00:00Asahan po ang tila domino effect sa presyo ng ilang pangunahing produkto at serbisyo
00:06matapos tumungtong sa 63 peso level ang dolyar.
00:10Ang mungkahin ng isang ekonomista sa pagtutok ni Maris, umali.
00:18Ngayong lumampas na sa 63 peso level ang palitan ng dolyar sa piso,
00:23makikinabang sana ang mga pamilya ng mga OFW sa mas mataas na palitan,
00:27lalo na ngayong magpapasko dahil kahit pareho pa rin ang padalang dolyar,
00:32mas malaki na ito kapag ipinalit ng piso.
00:34Pero si Sheila na may kapatid na OFW sa Saudi Arabia nangangambang hindi rin ito mararamdaman.
00:40Matutuwa sana kami, taas ng dollar eh, masaya na sana.
00:44Kaso biglang pagdating dito, nabawi naman po.
00:47Kasi sa mahal din ng mga bilin, sabay-sabay po nagtaas.
00:51Like yung sa pamasahe, yung sa mga pagkain, tapos yung mga iba pang mga items sa grocery,
01:00nagtaas din po sila, kagaya ng mga gasolina din.
01:03Kaya yung parang yung value ng 500, pag binili mo yan,
01:07pang isang ulam na lang, dati, dalawa, tatlo, pwede pa.
01:10Ngayon, hindi na kaya eh.
01:12Yun nga raw ang epekto ng mas mataas na foreign exchange,
01:15ayon sa ekonomistang si Michael Ricafort.
01:17Kung tumaas naman yung presyo ng mga bilhin, ma-upset din.
01:22Ma-upset din, di ba?
01:24Medyo maninigate yung benefits of having na mas mataas na exchange rate,
01:29mas maraming pesos.
01:30Nakita na natin kung paano tumataas ang presyo ng bilhin,
01:34kasabay ng pagtaas ng presyo ng langis.
01:36At ayon kay Ricafort, mula nang magsimula ang gulo sa Middle East,
01:40tumaas na ng humigit kumulang 70% ang presyo ng langis sa pandaidigang pamilihan.
01:45So, yung world price ng oil, pag mataas yun,
01:50tumataas yung importation bill natin.
01:53Yung makit na 70% yung presyo ng langis.
01:57So, mas marami tayong babayaran.
02:00Kasi halos lahat ng langis, sinimport ng bansa natin.
02:03So, pambayad doon dolyar.
02:05Kung mas mahal na ang dolyar,
02:07lumalaki rin ang kailangang guguli ng Pilipinas
02:09para sa mga inaangkat na produkto gaya ng langis.
02:12At kapag tumaas ang gasto sa krudo,
02:14nadaragdagan din ang gasto sa transportasyon at pamasahe.
02:18Sa gasto sa kuryente, dahil sa pag-aangkat ng coal.
02:21Pati ang water bill, dahil sa foreign exchange adjustments.
02:24At kahit pagkain at lokal na produktong hindi direktang inaangkat,
02:28ay maaaring maapektuhan.
02:29Kapag tumaas ang presyo ng inaangkat na abono at makinarya.
02:32Para raw hindi tayo gaanong maging vulnerable sa paggalaw ng dolyar,
02:37rekomendasyon ng ekonomistang Sirica Fort,
02:39bawasan ang pamahalaan ng pag-iimport ng mga produkto,
02:42lalo na sa enerhiya, pagpapalakas at pagtangkilik sa gawang Pinoy,
02:46at pagpapaunlad ng renewable energy,
02:49habang tayong mga mamamayan ay patuloy raw na magtipid sa kuryente at krudo.
02:53Mariz Umali na Katutok, 24 Horas.