Skip to playerSkip to main content
Aired (October 18, 2026): Sa pagpunta ni Doc Nielsen Donato sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea, inalam niya ang kalagayan ng likas na yaman dito. Ano kaya ang kanyang madidiskubre? Panoorin ang video.

‘Born to be Wild’ is GMA Network’s groundbreaking environmental and wildlife show hosted by resident veterinarians Doc Nielsen Donato and Doc Ferds Recio. #BornToBeWild #GMAPublicAffairs #GMANetwork

Watch it every Sunday, 9 AM on GMA
Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Sa 7,641 na isla na mayroon ang Pilipinas,
00:05hindi lahat madaling mapupuntahan.
00:12Ang ilan, kinakailangan pang bumuo ng pamayanan
00:17para doon ipadala at panirahan ang mga Pilipino.
00:23Bukod sa puwersa ng sandatang lakas,
00:26ang presensya ng mga Pilipino bilang mga residente sa mga islang pinag-aagawan
00:32ay bahagi ng ating pag-aangkin at pagpapanatili ng presensya sa mga lugar na ito.
00:42At sa Kalayan Island Group,
00:44may isang islang tinawag na pag-asa.
00:49Taong 1947, nang matuklasan ng Pilipinong negosyante na si Thomas Cloma
00:55ang mga isla.
00:57Pero noong 1978 lang,
00:59itinatag dito ang munisipalidad ng kalayaan sa ilalim ng probinsya ng Palawan.
01:11Sa pag-asa island,
01:13ang dagat ang isa sa pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan.
01:21Ang mangisdang si Mang Larry,
01:23labing pitong taon nang naniniraan sa isla ng pag-asa.
01:29Kagubatan pa po yung isla.
01:30Balik kami mga sibilyan na nandito ay nasa 16 lang
01:32for construction.
01:34Noong una kasi pagdating ko dito,
01:35grabinlongkot eh, walang signal.
01:37Wala lahat.
01:38Yung wala na kaming trabaho,
01:39puro na pangisda yung trabaho ko dito.
01:42Balik ako nag-asupply ng isda dyan sa mga military.
01:45Ayon ang pinagkakakitaan ko.
01:47Dinala siya rito ng pamalaan noong 2009
01:51mula Rojas Palawan para magtrabaho bilang construction worker.
01:57Noon kasi sa ganap sa isda eh,
01:59walang problema.
02:00May income kahit mapano sa pagdadaing,
02:02pati sa riwa.
02:03Lamang doon kasi sa magtrabaho sa construction
02:05kasi yung construction,
02:07150 lang yung araw namin yun.
02:08Pero libre bigas.
02:10Ang problema,
02:11pag nagkaubusan ng bigas,
02:12kumakain kami ng papaya.
02:13Pag kanas-kanas,
02:14hindi kami mapadala ng bigas.
02:16Yung runway,
02:17hindi pa yan simentado.
02:18Kumpag-grass.
02:19Yung damo.
02:20Oo damuhan.
02:21Yan ang islander na sa damuhan.
02:23Pag nagulan, madulas.
02:25Ang ginagawa minsan,
02:26pag gumanda yung panahon,
02:28pagka-paradrap ang tawag doon,
02:30nilalaglang lang dito sa amin yung bigas.
02:32Sa ngayon,
02:33nasa mahigit apat na raan
02:35ang marsidente sa pag-asa island.
02:40Hanggang sa parami na parami na lang tao,
02:42sabi ko ano kaya ako magpayo,
02:43magtagal ako dito.
02:44Hanggang sa akin,
02:46nawili na rin ako,
02:47hindi na rin ako nagalis dito.
02:50Pero kasabay ng pagdami ng mga tao,
02:53may isa rin bagay na napansin si Mang Larry.
02:56Ang dating masaganang huli sa dagat,
02:59unti-unti na raw nagbago.
03:01Yung madadaanan mo,
03:03puro puti yung mga bato.
03:04Tinatamaan siguro ng cyanide yun.
03:06Balay 2013-2014,
03:09nagamat-amat na yung mga barko ng mga Chinese dyan.
03:12Chinese kasi,
03:13wala kami nakikitang nagapangisda sa Bahoray.
03:15Yung sa kanila, yung mga super light.
03:19Vietnam, yung matinding kompetensya sa pangingisda.
03:23Yung pamamaraan kasi ng mga Vietnamese ay lamang na lamang kasi sa atin.
03:28Sa kanila, cyanide sa cadinamita,
03:30eh sa atin naman, bawal yung cyanide sa cadinamita.
03:33Sinamahan kong mangisda ang grupo ni Larry.
03:42Bestop! Bestop! Bestop!
03:43Bestop!
03:44Bestop!
03:52Hindi ka mabibigol talaga dito?
04:06Bestop!
04:09Bestop!
04:09Bestop!
04:09Woohoo!
04:10Woohoo!
04:14Look o!
04:15Nakadala akong huli si Kuya Larry.
04:17Umagang-umaga.
04:18It pays to be early.
04:20And look at that.
04:21Pag lumalabas na yung dila nila ng ganyan,
04:24ibig sabihin,
04:25napakalalim yan.
04:26Tapos biglang inangat.
04:27So, nagkakaroon sila ng
04:30parang
04:31vents.
04:33Ilang oras kami sa laot.
04:35Ang aking mga kasama,
04:37sunod-sunod ang huling isda.
04:46Pero ako,
04:47naging matumal ang huli.
05:02Papalagay ulit tayo ng pain.
05:04Ay!
05:04Oo, nakahuli!
05:06Woohoo!
05:07Ang late lang!
05:15Sa military runway kung saan lumalapag
05:18ang mga sasakyang panghimpapawid
05:20ng mga militar.
05:24Kinagabihan,
05:26isang pawika naman
05:28ang sumampas sa dalampasigan.
05:3237 ang length,
05:34tapos 33 ang width.
05:37This is a big size.
05:39Sea turtle.
05:40Ang laki niya.
05:41Ang laki niya.
05:51Kasama ang Philippine Navy,
05:53sinigurado namin na hindi ito
05:55maabala sa kanyang pangiklog.
05:57Meron kami tinatawag na
05:58sea turtle conservation training
06:00na kinakandak sa amin ng DNR.
06:03Lahat po ng mga halos na mga sundalo
06:04na na-assign sa mga ibat-ibang isla
06:06ay may at least little knowledge
06:08na kung paano pangalagaan yung pawikan
06:11kung merong silang makasalamuhan
06:13na mga sea turtles.
06:17Makalipas ang mahigit isang oras,
06:21kinabunan niya ito
06:22ng buhangin.
06:27Paraan ito ng pawikan
06:29para mapanatili ng tama
06:31ang temperatura
06:32at malayo sa predator
06:34ang mga iklog.
06:36Ang ganitong paraan,
06:38may pag-aasang mapisa
06:40at mabuhay
06:41ang mga itlog
06:41at muling makarating sa dagat
06:44ang kanyang mga anak.
06:45Usually,
06:46yung mga sea turtles na ito
06:47ang nangitlog ito
06:48during madaling araw
06:51kung makita mo
06:52kung gaano kahirap niyang
06:53binabaybay
06:54pabalik ng dagat.
07:01Bago tuluyang bumalik
07:03sa dagat ang pawikan,
07:04tinanggalan ko ito
07:05ng mga barnacles
07:06o marilit na organismong
07:09kumakapit
07:09sa kanyang shell
07:11o carapace.
07:14Kapag kasi kumapal
07:16at dumami ito,
07:17maaaring mahirapan
07:18sa paglangoy
07:19ang pawikan
07:20at magkaroon
07:21ng infeksyon
07:22sa katawan.
07:26Kinabukasan,
07:27lahat tayo
07:28kailang magtulong-tulong.
07:29Ginamit ko na rin
07:31ang pagkakataon na ito
07:32para
07:33maibahagi sa mga residente
07:35at mga sundalo
07:36kung paano
07:37higit na
07:39mapangalagaan
07:39ang yaman
07:40ng kanilang isla.
07:42Nakita niyo yung tabak nito,
07:44kulay green,
07:45kaya doon niya
07:45nakuha yung pangalan niya.
07:48They're found
07:49all over the world.
07:51So,
07:51pinaka-common siya, no?
07:53Dalawang linggong matapos
07:55makapangitlog ang pawikan,
07:57may panibagong ulat
07:58mula sa Philippine Navy.
08:00May isang pawikan
08:01na naipit sa pampang.
08:04Agad nilang itong iniligtas
08:06at ibinalik sa karagatan.
08:12In terms sa service,
08:14ang gusto ko lang
08:15maaalala ng mga tao dito
08:17is hindi lang
08:17pumasok sa mindset nila
08:19na nandito kami
08:19para
08:20para
08:21protektahan yung isla,
08:23para protektahan yung
08:23soberenya natin.
08:25Nandito rin kami,
08:25katuwang nila kami
08:26na magprotekta sa environment.
08:28Maraming salamat sa panunood
08:30ng Born to be Wild.
08:31Para sa iba pang kwento
08:33tungkol sa ating kalikasan,
08:35mag-subscribe na
08:36sa JMA Public Affairs YouTube channel.

Recommended