00:00Humingi na po ng paumanhin si House Lead Prosecutor at Batangas Rep. Jervil Luistro
00:05kaugnay ng nag-viral na wacky photos ng prosecution sa loob ng session hall
00:11matapos ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:15Sa panayan ng Super Radio DZBB, sinabi ni Luistro na wala silang anumang intensyon
00:21na gawing katatawanan ang Senado.
00:24Malaki raw ang respeto nila sa Senado at sa mga Senado.
00:28Paliwanag niya, masaya lang sila nung kuna ng letrato
00:32dahil magkakaroon na ng break ang paglilitis matapos ang ilang buwan.
00:37Tugon niya ni Luistro matapos sabihin ni Sen. President Sherwin Gatchalian
00:41na paimbestigahan at pagpapaliwanagin niya ang prosecution team
00:45kaugnay sa wacky photos.