00:00Mga kapuso, ingat lagi at maging mapagmatsyag.
00:03Isang babae sa Quezon City ang nahablutan ng kanyang mamahaling hikaw habang naglalakad sa kalsada.
00:09Ang suspect, 7 beses na ang naaresto dahil sa pagnanakaw at panggugulo.
00:15Balitang hati ni James Agustin.
00:20Naglalakad ang isang babae sa barangay Balinga sa Quezon City ng sunda ng isang lalaki.
00:25Maya-maya pa, biglang may hinablot ang lalaki sabay takbo sa EDSA.
00:30Hinabol siya ng babae hanggang sa bahagi ng busway.
00:33Ayon sa polisya, bahagyang nasugatan sa tenga ang 27 anyos na biktima na isang freelance model.
00:39Yung biktima ay naglalakad sa area ng Balintawak at bigla nalang siya nakaramdam ng pananakit sa kanyang mga tenga.
00:47Yun pala, hinablot na ng magnanakaw yung earrings niya.
00:53At ito'y tumakbo ng mabilis ang magnanakaw.
00:58Ngunit hindi na rin inabutan ng biktima.
01:01Buti na lang, nandun yung mga patrollers natin at humingi ng tulong yung biktima para habulin yung sospek.
01:09Arestado ng 32 anyo sa lalaking sospek na dinala sa Luloma Police Station.
01:14Nabawi sa kanyang ninakaw na hikaw na nagkakalaga ng 55,000 pesos.
01:18Yung modus ng sospek ay lalakad-lakad sa mga area na maraming tao at kung may makita ng mga hikaw,
01:30mga cellphone, kwintas, bigla nalang niya itong haablotin kung may pagkakataon.
01:39Ito na ang ikapitong beses na naaresto ang sospek ayon sa polisya.
01:43Kabilang sa mga kaso niya ay pagnanakaw at mayroon ding alarm and skandal.
01:47Aminado siya sa pangahablot ng hikaw.
01:50I-nablit ko yung hikaw niya, nabang naglalakad kami rin sa simbahan ng St. Joseph.
01:55Tinikisiyan ko lang.
01:57Sinampana ang sospek na reklamong robbery.
01:59James Agusti nagbabalita para sa GMA News.
02:04Nangangamatay na ang mga isda sa ilang palaisdaan sa Malabon dahil sa mainit na panahon.
02:09Makikita sa video ang naglutangang mga isda na nangangamoy na raw.
02:14Ayon sa ilang manging isda, mula noong bumaha hanggang ngayon, halos wala na raw silang makuhang isda.
02:21Sa mga palaisdaan sa Dampalit Mega Dike, halos araw-araw ay may namamatay na mga isda.
02:26Isinisisiyo ng mga manging isda sa mainit na panahon na epekto ng El Niño.
02:31Ayon sa Association of Fresh Fish Traders of the Philippines,
02:34pangunahing maapektuhan ng pag-init ng tubig ang mga itinuturing na small pelagics gaya ng galunggong at sardinas.
02:42Pumaapila ng tulong mula sa gobyerno ang mga manging isda, lalo ngayong El Niño.
02:52Meron pong asa ang thunderstorms sa mga sandaling ito.
02:55Sa ilang bahagi ng Marinduque, Romblon at Oriental Mindoro.
02:59Ayon sa pag-asa, tatagal ang thunderstorm advisory sa mga nasabing lugar hanggang alas 11.30 ngayong umaga.
03:0511.39 naman sa ilang panig ng Palawan.
03:08Habang aabot pasado alas 12 ng tanghali ang thunderstorm advisory sa ilang bahagi ng Iloilo,
03:13Aklan, Antique at Capiz.
03:16Pati na sa ilang panig ng Laguna, Quezon Province at Rizal.
03:20At sa ilang lugar, sa Negros Oriental at maging sa iba pang bahagi ng Palawan.
03:26Isinailalim sa thunderstorm watch hanggang alas G's mamayang gabi ang Occidental Mindoro, Palawan,
03:32Halos Buong Visayas at Davao Region.
03:35Ayon sa pag-asa, Intertropical Convergence Zone o ITZZ ang magpapaulan ngayon sa Quezon Province,
03:41Palawan, Bicol Region, Visayas at Mindanao.
03:45Northeasterly wind flow naman sa Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley at Central Luzon.
03:51Mas maka-aasa muli sa maayos at maaaraw na panahon tayo rito sa Metro Manila
03:55at natitirang bahagi ng Luzon, pero posibli pa rin ang mga local thunderstorm.
04:01Patuloy mang lumalapit sa Philippine Area of Responsibility ang binabantayang tropical depression sa Pacific Ocean,
04:06nananatiling mababa ang tsansa nitong pumasok sa PAR ayon sa pag-asa.
04:11Wala rin itong inaasang epekto sa lagay ng ating panahon.
04:15Huling namataan ang nasabing bagyo, mahigit sa'n libong kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon.
04:26Dalawang nasawi matapos sumaltok ang isang motorsiklo sa isang tricycle sa General Santos City.
04:32Ayon sa Traffic Enforcement Unit sa Gensan,
04:35nagsagawa ng speed contest o karera ang nasawing rider kasama ang dalawa pang motorsiklo.
04:41Buma ang garawang rider sa tricycle sa unahan.
04:43Nasa wirin ng lalaking pasahero ng tricycle matapos siyang tumilapon.
04:48Sugata naman ang driver at tatlo pang pasahero ng tricycle.
04:52Patuloy ang investigasyon at hinahanap pa ng pulis siya ang ibang kasama ng rider sa pangangarera.
04:58Kinukuhanan pa ng pahayag ang pamilya ng mga nasawi pati ng mga sugatan.
05:04Patay naman ang isang babaeng motorcycle rider na na hit and run sa magsingal Ilocosur.
05:10Noong una, inakala pang self-accident ang nangyari.
05:13Nang silipin ang mga CCTV, hindi kita ang mismo aksidente pero may natukoy na pick-up na bumangga at kumalagkad
05:20pala sa biktima.
05:22Natuntun at naaresto ang driver nito na umamin sa krimen.
05:26Nakainom daw siya noong gabing yun at inaantok habang nagmamaneho.
05:30Naramad naman daw niyang may nabangga siya pero nagtuloy-tuloy pa rin daw siya sa takbo.
05:34Pumihingi siya ng tawad sa nagawa.
05:37Nahaharap ang suspect sa patong-patong na reklamo.
05:47Sanda Makmak na alamang ang napadpad sa dalampasigan ng barangay do sa Sipalay Negros Occidental.
05:54Pinagpestahan niya ng mga residenteng kanya-kanyang kuha ng alamang at lagay sa kanilang balde at talagyan.
06:00Ayon sa Sipalay City Agriculture Office, taon-taon nangyayari yan sa naturang dalampasigan.
06:06Paliwanag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, resulta ito ng biglang pagbabago ng temperatura ng tubig.
06:12Bumababa ang oxygen level sa seabed kaya nagpupunta ang mga alamang sa mababaw na bahagi ng dagat kung saan mas
06:18mataas ang oxygen level.
06:20Itinutulak naman ang mga ito ng alon papuntang dalampasigan.
06:27Arestado sa Baras Rizal ang isang head pastor ng umunoy ng molestya sa tatlong minordedad na anak na mga membro
06:32ng kanilang simbahan sa Marikina.
06:35Maring itinagin ng pastor ang akusasyon.
06:38Balitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
06:43Sa visa ng warrant of arrest mula sa Marikina Family Court Branch 7,
06:48inaresto kahapon ang isang lalaki sa tapat ng isang clubhouse sa Baras Rizal, ang lalaki.
06:54Head pastor ng isang simbahan sa Marikina na inaakusahan ang pangmumolestya umano sa tatlong batang babae na anak ng kanyang
07:02mga miyembro.
07:03Ayon sa pulisya, nangyari ang mga umano'y pangmumolestya sa mga biktima noong 2023 hanggang 2024.
07:11Pero ngayong taon lang nakapagreklamo.
07:13Yung ating unang biktima po dito ay isang 8 years old.
07:18Yung ating pangalawa pong biktima po dito isang 15 years old.
07:22At base dun sa report nating nakalap po, nangyari po yung isidente hindi lang po once kundi 4 times po.
07:31Yung pangatlong biktima po natin ay 9 years old po.
07:35Ayon pa sa pulisya, nangyari ang pangmumolestya umano sa loob mismo ng kanilang simbahan sa Marikina.
07:41Nagtitake advantage po siya sa mga minor di edad po accordingly po.
07:46Lahat po ito ay accordingly nangyari po mismo dun sa loob mismo ng kanilang simbahan after na magkaroon sila ng
07:56preaching.
07:58Itinatanggi ng akusado ang mga paratang sa kanya.
08:01Alakalaki lang church eh.
08:03Kita-kita yun.
08:04Aluag-luha at maraming tao.
08:07Hinala niya, malalimang galit sa kanya ng mga magulang ng mga biktima at ilan pang miyembro.
08:12Personal na eh.
08:14Si galit.
08:15Forgive, then you will forgive us all.
08:19As we forgive those who trespass against us.
08:24Nakakalukot lang, they are my friends.
08:26Nahaharap sa apat na counts ng kasong statutory acts of lasciviousness ang akusado
08:31na nakapiit ngayon sa Marikina City Police Custodial Facility.
08:35May in-recommendang piyansang 432,000 pesos.
08:39Sinusubukan pa naming hinga ng pahayag ang kampo ng mga biktima.
08:43Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
08:52Webes latest, star of the new gen Jillian Ward is back.
08:57Months after ng kanyang mental health break.
09:01Binigyan daw niya ng time ang sarili para magpahinga.
09:05Sabi ni Jill, hindi niya hinayaang makonsume siya ng stress at pressure
09:09na posibleng mauwi sa burnout.
09:12Sa pagbabalik series naman niya,
09:14makakatrabaho ni Jillian si Marian Rivera
09:16sa Prime Video Original na Behind Closed Doors.
09:20Sa Supermom noong 2017,
09:22huli silang nagkatrabaho ng kanyang idol.
09:25And there's more sa mga ganap ni Jillian.
09:27Dahil mapapanood na ng fans ang first ever concert ni Jillian
09:31sa December 8.
09:35Tuloy na po, December 8.
09:37Tuloy na, tuloy na po.
09:38Tuloy na, tuloy na po talaga.
09:40And actually, masaya po kasi mas nakaroon ako ng time pa to rehearse.
09:44Mas ready na po talaga ako this time.
09:46Kasi nakapag self-reflect ako, nakapagpahinga ako.
09:49So, eto na.
09:51I'm back with a vengeance.
09:53I'm back with a vengeance.
09:56Ito na ang mabibilis na balita.
10:00Nagkasunog sa isang compound sa BF International Village sa Las Piñas kaninang umaga.
10:05Apektado riyan ang isang training center at bodega ng mga furniture.
10:09Damay rin ang ilang sasakyan.
10:10Isa ang naitalang sugatan matapos mahulugan ng debris.
10:14Ayon sa mga otoridad, nagsimula ang sunog bandang alas 7 ng umaga.
10:18Idiniklarang under control ang sunog.
10:20Patuloy pa kinaalam ng saan sanhin ang apoy at halaga ng pinsala.
10:27Arestado ang limang lalaking sangkot umano sa pambubugaw sa Lapu-Lapu, Cebu.
10:31Sa magkahihilay ng operasyon sa barangay Pontaing Ganyo at barangay Panjak,
10:35apatapot isang babae kabilang ang sampung minor de edad ang narescue ng mga otoridad.
10:40Base sa investigasyon ng National Bureau of Investigation,
10:43ginagawa ng mga suspect ang pambubugaw online.
10:47Karamihan daw sa mga customer ay mga dayuhan at lokal na turista.
10:50Sumasa ilalim na sa counselling ang mga narescue ng mga kababaihan
10:54habang ang mga minor de edad nasa pangangalaga ng DSWD Region 7.
11:00Mahaharap sa paukulang reklamo ang limang suspect.
11:03Ayon sa isa sa kanila, nagsisisi siya sa kanyang nagawa.
11:07Tumanggi namang na magbigay ng pahayag ang iba pa.
11:14Sa gitna ng posibleng epekto ng El Niño sa bansa,
11:17sinabi ng Metropolitan Water Works and Sewerage System
11:20na huwag magpanik dahil hindi raw magkakaroon ng krisis sa tubig sa Metro Manila.
11:25May mga alternatibo raw na pagkukunan ng tubig bukod sa anggatdam
11:28na pangunahing pinagkukunan ng tubig sa NCR.
11:31Balitang hatib ni Bernadette Reyes.
11:36May at maya ang dating ng mga namimili ng mga balde at drums
11:40sa tindahang ito sa Quezon City.
11:42Naniniguro lang daw sila.
11:44May hirap pag marami pa naman kami.
11:47Naninigurado lang kasi hindi rin natin alam kung ano yung panahon.
11:52Baka biglaan na lang, mawalan ng tubig.
11:55Siyempre kasi may mga bata sa bahay so dapat merong reserve.
11:58Halos two weeks na po kami, napakarami po, dinadagsa po ng tao.
12:02Dahil sinasabi po na super ill ninyo po,
12:05yung mga tao po, kumbaga sa ano, naghahanda na po.
12:07Ayon sa Metropolitan Water Works and Sewerage System o MWSS Regulatory Office,
12:13hindi kailangang magpanik.
12:15I think the president is saying is that is for outside Metro Manila.
12:18I can guarantee na wala pong water service crisis this coming super ill ninyo.
12:23Handa po ang Manila Water at Maynila, hindi po magkakaroon ng water crisis.
12:28Noong 2022 pa raw, sinimulan ang mga paghahanda para sa super ill ninyo.
12:33Worse na worse po ito, probably water service interruptions,
12:36but there will still always be water at the tap within 24 hours.
12:41So they don't need to go pimpila balde sa labas po.
12:43Sabi ng Manila Water, isang malaking aral sa nagdaang el ninyo
12:47na huwag umasa sa iisang water source.
12:502019, anggat lang yung source natin.
12:53So we learned from that na mahalaga na to be water secure,
12:57kinakailangan na mag-develop tayo ng karagdagan pang mga water sources.
13:01So ngayon, hindi lamang anggat ang pinagkukuna natin.
13:05Kabilang anila sa na-develop na water sources,
13:08ang Cardona Water Treatment Plant na kayang magbigay ng 110 million liters per day.
13:14Ang East Bay Project naman, tapos na ang Phase 1
13:18na nakapagbibigay ng hanggang 50 million liters per day.
13:22Mayroon ding Wawa Antipolo Water System na nakakapagbigay ng 80 million liters per day.
13:28Inaasahan din ang dagdag na water supply sa susunod na buwan mula sa Kaisakat Water Treatment Plant.
13:35Ang Maynilad naman, nag-upgrade na rin daw ng mga pasilidad
13:38at malaki na rin ang nabawas sa non-revenue water.
13:41Pero nagtuturo rin sila sa publiko ng paraan para makatipid tulad ng pag-ipo ng tubig
13:47mula sa aircon na maaari-anilang gamiting pangbuhos sa banyo.
13:52Kasabay ng pagsisiguro na may sapat na supply ng tubig,
13:56ang panawagan ng MWSS Regulatory Office at ng Water Concessionaire
14:01na maging maingat at responsable ang mga consumer sa paggamit ng tubig.
14:06They don't need to hoard anything. Kailangan po natin talaga is responsible use.
14:11Ang Department of Social Welfare and Development o DSWD
14:16ipinakita ang aparato na makatutulongan nila sa paglinis ng tubig.
14:20Nandito na yung filter head, nandito na yung drill bit, nandito na lahat.
14:25Maaari rin daw inumin ng tubig na nasala gamit ang naturang filter.
14:29Cheers!
14:30Cheers!
14:33It's just like drinking any drinking water.
14:36Okay.
14:38Pagtitiyak ng DSWD, ligtas inumin ng tubig na dumaan sa filter base
14:42sa sertifikasyon mula sa Department of Health.
14:45Matagal rin anila itong ginagamit sa mga lugar na hinagupit ng kalamidad.
14:50Pero patuloy raw ang paghahanap ng mga alternatibong mapagkukunan ng supply ng tubig,
14:55lalo't ang epekto ng El Niño, aabot hanggang kalagitnaan ng susunod na taon.
15:00DNR at MWSS ay nag-activate na ng 61 decommissioned deep wells
15:07upang madagdagan ang supply ng tubig sa Metro Manila.
15:10Pinabibilis ang pagtatapos ng Kaisakat Water Treatment Plant sa Upper Wawa Dam.
15:17Matatapos ito sa November 2026.
15:20Madagdagan ito, or rather magdadagdag ito ng 160 million liters per day ng tubig.
15:28Bernadette Reyes, nagbabalita para sa GMA News.