00:02Pinaikting ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga hakbang ng administrasyon para palawakin ang akses sa abot kayang servisyong
00:09pangkalusugan,
00:11palakasin ang ugnayan sa iba't ibang bansa, at hikayatin ang mas maraming pamumuhunan sa Pilipinas.
00:17Noong Lunas, October 19, muling pinagtibay ng Pangulo ang pangako ng pamahalaan na palakasin ang sektor ng pangkalusugan,
00:24kabilang ang pagpapabuti sa kapakanan ng mga nurse at iba pang healthcare workers.
00:29Ginawa ito sa pagdiriwang ng Philippine Nurses Association National Annual Convention 2026,
00:35kasabay ng ika-isang daan at apat na anibersaryo ng samahan at ika-anim na putsyam na Nurses Week celebration
00:41sa Pasay City.
00:42Kabilang sa mga binigyang diin ng Pangulo ang paglalaan ng mahigit isang daan at sampung bilyong piso
00:48para sa health emergency allowance ng mga healthcare workers sa publiko at pribadong sektor.
00:53Gayun din ang pagpapalawak ng mga programa sa edukasyong pang-nurse.
00:56The nurses play a vital role in making this possible, providing care and comfort to patients and their families.
01:05Whether working in our hospitals, serving in communities in far-flung areas, or caring for patients abroad,
01:12Filipino nurses continue to demonstrate the skill, compassion, and professionalism for which they are known.
01:21Sa pakikipag-ugnayan naman sa ibang bansa, tinanggap din ang Pangulo noong lunes sa Malacanang
01:25ang mga kredensyal ng mga ambasador ng Turkey at Egypt sa Pilipinas.
01:29Binigyang diin ang Pangulo ang kahalagahan ng pagpapatibay sa diplomatiko at pang-ekonomiyang ugnayan ng Pilipinas sa dalawang bansa,
01:36kabilang ang pagpapalawak ng kalakalan, pamumuhuna, turismo, at palitan ng kaalaman at kultura.
01:44Bukod pa rito, kinilala rin ang Pangulo ang mga ambag ng papalabas na Philippine Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Hilgavan
01:51sa seguridad sa karagatan at pagtugon sa mga emergency, kasabay ng pagpapahayag ng tiwala sa bagong komandant na si Vice
01:58Admiral Romel Supangan.
02:01Noong Martes sa October 20, pinangunahan ng Pangulo ang pagpapasinaya at formal na paglilipat ng pamamahala sa Sulu Hall of
02:08Justice.
02:09Itinampok din niya ang mga hakbang para mapabuti ang proseso sa mga korte,
02:13mapalawak ang libreng legal assistance at mapaiting ang servisyong pangustisya sa lalawigan.
02:20Noong Martes din, nakipag-usap ang Pangulo sa punong ministro ng Japan na si Sanae Takeichi
02:26sa pamamagitan ng telepono upang talakayan ang pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa,
02:31kabilang sa mga napag-usapan ang kooperasyon sa Luzon Economic Corridor, Depensa at Seguridad,
02:37Artificial Intelligence, at ang patuloy na suporta ng Japan sa mga pagsusulong ng kapayapaan sa Bangsa Moro Autonomous Region in
02:44Muslim, Mindanao.
02:46Sa larangan naman ang pamumuhunan tinanggap ng Pangulo ang makasaysayang paglilista sa Philippine Stock Exchange ng Mint,
02:53ang kumpanyang nagpapatakbo sa Gcash.
02:56Inaasahang makakalikom ng hanggang 60.9 bilyong piso ang initial public offering ng kumpanya
03:02na nagbubukas ng pagkakataon para sa mas maraming negosyong Pilipino
03:06na makapagpondo ng kanilang pagpapalawak sa pamamagitan ng stock market.
03:12Noong Merkoles, October 21, nakipagpulong naman ang Pangulo sa Private Sector Advisory Council Healthcare Sector Group sa Malacanang
03:19upang talakayin ang mga hakbang para gawing mas abot-kaya at madaling ma-access ang serbisyong pangkalusugan.
03:26Kabilang sa mga itinulak ng Pangulo ang pagpaparami ng yakap clinics
03:29at gamot providers sa mga lugar na kulang sa serbisyong medikal,
03:33pagpapabilis ng mga digital na serbisyo at pagpapasimple na mga proseso.
03:38Umutogon ang mga piling programa sa iba't ibang pangangailangan ng mga komunidad
03:42kabilang ang kalusugan, edukasyon, kabuhayan, paghahanda sa kalamidad,
03:47pangangalaga sa kapaligiran at pagpapabuti ng serbisyong publiko.
03:52Magkakaiba man ang mga hamon at solusyon, iisa ang ipinapakita ng mga programa nito
03:59na ang mahusay na pamamahala ay nagdudulot ng tunay at makabuluhang pagbabago sa buhay ng ating mga kababayan.
04:10Hinikayat ng Pangulo ang mga pinaunlad na LGU na ipagpatuloy ang kanilang mga programa
04:15at magbahagi ng mga efektibong kasanayan sa iba pang lokal na pamahalaan.
04:20Angelica Abrogar, Para sa Bayan!