00:00Pinaigting ng Philippine Coast Guard ang pag-inspeksyon sa mga babiyaheng barko para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero sa
00:06darating na undas.
00:07Ayon sa PCG, nakatutok sila sa karga ng mga barko na pwede makaharang sa access sa mga emergency exits.
00:14Sinusuri din ang safety facilities ng bawat barko, manifesto at pagsunod sa itinakdang bilang ng mga pasahero.
00:20Nasa 17,000 tauhan ng PCG sa iba't ibang panig ng bansa ang ide-deploy ng ahensya para tumulong sa
00:27halos 2 milyong pasahero na inaasahan babiyahe mula October 29 hanggang November 3 para sa undas.