00:00Nagsimula ng pumunta sa Manila South Cemetery ang ilang bibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
00:06May ulot on the spot si Tina Panganiban Perez. Tina?
00:14Rafi, kakaunti pa lang ang mga dumadalaw rito sa Manila South Cemetery ngayong araw.
00:19Ayon sa OIC ng sementeryo na si John Mark Mendez, halos 1,800 pa lang ang mga dumadalaw ngayon.
00:27Ang inaasahan anyang dagsa, bukas hanggang November 1. Kung kailan ang mga inaasahan darating ay aabot ng 600,000 hanggang
00:361,000,000.
00:37Bawal na rin ngayong pumunta rito para lang maglinis ng mga puntod. Hanggang October 27 ang deadline para riyan.
00:45Sa mga dadalaw ngayon dito, Rafi, bukas ang sementeryo mula 6 a.m. hanggang 6 p.m.
00:51Pero simula bukas hanggang November 2, bukas ang sementeryo mula 5 a.m. hanggang 9 p.m.
00:59Bawal po ang overnight dito.
01:01Bawal din ang mga matatalim na bagay, nakakalasing na inumin, mga gumagawa ng ingay.
01:07Gaya ng speakers at gitara, pati na mga pwedeng pagmula ng apoy, kasama na ang mga thinner.
01:13Ang mga fur parent, Rafi, inaabisuhang wag nang dalin ang kanilang pets para maiwasang may makagat.
01:21Sa ngayon, halos 1 milyon na ang nakalibing dito.
01:24Pero high-tech naman itong Manila South Cemetery dahil meron silang website para mahanap ang puntod ng mga nakalibing dito.
01:33Pumunta lang daw sa www.manilasouthcemetery.net at ilagay lang ang pangalan ng sumakabilang buhay.
01:42May emergency button din sa website para sa mga nasa loob ng sementeryo na mga ngailangan ng emergency assistance.
01:51May wheelchairs din para sa mga hirap maglakad kasama na mga senior citizen pati na libreng sakay sa loob ng
01:59sementeryo.
02:00Paalala ng pangmunoan ng Manila South Cemetery sa mga dadalaw rito, magbao ng tubig, payong at portable electric fan.
02:08Sa ngayon, Rafi, ay medyo tumigil na yung ulan. Kanina kasi umulan.
02:14So makikita mo, basa itong nasa likod natin.
02:17At yung mga paalala po ng Manila South Cemetery makikita sa isang digital board dito sa may entrance ng sementeryo.
02:25Rafi?
02:26Maraming salamat, Tina Panganiban Perez.