Skip to playerSkip to main content
Sa gitna ng banta ng Super El Niño, halos P10 billion ang ginastos ng Maynilad para sa upgrade ng kanilang plantang kayang maglinis ng tubig na may mataas na antas ng putik.


Dagdag diyan, kaya rin daw nilang magproseso ng domestic waste mula sa mga bahay na tinatawag nilang “new water.” #24Oras


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa gitna ng Montana Super El Niño, halos 10 bilyong piso ang ginastos ng Maynilad.
00:06Para sa upgrade ng kanilang plantang, kayang maglinis ng tubig na may mataas na antas ng putik.
00:13Dagdag pa dyan, kaya rin daw nilang magproseso ng domestic waste mula sa mga bahay na tinatawag nilang new water.
00:22Nakatutok si Oscar Oida.
00:28Ipinasilip ng Maynilad ang mga ginagawa nitong pagsasayos at pagpapalakas ng kanilang mga pasilidad sa Lamesa Dam.
00:35Halos 10 bilyong piso raw ang ginastos dito bilang tugon sa Super El Niño.
00:42Kabilang ang upgrade sa kanilang water treatment plant 1 na kaya ng maglinis ng tubig ilog na may mas mataas
00:50na antas ng putik.
00:51Pinaiigting din ang water recovery system upang muling mapakinaban ang tubig mula sa proseso ng paglilinis na inaasang makadaragdag ng
01:03125 hanggang 170 milyong litro ng tubig kada araw.
01:09Basically, ini-increase po natin yung efficiency ng planta. Ubig sabihin, mas marami tayong napoproduce na tubig dahil doon sa
01:17extraction natin ng losses doon sa during ng treatment.
01:23Yung nabubukod na sludge o putik, ginagamit na landfill material.
01:29Kaya yung dating imbakan ng sludge, ginawa ng reservoir ng tubig na may kabuang kapasidad na 133 milyong litro.
01:40Tinututukan din nila ang mga taga sa kanilang mga linya.
01:44Aabot kasi sa may git 150 milyong litro ang nawawalang tubig dahil dito.
01:51Majority pa rin po ng mga losses namin ay nanggagaling doon sa mga leaks.
01:56So sobrang aggressive po si Maynilad in doing leak repairs every day.
02:02Siyempre nagsisimula po yung leak detection. Kailangan makita po muna namin kung nasaan siya.
02:07And then afterwards, we need to immediately schedule the repair works.
02:12So dun po nakafocus yung Maynilad sa ngayon.
02:14Pati domestic waste mula sa mga kabahayan, pinoproseso na nila sa tinatawag na new water.
02:22Yung mga waste na nagagaling sa mga bahay, kinukolekta po ng Maynilad dyan, part ng aming obligasyon.
02:28At ito po yung dapat tinitreat namin sa aming waste water treatment facilities.
02:33Ginawa po ng Maynilad, which is first time in the Philippines and first time in Asia, ay kinuha pa po
02:40namin itong tubig na ito kaysa i-dispose lang doon sa mga rivers.
02:44In-harvest po uli namin, pinadaan uli namin sa series of treatment processes, and then directly dinistribute namin sa aming
02:52mga customers.
02:52Sa kabila ng mga nasabing paghahanda...
02:55Wala po kami talagang full, parang assurance na talagang wala, walang mangyayaring interruptions.
03:01Pero kung sakali man po, hanggat maaari, ayaw namin na umabot tayo doon.
03:07Pero kung sakali man po, sigurado naman mag-aabiso kami to sa aming mga customers.
03:12Hiniikayat ang publiko na magtipid ng tubig bilang paghahanda sa posibleng tagtuyot dahil sa Super El Nino.
03:19Oscar Oida, Nakatutok, 24 Oras.

Recommended