00:00Naresto sa Kaloocan ng isang lalaking aminadong nagnakaw ng motorsiklo sa Quezon City.
00:06Balita natin ni Gabriel Gonzalez.
00:10Sa kulungan ng bagsak ng 35-anyos na lalaki na inaresto sa kanyang tinitirahan sa barangay 175 Kaloocan City,
00:19nitong Webes, sangkot umano siya sa pagnanakaw ng motorsiklo ng isang supermarket supervisor sa barangay Kaligayahan, Quezon City.
00:28Ayon sa pulisya, nagmamadali ang biktima ng iparada ang motorsiklo sa harap ng pinagtatrabawang supermarket.
00:35Naiwan niyang nakasuksok ang susi sa motor.
00:39Sinunggaban po ng sospek natin na nakamatsyag sa dikalayuan at sinakyan yung motor, pinahandar.
00:46At paglabas po ng may-ari ng motor is na-discover niya na nawawala na ang kanyang motor.
00:53Sa follow-up operation, natunto ng sospek at ang motorsiklo ng biktima, natanggal na ang plaka.
01:00Pagdating doon, confirm, kinonfirm na ang biktima na kanyang motor kasi familiarize siya, ibindo na wala na yung plaka.
01:07Tinanong po ng operatiba natin yung nakatayong lalaki doon, regarding sa ownership, kung may papakita, so happen na wala.
01:16Nasa kustodian ng Pasong Putik Police Station ang ninakaw ng motorsiklo at ang sospek. Aminado siya sa nagawa.
01:23Nadaanan ko lang po yun saan. Kasi naganap mo ako ng trabaho. And naiwan po yung susi. Natokso lang po
01:31ako.
01:31Mingi po ako ng pasensya. Gawa ko yung ganun. Sana mapatawad niya ako.
01:37Dati na siyang nakasuhan ng robbery noong 2021. Ngayon, naaarap ang lalaki sa reklamong paglabag sa New Anti-Carnapping Act
01:46of 2016.
01:48Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.