00:00.
00:30Sumukong ka na kasi para wala ng dugong dadanak. At the same time, doon sa mga nagkakanlong, alam po natin
00:39na dapat natin pairali ng batas.
00:41So wag kayong magsilbi na kasangkapan na mga taong dapat na nadidinig din o mga taong dapat napapanagot sa batas.
00:51Wag po kayong magsilbing tulay para makaalpas ang mga masasabi na ating taong may dapat nakaharapin.
01:00Kaugnay ito ng pagpapataw na 50 milyong pisong reward ng DILG para sa impormasyong magtuturo sa kinaroroonan ni De La
01:08Rosa,
01:08na itinuturing din nito bilang most wanted person at inilalarawang armed and dangerous.
01:15Samantala, kinakwestiyon naman ang legal counsel ni De La Rosa ang legal nabatayan ng nasabing pabuya.
01:21Sa pahayag ng Torion and Partners, siniling nito sa pamahalaan na ilabas ang arrest warrant, case number at memorandum circular
01:28ng DILG na nag-o-autorisa sa pagbibigay ng reward.
01:32Ayon sa law firm, walang kasong isinampalaban kay De La Rosa sa anumang Philippine Court
01:37at ang tanging warrant na tinutukoy nito ay ang nagmula sa International Criminal Court o ICC.
01:43Kinu-question din ang kampo ng senador ang paggamit ng intelligence funds para sa pabuya.
01:48Gayun din ang pagtuturing sa kanya bilang armed and dangerous.
01:52Samantala, nanawagan naman ang Senate Minority sa pamahalaan at sa kampo ng senador na panatilihing bukas ang komunikasyon at bigyang
01:59daan ng mapayapang pag-uusap.
02:02Sa pahayag nito, handang tumulong ang Minority sa pagbuo ng legal na proseso upang masagot ni De La Rosa ang
02:07mga paratang laban sa kanya,
02:09habang napangangalagaan ang karapatan ng lahat ng panig.
02:13Sa kabila ng panawagan para sa mapayapang resolusyon,
02:16giit ng palasyo na hindi dapat magpakabagal ang mga otoridad sa pagpapatupad ng batas.
02:22Nauna namang nagbigay ng isang linggo ang PNP kay De La Rosa upang kusang sumuko
02:27habang bumuon na ito ng task force na mangunguna sa paghahanap sa senador.
02:32Angelica Abrogar, para sa bayan.