00:00Arrestado ang tatlo sa apat na suspect sa pagnanakaw sa pumping station sa Diocno Boulevard sa Pasay City.
00:07Dawit din sa investigasyon ang dalawang empleyado ng kontraktor na posibleng sangkot sa pagnanakaw ayon kay Public Works Secretary Vince
00:16Dizon.
00:16Aabot sa 183,000 piso ang halaga ng gamit na ninakaw, kabilang ang isang circuit breaker at ilang metro ng
00:26kable.
00:26E, importante pa naman ang mga ito para mapagana ng maayos ang generator at mapabilis ang pagbomba ng tubig-baha.
00:34Sinabihan ni Dizon ang kontraktor na palitan ang mga nawalang piyesa nang walang gastos sa gobyerno.