00:01Sa gitna ng posibilidad ng mas tuyong panahon bunsod ng Very Strong El Niño,
00:07pinagtitibay ng Maynilad ang mga pasilidad ng lamesa dam upang matiyak ang supply ng tubig.
00:12Halos 10 bilyong piso ang inilagak sa rehabilitasyon at pagpapabuti nito.
00:17Kabilang sa ina-upgrade ang Water Treatment Plant 1,
00:21pinataas ang kakayahang magproseso ng tubig mula sa orihinal na 300 Nephilimetric Turbidity Unit o NTU
00:28hanggang 2,000 NTU.
00:30Ibig sabihin, mas malinawang tubig na lalabas dito.
00:34Ganito rin ang ginagawa ngayon para sa Water Treatment Plant 2.
00:38Bukod pa rito, pinalalakas din ang water recovery at karagdagang supply ng raw water.
00:44Kung makikita nyo sa aking likuran, ito yung tinatawag nila na thickener unit
00:48kung saan dito tinitining ang mga particles at ang mga iibabaw na tubig ay ang kanilang inextract.
00:53Ngayon, sa mga natining na particles, dadalhin ito sa dewatering unit
00:57gamit ang sludge pump.
00:59Dito naman kinokompress at mas lalong pinipiga ang mga natining na particles
01:03para mas lumabas pa lalo ang tubig.
01:05At ang makukuhang tubig ay dadalhin sa planta para sa distribution at sa treatment.
01:11Kapag operational na ang tatlong sistema,
01:14inaasang makapagdadagdag ang mga ito ng pinagsamang kakayahang makarecover at makapagdadag
01:18nang humigit kumulang 125 hanggang 170 milyong litro ng tubig kada araw
01:24na pakikinabangan ng 1.2 milyong may bahay.
01:28Target namang maging operational ang tatlong sistema na ito sa December 2026.
01:33Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng karagdagang reserva ang Maynilad
01:37kapag bumaba ang daloy ng tubig mula sa anggat-ipo system
01:40o kinakailangang baguhin ang alokasyon ng raw water sa panahon ng tagtuyot.
01:45Patuloy na maghahanap ng alternatibong pinagmumula ng tubig,
01:48pagdadagdag ng storage capacity at pagbabawa sa non-revenue water o tubig
01:53na nalulugi bago pa makarating sa mga consumer.
01:56Ayon kay Engineer Rolando Padua, Vice President at Headwater ng Supply Operations,
02:01kailangan pa rin ang tulong ng mga consumer.
02:04Kung magiging mas responsable lamang po yung ating mga customers sa pagkonsumo ng tubig,
02:09malaking tulong po ito na mas ma-preserva po natin yung level ng tubig mula sa anggat
02:16para po mas ma-prolong pa po natin yung availability ng water na ito
02:21as we face yung itong strong air ninyo the full second half of next year.