00:00Sa unang pagkakataon, lumagpas na ang halaga ng piso sa 64 peso level kada dolyar.
00:06Nag-sara ito kanina sa 64 pesos and 17 centavos.
00:10Mula noong sumiklab ang sigalot sa Middle East noong Febrero,
00:13tuloy-tuloy ang paghina ng piso at ayon sa ma-eksperto, maaari pa itong magpatuloy.
00:18Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:24Imported ang raw materials ng mga pabangong ibinibenta nila inon
00:28dahil dolyar ang pambili sa imports, lumalaki ang kanyang gasto sa paghina ng piso kontra dolyar
00:34kaya kailangang magdagdag presyo.
00:36Lalo ngayong sumadsad na sa 64.17 pesos ang palitan ng piso sa dolyar, pinakamababa sa kasaysayan.
00:44It is gradual yung pagtaas.
00:45Ngayon, nasa around 64, feel namin medyo kailangan na namin.
00:50Kasi medyo mabigat na rin eh.
00:52Sa totoo lang, marami pang produkto sa bansa ang may imported raw materials.
00:56Katunayan, 36% ng mga import ng bansa noong 2025 ay raw materials.
01:02Kahit ang iba pa nating imports, apektado.
01:05Tulad ng petrolyo, ultimo bigas, ilang isda, pati gulay, iniimport na natin.
01:12Rangdam yan lahat, lalo na ng minimum wage earners.
01:15Kahit na wala tayong dolyar, ang binibili naman natin sa merkado, sa groceries,
01:21eh karamihan dyan ay imported.
01:23Kaya pagka sumadsad ang piso kontra dolyar,
01:27tataas ang presyo ng mga imported na mga produkto na binibili natin sa grocery.
01:32Apektado rin ang konstruksyon ng mga proyekto ng gobyerno.
01:35At tingin ni Laco, hindi makakabawi ang piso hanggang Pasko.
01:39Kung hindi mo kailangan ng dolyar mo ngayon, huwag mong gastusin.
01:43Huwag ka rin mo na magpalit.
01:45Dahil ang inaasahan natin, mukhang tataas pa ang halaga ng dolyar.
01:50Sa ngayon, nagbenta na ang Banko Sentral ng Pilipinas ng dolyar
01:54para dumami ang supply nito sa sirkulasyon.
01:56Sabi ng BSP, humagsak ang piso dahil sa muling paglakas ng dolyar.
02:01Minomonitor daw nito ang foreign exchange market
02:03at kumikilos para tugunan ang pabago-bagong halaga ng piso
02:07at mapanatili ang stability ng mga presyo ng mga bilihin.
02:11May sapat na dolyar ang BSP para gawin ito.
02:13Pero sabi ng dating Deputy Governor ng Banko Sentral,
02:16marami pang pwedeng gawin.
02:18Ang dapat nating response ay hindi panic,
02:21pero hindi rin complacence.
02:23Ang gobyerno naman dapat ay magsumikap namang i-restore
02:28ang confidence ng ating mga mamumuhunan
02:30sa pamamagitan ng pag-re-resolva kagad
02:33ng mga iso natin sa corruption,
02:36sa rule of law,
02:37at yung ating impeachment dapat ay mapabilis din yan.
02:42Kung yan ay matatapos,
02:44makatutulong din yan sa pag-aalis
02:46ng mga tiyatawag natin uncertainty dito sa ating bansa.
02:51Makakatulong din Aniha ang mga i-re-remit na dolyar
02:54ng OFWs ngayong Kapaskuhan
02:56para bumalik sa 62 to 63 peso range
02:59ang palitan ng dolyar.
03:01Habang wala yan,
03:02suwestyo ni Leiko sa gobyerno
03:03para maibsan ang epekto sa presyo ng bilihin,
03:06suspendihin na ang excise tax sa petrolyo.
03:09Makakatulong yan sa pagbaba ng presyo ng petrolyo
03:15na inaasahan din naman natin
03:17na pagka mababa ang presyo ng petrolyo,
03:19yan ay makakatulong na magpababa ng presyo
03:23ng mga pangunahing bilihin natin.
03:25Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.