00:01Ramdam sa ilang ospital ang pagdami ng mga may mala trangkasong sakit.
00:05Pero ayon po sa mga doktor, normal ang ganito kung papalapit na ang holiday season.
00:11Nakatudok si Maris, umalis!
00:16Alalang-alala si Mommy Rhea nang biglang makaranas ng hingal at hirap sa paghinga
00:21ang 7 buwang gulang niyang sanggol na si Baby Guia.
00:24Kaya agad niya itinakbo sa Philippine Children's Medical Center.
00:28Hiningal po siya tapos may retraction siya.
00:32Kaya ho naisipan ho namin na ipacheck up na lang siya.
00:35Yung impression po is pneumonia sa viral po.
00:39Siguro sa mga nakasalamuan ng baby ko na siguro may trangkaso, parang ganun, eh nahawa siya.
00:47May influenza-like illness na pala si Baby Guia na usong-uso sa mga panahon ito.
00:52Sabi ng Epidemiology Bureau ng Department of Health,
00:54nakapagtala na sila ng 10,269 na kaso ng influenza-like illness sa nakalipas sa dalawang linggo.
01:01Mas mataas ng 16% kumpara sa 8,853 na kasong naitala mula August 30 hanggang September 12.
01:08Yung pagtaas ng mga kaso ng influenza-like illness na naitatalaan natin ay actually expected natin.
01:18Dahil nakikita natin base sa historical data na kapag nagsimula na yung pag-uulan,
01:24tapos patungo na tayo sa malamig na panahon,
01:27meron talaga tayong ine-expect na pagtaas ng mga kaso.
01:31Kabilang sa mga rehiyong nakapagtala ng pagtaas ng mga kaso ay sa Central Luzon,
01:36Mimaropa, Western Visayas at Central Visayas,
01:39maging ang lokal na pamahalaan ng Quezon City,
01:42nakapagtala rin ng mas mataas na kaso ng influenza-like illness.
01:46Umabot na sa 1,578 ang kanilang kaso mula January 1 hanggang October 15, 2026.
01:52Ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Division,
01:56tumaas na 13% ang mga kaso noong September 27 hanggang October 10 sa 221,
02:03mula sa 195 na kaso sa naon ng dalawang linggo.
02:06Sa Philippine Children's Medical Center, ramdam ang pagtaas na ito.
02:10For the past two weeks, we have been getting patients na may influenza-like symptoms,
02:15like fever, cough and cold.
02:17Pag hindi natin nababakunahan yung mga bata, mas prone din sila na magkaroon ng flu.
02:23And pag kunyari may isang bata ka na nagkaroon ng flu,
02:26ang bilis kasi niyan maghawa-hawa.
02:28Ang influenza-like illness ay isang syndrome o pangkat na mga sintomas
02:32gaya ng lagnat na may kasamang ubo at sipon.
02:35Inaasahan posibleng tumaas pa raw ang mga kaso sa papalapit na holidays.
02:39Pero wala naman daw dapat ikabahala.
02:41Nakikita din natin na yung pagtaas ay within the expected numbers pa rin.
02:45Wala tayong tinatawag na mga alert or epidemic threshold na nagbe-breach sa ngayon.
02:53Para makaiwas sa sakit, payo ng mga doktor, laging maghugas ng kamay.
02:58Magtakip ng bibig at ilong kapag uubo o babahing.
03:02Panatilihing maayos ang ventilation, mag-mask at magpakonsulta na rin daw agad sa doktor
03:07kapag may maranasang sintomas.
03:09Mariz Umali, Nakatutok, 24 Oras.
03:15Mariz Umali, Nakatutok.