00:00Ramdam sa ilang lugar sa Mindanao ang epekto ng wildfires sa Indonesia.
00:04Sa Zambuanga City, ilang barangay ang halos mabalot ng haze.
00:07Ayon sa Department of Environment and Natural Resources sa Zambuanga City,
00:12bumaba ang kalidad ng hangin sa lungsod batay sa kanilang air quality monitoring.
00:16Mula sa very unhealthy, sa umaga ay naging acutely unhealthy ito sa hapon.
00:21Inabisuhan na ang mga residente na gumamit ng face mask,
00:24lalo na ang mga senior citizen at may karamdaman.
00:26Apektado rin ng haze ang ilang lugar sa Bunggaw, Tawi-Tawi.
00:30Inabisuhan rin ang mga residente roon na magsuot ng face mask.
00:35Sa Central Kalimnatan sa Indonesia,
00:39nagpuloy kahel ang kalangitan sa Palangkaraya.
00:42Halos mag-zero visibility rin sa ilang lugar doon dahil sa makapal na haze.
00:46Dahil pa rin ito sa wildfires na patuloy na nararanasan doon.
00:50Lampas na raw sa 1,200 ang Air Pollution Index ng Indonesia.
00:54Apat na beses na mas mataas sa hazardous level na 300 ayon sa kanilang Environment Ministry.
01:00Ramdam din ang epekto ng wildfires sa Indonesia sa mga karating bansa na Timor Leste at Singapore.
Comments