00:00Hinatira ng advance na bayad mula sa mga kontraktor si dating Congressman Zaldi Ko
00:06ayon sa testimonya sa Sandigan Bayan ni dating Department of Public Works and Highways Engineer Henry Alcantara.
00:13Iginit din niyang tumaas ang komisyon ni Ko nang maging Speaker si Congressman Martin Romualdez.
00:20Pero giit ng kampo ng Speaker, si Ko lang ang katransaksyon ni Alcantara.
00:25Nakatutok si Maki Pulido.
00:30Kung sa mga nakaraang bail hearing sa kasong plunder laban kay dating Speaker Martin Romualdez,
00:35delivery na mga mali-maletang pera sa kanya ang pinatutunayan ng prosekusyon,
00:40source naman ng pera ang tinumbok nila ngayon.
00:43Para dyan, isinalang nila si Henry Alcantara, dating District Engineer ng DPWH Bulacan First District Engineering Office
00:51na ngayon ay nasa ilalim na ng Witness Protection Program.
00:54Sa korte, sabi ni Alcantara, ang dinedeliver niyang pera kay Zaldi Ko
00:58mula sa advance payment ng mga kontraktor sa Bulacan
01:01na nagkonsyabahan umano sa mga bidding na mga flood control project.
01:05Ang advance payment, idedeliver daw kay Ko
01:07oras na nakalista na ang proyekto sa National Expenditure Program
01:11o ang version ng budget ng Kamara.
01:14Ang balance naman, idedeliver kung napondohan na
01:16ng Department of Budget and Management o DBM ang proyekto.
01:20Sabi ni Alcantara, mula 20% naging 25% ang komisyon
01:24nang maging Speaker of the House si Romualdez.
01:27Siya naman daw, nakatanggap ng 1.5 to 2% na komisyon
01:31mula sa mga kontraktor na kung tawagi nila ay pasasalamat.
01:35Pero sabi ni Alcantara, si Kona ang bahala sa partihan ng komisyon.
01:40Sabi ni Alcantara, noong umpisa ay nakikita sila ni Ko
01:43sa isang hotel sa BGC Taguig para sa delivery ng pera.
01:46Pero kalaunan ay idinidiretsyo na ang pera sa bahay ni Ko
01:49sa Valley Verde, Pasig City.
01:51Sa plastic box, nilalagay ang pera sa umpisa
01:54at kalaunan sa maleta na.
01:56Pinalabas naman ang mga abogado ni Romualdez
01:58sa kanilang pagtatanong na ang tanging katransaksyon ni Alcantara
02:01ay si Zaldico at walang kinalaman si Romualdez
02:04sa bidding ng mga proyekto.
02:06Makipulido na katutok, 24 oras.