00:00Problema pa rin ang pagbaha sa ilang sementeryo sa Iloilo City kaya pahirapan ang pagbisita ng mga tao tuwing undas.
00:06Ayon sa mga naglilinis at caretakers sa Iloilo City Public Cemetery, kakaunti lang ang bumisita noong nakarang taon dahil binaha
00:14ang sementeryo.
00:15Ngayong taon, may tubig din sa ilang bahagi ng libingan kaya naglagay na sila ng mga bato na pwedeng tuntungan
00:21at tawiran at nagpaparenta rin daw ng mga bota.
00:25Binabaha rin ang iba pang sementeryo sa lungsod.
00:28Ayon sa Iloilo City General Services Office, maglalagay sila ng footbridge bilang tawiran.
00:33Meron na rin daw team na maglilinis sa drainage system para mabawasan ang pagbaha.
00:38Sa mga aldan panggasinaan, nagsisimula na rin ang paglilinis sa mga puntod.
00:43Pero ang problema, ang paglitaw ng mga ahas.
00:47Taon-taon daw yung problema dahil sa nagtataasang mga damo.
00:51Nakikipagugnay na raw ang mga caretakers sa snake hunter na makakasama nila sa paglilinis sa sementeryo.
00:57Inilalatag na rin ang lokal na pamahalaan ang ipatutupad na traffic management plan sa Undas.