00:00Hindi dapat ikabahala ang naging paglalayag ng Liaoning Carrier Group ng People's Liberation Army o PLA Navy ng China sa
00:07karagatan sakop ng Southern Mindanao, ayon yan sa Armed Forces of the Philippines.
00:12Ganyan pa man, titignan ng AFP ang posibilidad na pagpapakita lamang umano ito ng prebsa ng China para magdulot ng
00:20hindi kinakailangang pangamba.
00:22Ayon sa report ng AFP Western Mindanao Command o West Mincom, namataan ang Chinese Carrier Group noong October 22 mula
00:30sa Talulu Point sa Siocon, Zamboanga del Norte na dumaan sa Timog Ganluran ng Maitum, Sarangani at nagpatuloy sa Timog
00:38Silangan patungo sa Celebes Sea.
00:41Binantayan ang mga barko ng Philippine Navy na BRP Diego Silang at BRP Emilio Jacinto ang mga barko ng China,
00:48kasama ang BRP Sarangani ng Philippine Coast Guard sa buong paglalayag ng mga ito.
00:54Nag-deploy naman ang Philippine Air Force ng isang Black Hawk helicopter at isang NC-212I aircraft para sa Aerial
01:02Surveillance and Reconnaissance Operations.
01:07Para matanggal yung concern natin, we have to understand the bigger picture.
01:12The bigger picture is regional geotrategic dynamics.