Skip to playerSkip to main content
  • 4 weeks ago
Huli sa akto ang isang 33-anyos na lalaki matapos umanong manloob sa bahay ng isang fire volunteer sa Quezon City. Ayon sa pulisya, dalawang cellphone ang nakuha sa kanyang bag, kasama ang isang improvised na baril na may mga bala. Ano ang maaaring pananagutan ng suspek sa ilalim ng batas? Alamin kay Atty. Gaby Concepcion. Panoorin ang video.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, ayaw nating lahat sa magnanakaw.
00:04Gaya nitong kawatan na caught in the act, a caught on camp pa.
00:10Sa Quezon City, uhuli si Akto ang lalaking nanloob sa bahay ng isang fire volunteer.
00:16Mismong may-ari ng bahay at mga remesponding polis pa ang nakahuli.
00:22Remesponde ang mga polis matapos makatanggap ng reklamo na may lalaking nanloob sa isang bahay.
00:28Nang buksan ang pintuan, doon naaktuhan ang suspect.
00:33Agad na pinusasan siya at inaresto sa kanyang bag na kuha ang ninakaw na dalawang cellphone.
00:40May nakita rin improvised na baril na kargado ng mga bala.
00:44Ayon sa mga polis siya, pauwi na noon ang biktimang fire volunteer.
00:49Dati na raw din naaresto ang suspect dahil sa pagnanakaw, iligal na droga at pagsusugal.
00:55Pag-uusapan natin yan, ask me, ask Attorney Gabby.
01:04Attorney, ano pong sinasabi ng batas sa mga ganitong krimen gaya ng pagnanakaw na caught in the act or huli
01:10si Akto?
01:11Well, of course, ang krimen dito ay robbery in an inhabited house ayon sa Article 299 ng Revised Penal Code.
01:20Ito ang pangunahing provision kung isang tao ay magnanakaw sa loob ng isang tirahan o isang bahay at gumamit ng
01:28mga paraang itinakda ng batas tulad ng mga sumusunod.
01:32Una, pagpasok sa butas o bukasan na hindi talaga para sa pagpasok.
01:38Pangalawa, pagbasag ng pinto, bintana, dingding, bubong o sahig.
01:43Pangatlo, paggamit ng peking susi o mga kagamitang pangbukas ng kandado.
01:48Baka medyo nagtataka kayo na robbery in an inhabited house.
01:53Napaka-specific, di po ba?
01:55Pero meron din po kasi yung tinatawag na krimen na robbery in an uninhabited house.
02:01Parehong pagnanakaw pero magkaiba ng pinagnakawan.
02:05Magkaiba po ang penalty kung sa bahay na may nakatira ang pagnanakaw.
02:10Ang penalty ay maaaring 6 months and 1 day.
02:13Pero ang pinakamahaba, maaaring umabot ng 20 years ang kulong.
02:18Depende po kasi yan sa value ng ninakaw ng mga bagay.
02:22Kung ang pagnanakaw naman ay isang lokasyon na walang nakatira,
02:26mas mababa ang penalty.
02:28Maaaring 1 month and 1 day lamang hanggang 12 years na po ang pinakamataas.
02:35So what's the difference?
02:36Mas malaki ang penalty dahil mas may piligro na makapaghamak at matraumatize
02:42ang mga istaong nakatira sa isang bahay kung biglang ang pasukin at mapahamak.
02:49At dahil meron din siyang dalang baril dito sa nangyaring to,
02:52maaaring siyang makasuhan sa ilaloy ng Republic Act 10591 or ang Firearms Regulation Act.
02:59Malamang ay hindi lisensyado ang baril na to
03:02at baka nga wala pa siyang permit to carry ng baril na yon.
03:06At alam naman natin na ang pakay niya ay magnakaw
03:09ay dahil po nahanap sa kanyang possession ang dalawang cellphone na
03:14na assuming ito ay nanggaling sa bahay na yon.
03:17Pero paano nga kung pag-uwi ninyo ay may tao sa loob ng bahay ninyo
03:22pero wala siyang nakuha pang gamit
03:24at hindi naman siya mukhang nagbubukas ng mga cabinet o mga bag sa loob ng bahay.
03:29Yun nga ang tinatawag nating caught in the act ng pagnanakaw
03:33o yung inflagrante delikto.
03:34Kung walang ebidensya na may attempt o nagawang pagnanakaw ng gamit
03:39ang krimen ay hindi na po robbery
03:41pero baka ito ay maaaring trespassing na lang
03:45trespass to dwelling.
03:47Pero pati po yung trespassing na yan
03:49may simple trespass
03:51at may qualified trespass at may qualified trespass to dwelling.
03:54Ano naman ang pagkakaiba dito?
03:57Simple trespass kung nakapasok dahil bukas naman pala ang pinto at walang lock ang gate
04:03kaya dire-diretsya lang itong estanghero na ito.
04:06Ano naman ang pagkakaiba kung qualified trespassing?
04:09Kung ito naman ay dumaan nga sa bintana o nagsira ng pinto para makapasok.
04:15In any case, buti na lamang at mayroong police to the rescue.
04:19Kung umuwi po kayo at may tao sa loob ng inyong bahay,
04:23ay naku po huwag nang tangkain na hulihin personally ang intruder.
04:28Alam nyo naman po, pag caught in the act o inflagrante delikto,
04:32maaari po kayo actually gumawa ng citizen's arrest.
04:35Pero huwag na po, yan po ang mabuting advice ko para sa inyo.
04:39Mas mabuti ng tumawag ng polis o ng tanod at hindi nyo nga alam kung may dalang barel.
04:45Laging tandaan, mas mabuti na safe kayo.
04:48Mas dapat siguraduhin ang safety ninyo at ng pamilya ninyo
04:52kesa sa mga ari-arian na kahit nakawin, ay maaari namang palitan.
04:58Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
05:01Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip,
05:06Ask Me, Ask Attorney Gag.

Recommended