00:06Extra challenge ang pagsagip sa isang batang babae na nakalambitin sa isang gusali sa China.
00:12Kuha yan sa labas ng gusali sa Shanghien sa Fujian Province.
00:16Nakaipit ang ulo ng tatlong taong gulang na bata sa metal railing na isang unit sa ikalabing dalawang palapag,
00:22habang ang kanyang katawan naman ay nakalambitin sa ere.
00:25Mula sa ibabang palapag, nagtulong-tulong ang mga kapitbahay at security guard para suportahan ang bata gamit ang isang upuan.
00:32Ayon sa ulat, iniwang solo ang bata dahil nag-grocery ang kanyang ina.
00:36Lumabas daw ang bata sa bintana hanggang sa maipit ang ulo niya sa metal railing.
00:41Nasagip din naman ng mga bumbero ang bata.
Comments