide po.
10:19Doon sa mga bubble machines na nire-rent,
10:23dapat po ay kapag nang-install,
10:26dapat ma-check din po nung kanilang safety officer
10:28before sila magamit ng mga participants.
10:31Sinubukan naming hinga ng pahayag
10:33ang pamunuan ng eskwelahan,
10:35pero tumanggi sila,
10:36hinihintay pa raw nila
10:38ang final na resulta ng imbestigasyon.
10:41Gayunman,
10:42nauna na silang naglabas ng pahayag
10:44tungkol sa nangyari.
10:46We recognize the pain and grief
10:48brought by this heartbreaking event.
10:50Our thoughts and prayers are with the family
10:52and we stand with them in this moment of sorrow.
10:54We respectfully ask everyone to refrain
10:56from spreading unverified information,
10:59assumptions,
11:00or speculations
11:01that may further burden the grieving family.
11:03The school's division office
11:05will take such further action
11:07as may be appropriate
11:08in accordance with deped policies
11:10and established procedures.
11:12Pinag-usapan po lahat yun
11:14na kung ano ang magandang gawin
11:16na sana hindi na maulit-ulit
11:18at anong pwede po nilang magawang
11:22legislative action.
11:26Nasama ang loob ko
11:27kaya may mga lumalapit
11:30na gusto kong makiramay.
11:33Open lang sabi ko.
11:35Umarap kayo ng tao,
11:36tatanggapin namin kayo ng tao.
11:38Hindi naman mahirap mag-sorry,
11:39sabi ko nga,
11:39anggapin mo sa sarili ninyo
11:41na mali kayo.
11:42Diba, sabi ko nga,
11:43mas magandang pakinggan na,
11:45sorry, kasalanan namin,
11:47pag-uulang namin,
11:49sana patawad nyo ako.
11:50Alam nyo yun,
11:50parang nakakagaan ng loob
11:53kaysa nagtuturoan,
11:54pungustisyan na lang talaga
11:56ang inaano namin.
11:57Pero pag nagtuturoan pa kasi,
11:59dun bumabalik kasi yung galit.
12:01Sa anumang aktividad,
12:03lalo na para sa mga bata,
12:06kaligtasan ang dapat laging
12:08mauna.
12:09At kapag natukoy
12:10ang mga nagkula,
12:14wala dapat tumakbo
12:16mula sa pananagutan
12:18upang makamit
12:20ng mga biktima
12:21ang katarungang
12:22hindi basta maglaho
12:25na parang bula.
12:33Thank you for watching,
12:35mga kapuso.
12:36Kung nagustuhan nyo po
12:37ang video ito,
12:38subscribe na
12:40sa GMA Public Affairs
12:41YouTube channel.
12:43And don't forget
12:44to hit the bell button
12:45for our latest updates.
12:47Juntsang
12:47podcast Williams
12:47Musco
12:48pilata
12:48instituting

Recommended