00:00Kinokonsideran ng mga otoridad ang paggamit ng floaters sa pagpapalutang ng lumubog na tugboat sa Botolan sa Zambales.
00:08Pinangangabahan pa rin ng mga residente ang posibleng pagtagas ng karga nitong 15,000 litro ng diesel,
00:17bagamat wala pang bakas ng oil spill sa ngayon.
00:20Nakatutok si June Veneration.
00:26Sa gitna ng malalakas na hampas ng alon, pilit na lumangoy ang mga salvage worker na ito para makaligtas sa
00:34ragang-ngalit na dagat.
00:42Kinailangan pang gumamit ng backhoe sa pagrescue sa ilan sa kanila.
00:52Ang mga salvage worker ang nakuna ng video habang tumatalon sa palubog na MTag SL Suwal 1 sa Botolan sa
00:59Zambales kahapon ng umaga.
01:01Sa tulong ng mga tauhan ng Coast Guard, ligtas nilang narating ang dalampasigan.
01:07Kitang-kita sa kanila mga muka ang hirap na pinagdaanan.
01:12Ngayong araw, narating namin ang lugar malapit sa pinaglubugan ng tugboat.
01:16Kapag panahon ng habagat, ganito daw talaga kalakas ang alon dito sa baybay ng Botolan sa Zambales.
01:22Pero kung malakas ang alon ngayong araw, di hamak na mas malakas daw ang alon kahapon.
01:27At isa yun sa mga nakikitang dahilan ng paglubog ng tugboat na may kargang libo-libong diesel.
01:35Nagsimula ng magsagawa ng water sampling ang Coast Guard at Department of Environment and Natural Resources.
01:41Sa ngayon, wala pa namang nakikitang bakas ng oil spill mula sa tugboat na may kargang 15,000 liters ng
01:48diesel.
01:50Pero aaraw-arawin daw ang pagsusuri.
01:52Kung mayroon tayong maatit-trace dito na oil spill, is bawal po talagang maligo.
01:58Kasi makakaano po yung sa balat o sa health ng bawat maliligo dito sa dagat nito, sir.
02:03Ang mga residente ng Botolan, lalo na yung mga umaasa sa dagat para sa kanilang kabuhayan.
02:09Hindi maiwasang mga ba.
02:11Baka magkaroon ng oil spill, apiktado kami rito dahil siyempre mga hangisda yung mga kapitbahay namin dito.
02:18Dapat gawin talagang ano, iano nila yung tanggalin yung lumubog na tugboat.
02:27Nandun talaga ang problema.
02:30Sabi ng Coast Guard, hindi naman daw lubhang mapanganib ang diesel na non-persistent oil.
02:35Umabilis na kumakalat at nag-evaporate kapag na-expose.
02:40Di tulad ng ibang langis gaya ng bunker fuel na kumakapal kapag nahahaluan ang tubig at tumatagal sa kapaligiran.
02:47Still, we consider that as foreign doon sa dagat and it would create mga untoward siguro sa repercussion doon sa
02:57mga naninirahan sa dagat.
02:59Kaya pariyoridad ang pag-alis sa lumubog na tugboat.
03:02Kabilang sa mga paraan na kinukonsidera ang pagpapalutang sa tugboat gamit ang mga floater,
03:08maglalagay ang mga eksperto ng inflatable bag o pontoon sa ilalim at gilid ng tugboat.
03:13Kapag pinalubohan ng mga ito, lumilikha ito ng lakas na mag-aangat sa barko patungo sa ibabaw.
03:19Saka naman isa siphon o tatanggalin ang laman itong diesel.
03:23Ang problema dito sa lugar na ito, sir, bumababa yung lupa galing bundok so may posibilidad na matabunan.
03:31Kaya dapat magawa natin yung salvage operation na yan sa lalong madaling panahon.
03:36Yun nga lang, masama pa rin ang panahon.
03:38Kaya hindi pa makapagsagawa ng underwater survey para sana mapag-aralan ang posisyon ng tugboat.
03:44Nag-try kami kahapon na pasukin yung barko, kaya lang ang problema hindi na rin makita.
03:53Murky yung tubig, parang hindi rin maganda na isugal natin yung buhay ng mga nag-dive.
04:02June Van Arasyon Nakatutok, 24 Horas.
Comments