00:00It's an executive order that's made by Ferdinand R. Marcos Jr. to be able to use the policy on the
00:06carbon market.
00:07Layon itong matiyak na bukas at sistematikong nakilohok ang Pilipinas sa carbon markets,
00:12isang kasunduan ng mga bansa sa buong mundo na pinagtibay ng United Nations noong 1992.
00:18Sa ilalim ng EO-127, bubuo ang Pamahalaan ng Interagency Committee on Carbon Markets
00:23na pangungunahan ng Department of Environment and Natural Resources.
00:27Sa carbon markets, bumibili at nagbibenta ng carbon credits o allowances
00:32ang mga kumpanya, particular sa European Union Emissions Trading System.
00:36Tataas ang credit o allowance ng isang bansa kapag nabawasan o naalis nito ang maruming hangin
00:43sa himpapawid sa pamagitan ng reforestation paggamit ng renewable energy o pinahusay na energy efficiency.
00:50Nakasaad sa kasunduan na ang mga bansang hindi nakasunod sa energy efficiency
00:54ay kailangang bumili ng credits sa emission trading system
00:58habang ang mga bansa na nakasunod sa energy efficiency maaring magbenta
01:02sa mga bansang nangangailangan ng credit o allowance.