Skip to playerSkip to main content
24 Oras: (Part 1) Kotse vs motor; 2 estudyanteng pinainom ng soft drink na may dura?; Tugon ng pangulo sa bumababang halaga ng piso; New role ni David, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao.
00:04Nabanga kaya pumailaling sa kotse ang isang motosiklo sa Quezon City.
00:10Kita sa isang video kung paano ito ilang metrong naitulak dahilan upang magtamo ng sugat ang rider.
00:19Depensa ng driver, hindi niya napansing nabanga ang rider na kumain umano ng lane.
00:23Balak ng rider na magreklamo ayon sa polisya.
00:26Nakatutok si Oscar Oida.
00:31Ang video na ito, agad nag-viral sa social media.
00:35Isang itim na kotse, umaandar habang tulak-tulak ang isang motosiklo.
00:40Tuloy-tuloy lang ang takbo ng naturang kotse, kahit pa ang mga sakyang kasabayan niya.
00:45Halos harangan na siya.
00:47Nagnyari ito sa Commonwealth Avenue bandang alas 4 ng hapon kahapon.
00:51Ang video, umabot ng maygit 2 milyong views sa Facebook.
00:57Base senesyal informasyon, nagtamo-umano ng ilang sugat sa katawa ng 21-anyos na rider.
01:03May mga nasira din umano sa motosiklo nito.
01:06Nag-sabi itong driver ng kotse na hindi niya napansin na nabangga niya yung motosiklo.
01:13Kaya nagtuloy-tuloy yung kanyang atakbo.
01:15Ang claim po nitong driver ng kotse is wala siyang kasalanan dahil nasa lugar siya kung saan tumatakbo.
01:23At ito, allegedly itong driver ng motor ay biglang kumaliwa kaya siya nabangga at hindi siya napansin nung kotse.
01:31Ayon sa pulisya, nagpahayag daw ng intensyong magsampan ng reklamo ang nasugatang rider.
01:38Pwede pong reckless imprudence resulting to damage to property at physical injury kasi accordingly may sugat o nasugatan po itong
01:49driver ng motor.
01:51Pero taliwas umanoon sa mga kumakalat na impormasyon sa social media.
01:55Di raw ito may tuturing na road rage.
01:57Kaya dun sila hindi nagkakaintindihan. Kaya ngayon bumalik po itong driver ng motor para mag-file po ng kaso.
02:06Hindi pa nagbibigay ng payag ang biktima sa GMA News habang tumanggi naman ang driver ng kotse.
02:12Oscar Oida, Nakatutok, 24 Oras.
02:21Hindi basta pagpapainom lang ng softdrinks sa dalawang mag-aaral ang nabidyohang ito sa isang public school sa Mapandan, Pangasinan.
02:28Viral ito dahil ang ipinainumunan ng kanilang guro may halong umanong dura ng mga kaklase.
02:34May video rin pero hindi na namin ipinakita ang pagdura ng mga mag-aaral sa bote ng softdrinks.
02:40Kaklase ng dalawang bata nagpainom pero alinsunod naman sa utos ng guro.
02:48Napanood ng ama ng isa sa mga pinainumang video ng insidente na nangyari ng October 15 habang reses.
02:55Base sa kwento ng kanyang anak, bago ang pinagawa ng guro ay uminom na ng softdrinks ang anak at isa
03:01pang biktima ng makiinom ang isang kaklase.
03:04Dinuraan muna nila ito pero hindi sinabi sa pinainom.
03:06Nang malaman ito ng guro, ay nagpabili ito ng softdrinks at nangyari ng anguntos.
03:12Masamaman ang loob ng ama, pinatawad na raw niya ang guro, lalo pat may pagkakamali rin ang anak niya.
03:18Sana huwag na niyang ulitin yun at kung pwede rin sana, may lipat siya ng ibang iskilahan kung sakasakali.
03:26Tumanggi na magbigay ng pahayag ang magulang ng isa pang pinainom, gayon din ang mismong guro.
03:31Pero base naman sa investigasyon ng skwelahan at ayon sa skweprinsipal na tumanggi ng humarap sa kamera,
03:37ihi at hindi raw dura ang inilagay ng dalawang mag-aaral sa ipinainom sa isa nilang kaklase.
03:42Kaya ganun na lang ang galit ng guro.
03:44Gayonman, hindi umano niya intensyong ipainom talaga ang pinagduraan kung di pananakot lang.
03:49Ang utos daw ng guro ay hintayin muna siyang matapos ng klase, pero pinainom na sila ng kaklase.
03:56Magsasagawa na rin ang sariling investigasyon ng Department of Education Region 1.
04:00Natututukan din ang munisipyo.
04:02Binisita na ang mga bata at kanilang mga magulang ng Municipal Social Welfare Department.
04:07Ipapacheck up din sila sa ospital.
04:09Babantayan po natin ito hanggat mariresolba na.
04:12Sabi ni Depth and Secretary Sani Angara,
04:15hihintayin munang matapos ang investigasyon at bibigyan ng due process ang sangkot na guro.
04:20Him or her due process, but may disiplinary procedure definitely.
04:24Mula sa GMA Regional TV, ako si Jasmine Gabriel Galban.
04:29Nakatutok 24 oras.
04:31May truck na namang nasangkot sa aksidente sa Quezon City.
04:34Nasalpok at nadaganan niya ang isang taxi na may sakay pa namang mga pasahero.
04:40Nakatutok si Bob Alegre.
04:45Maingat ang bawat kilos ng rescuers sa paggamit ng power tools para maialis ang driver ng taxi sa pagkakaipit.
04:51Nayupi kasi ang taxi matapos masalpok at madaganan ng truck sa Payatas Road pasado las 8 kagabi.
04:57Nakagawa ng sapat na puwang ang mga rescuers para mailabas ang lalaking taxi driver.
05:01Matapos ang tatlong oras na pagkakaipit at pagtutulungan ng mga otoridad na makuha siya,
05:06nailigtas na itong driver ng taxi na naipit dito sa nangyaring salpukan
05:11at binibigyan na siya ng pangunang lunas sa mga oras na ito.
05:14Isa lang ang taxi driver sa anim na nadamay sa insidente. Walang nasawi.
05:18Ganito yung aftermath ng salpukan, ng truck at ng taxi dito sa bahagin ito ng Payatas Road.
05:23Sa tansya ng mga otoridad, sumatotal, anim na ang narescue dito sa nangyaring aksidente.
05:29Apat na pasahero ng taxi, yung mismo driver ng taxi at yung driver ng truck.
05:33May natagalan dun sa dalawang naipit na last kasi yung isa na pin down siya ng manibela, yung driver ng
05:42truck.
05:43Tapos itong taxi natin, hindi natin din magalaw basta-basta kasi syempre pag hihila natin dun sa truck, makalagka din
05:51yung taxi.
05:52Sinala sila sa ospital. Ayon sa pahinante, magtatapon sana sila ng basura sa Rodriguez Rizal mula sa Pasig
05:58na mangyari ang aksidente. Ligtas ang pahinante ng truck.
06:01Naiglip, iglip po ako eh. Pag gising ko po, pabagsak na kami.
06:06Kumakit ako sa taas. May naririnig ako sa labas. Mingi ng tulong.
06:11Nagdulot ng pagbigat sa dalay ng traffic kong aksidente sa Payatas Road.
06:14Mingi po tayo ng tulong assistance po sa ating MMDA para po maigarga po ito.
06:19Para ma-lessen po yung traffic po na naranasan po natin ngayon.
06:23Bamalegre na katutok, 24 oras.
06:25Lalong umigting ang mga panawagang suspindihin ang excise tax sa petrolyo.
06:32Lalo't posibleng sumerit ang presyo niyan dahil sa pagsadsad ng halaga ng piso kontra dolyar.
06:39Suportado ng liderato ng Senado at ng ilang grupo ang panawagan.
06:44Pero may kondisyon. Nakatutok si Maki Pulido.
06:5122 liters ang pinakakargang gasolina kada araw ng ride-sharing driver na si Silvestre Oliveros.
06:57Kung masuspinde ang excise tax sa gasolina, makakatipid siya ng 220 pesos kada araw.
07:0310 pesos per liter kasi ang excise tax sa gasolina, 6 pesos naman sa diesel.
07:08Para kay Silvestre, katumbas na ng 4 na kilo ng bigas ang matitipid niya kada araw.
07:13Napakalaki po ma'am. Hanggang sa araw-araw.
07:15Sa ilalim ng train law, maaaring suspindihin ang excise tax sa petrolyo kung humigit sa US$80 per barrel ang
07:23krudo ng tatlumpung araw.
07:25Bagay na nangyari na. Dahil batay sa monitoring ng GMA News Research mula noong September 4 pa, hindi na bumaba
07:32ng US$100 per barrel ang krudo.
07:35Sabi ni Senate President Wingachalian, dahil na-breach na ang 30-day average na higit sa US$80 ang kada
07:42bariles,
07:43sinusuportahan niya ang pansamantalang suspensyon sa excise tax sa gasolina at diesel.
07:48I would advise and call for the suspension of excise tax.
07:53Dahil ito makakatulong sa pagbaba ng presyo ng langis at presyo ng diesel and gasolina.
08:04Dahil kung prolonged na siya at hindi na rin kaya kasi ibigay yung pantawid-pasada dahil mas mahaba na yung
08:12kailangan ibigay natin pang tawid-pasada.
08:17So doon na papasok talagang isuspend na yung excise tax.
08:30Sa patuloy na paghina ng piso, inaasang lalo pang magmamahal ang presyo ng produktong petrolyo.
08:36Kaya sabi ng ekonomist ng si Emanuel Leico, malaking tulong daw sa kapasidad ni Juan de la Cruz na mamili
08:41kung masuspindi ang excise tax sa gasolina at diesel.
08:44Pagka mas marami pang mga negosyo ang nagsara at mas marami pang mga consumer ang hindi na makaabot doon sa
08:55kanilang mga pangangailangan,
08:57dahil talagang kapos na kapos na ang kanilang pera, mas malaking tax revenues ang mawawala sa pamahalaan.
09:06Kaya mas mahalaga na protektahan ang pamahalaan, ang purchasing power ng consumer.
09:13Sabi ng Federation of Philippine Industries, makakatulong talaga ang suspensyon.
09:18Pero kung sakali man, dapat pansamantala lang.
09:30Hiningan namin ang pahayag ang Malacanang pero hindi pa ito tumutugon.
09:34Mula ng sumipa ang presyo ng krudo dahil sa gera sa Middle East, dalawang beses nang sinuspindi ng Pangulong excise
09:40tax.
09:41Pero sa parehong pagkakataon, ito ay para lang sa LPG at kerosene.
09:45Pinakahuli niya noong September 25 sa visa ng EO-125.
09:50Makipulido nakatutok, 24 oras.
09:53Huwag magpanik!
09:55Yan ang tugon kay Pangulong Bongbong Marcos sa pagsagsad sa 64 peso level ng piso.
10:00Contra dolyar.
10:01Ginagamit umano ng gobyerno lahat ang paraan para mapigil ang lalong pagbulusok ng piso.
10:06Nakatutok si Ivan Mayrina.
10:12Ikinaalarman ng marami ang paglampas sa mahigit 64 pesos ng kada isang dolyar.
10:17Ayon kasi sa mga eksperto, posibleng maapektuhan nito.
10:20Ang presyo ng mga bilihin, kabilang ang petrolyo at kuryente.
10:24Pero ayon sa Pangulo, walang dapat ipagalala.
10:26Don't panic. It is an effect of really of still the rising prices of oil.
10:32However, people can take solace in the fact that our policy towards the peso is to continue to defend the
10:42peso as hard as we possibly can.
10:45This is, we have all the tools to defend the peso.
10:48Kabilang sa mga tool o instrumento, ang dami ng dolyar ng Pilipinas.
10:53Nagbenta nito ang Banko Sentral ng Pilipinas o BSP para dumami ang supply nito sa sirkulasyon para pabagalin ang pagbulusok
10:59ng piso.
11:00Our foreign exchange reserves are healthy and dyan tayo pumukuha para i-defend sa in-peso.
11:06Nasabi yan ang Pangulo matapos makipagpulong kahapon sa mga economic managers.
11:10Kabilang si BSP Governor Eli Remolona.
11:12Sabi ng BSP, lumalakas din kasi ang dolyar sa pangkalahatan at hindi lang kontrapiso.
11:18We will continue to do all that we can to make sure that the value of the peso does not
11:25continue to go down.
11:31Nito nakaraalinggo lang nang itaasama ng BSP ang interest rate sa 5.5% mula sa 5%.
11:37Nalayong ibsan ang pag-utan at pag-gasos sa mga Pilipino para mapabagal ang pagmahal ng mga bilihin.
11:43Patuloy ang tensyon sa Middle East na nagpapasirit ng presyo ng petrolyo na nakaapekto sa ibang presyo na iba pang
11:49produkto.
11:50Pero bukod dyan, sabi ng Pangulo, kailangan din gawa ng paraang tumaas ang supply ng mga produkto.
11:56How about the price of basic goods sir? Ano kung gagawin natin?
11:58The inflation is coming from the supply side. It's a supply side inflation.
12:02The oil we can do nothing about.
12:04The food we can't.
12:05And we are doing, again, everything that we can to make sure that the prices of food comes up.
12:10Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
12:14Inakalang sigarilyo at rape, imbis na siya bu.
12:18Yan ang sinabi ng polis na umano'y tinonta para sa eroplanong ginamit sa pagpuslit ng droga mula Laos papuntang
12:25Pilipinas.
12:27Pinangalanan din niya ang dalawang nagpahanap umano ng eroplano.
12:32Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
12:37Pumarap sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services,
12:40ang polis na inakusahang kumontak sa pribadong eroplanong naglipad ng tatot kalahating bilyong pisong halaga ng siya bu mula sa
12:50Laos papuntang Pilipinas.
12:52Sabi ni Police Master Sergeant Aileen Jane Mendoza ng Aviation Security Group,
12:58ang pagkakaalam niya ay sigarilyo at vape ang isasakay sa eroplano.
13:03Vape at cigarette po, Mr. Chair.
13:05Okay, vape at cigarette.
13:07Alam mo na bawal yun?
13:09Ang alam ko po, Mr. Chair, may mga kaukulang requirements po na magbabayad po kung sino po yung consignee po
13:19dito sa atin sa Pilipinas po.
13:22Pero gitnya, wala siyang papel sa transaksyon maliban sa pagkahanap ng pribadong eroplano.
13:28Ang ginawa ko po kasi, naghanap po ako ng aircraft na marerentahan.
13:33Regarding po sa facilitation, hindi na po kasi ako ang taong in charge doon.
13:41Base sa mga naunang report, ang kargamento na naharang sa Laos ay may kaugnayan umano sa dating Bangsamoro Parliament Member
13:50Edrizan Haji na si Rimbang.
13:52Itinanggi na yan ni Rimbang.
13:55Pagpiga ngayon ni Tulfo sa mga opisyal na dumalo sa pagdinig.
13:59Hindi ako maninwala na yung sarhento lamang ang involved. Meron pa.
14:05Pinangalana naman ni Mendoza ang dalawang nagpahanap umano ng pribadong eroplano.
14:10Ayon sa PNP Criminal Investigation and Detection Group,
14:14ang isa ay auxiliary member ng Philippine Coast Guard
14:17at kasama sa apatapong persons of interest na pinasampina nila.
14:22Tatlo sa kanila ang hindi tumugon, si Rimbang, Abdul Karim Makalatas at Abdulla Rimbang Makarimbang.
14:29They were not located to their registered address.
14:33Layo ng pagdinig na maayos ang seguridad sa mga paliparan, pantalan at terminal
14:38na ang katuloy ang mga palyado umanong CCTV cameras sa naiya na ginagawa na ng paraan-ayon sa paliparan.
14:46Is it true na ilan sa mga CCTV dyan sa airport na under sa inyo,
14:51kasi hati daw, merong under sa NNIC, merong under sa inyo, na hindi gumagana?
14:57Sir, itong CCTV natin is last 5 years.
15:00E, baka magdalaga ng CCTV kung hindi gumagana?
15:03Tingga po, sir.
15:04E, pero, Bino, baka alam nung magnanakaw.
15:06Ah, hindi ito, hindi gumagana.
15:07E, alam nila, blind spot yun.
15:09Siyempre, gumagana ng kakakak.
15:12So, from now on, I want by tomorrow, gana ang lahat ng CCTV.
15:16Lalo ng ngayon, parating na itong undas, crowded na lahat ng mga airport.
15:20Pinagsusumitin ng senador ng report sa status ng mga CCTV
15:24ang Manila International Airport Authority sa loob ng 48 oras.
15:30Sandra Aguinaldo Nakatuto, 24 oras.
15:37Happy Midweek, Chikahan, mga kapuso!
15:40From pambansang Ginu to pambansang Opa,
15:44si David Licauco ang bibida sa Philippine adaptation
15:46ng sumikat na Korean rom-com drama ng Fight For My Way.
15:51At abinado nga siyang may kaunting pressure,
15:53lalo't gagampanan niya ang role na pinasikat ng kanyang idolo,
15:57makichika kay Nelson Canlas.
16:02Bukod sa daily workout routine na minsan ay may cute pang kasama
16:07hanggang sa iba't ibang running events at pagsali sa indoor race na minahal niya,
16:12di maitatangging in his active era si David Licauco
16:16na recently ay into martial arts din.
16:19Ayon kay David, malaking tulong ang kanyang pagiging sporty ngayon sa bago niyang endeavor.
16:25Kabilang dyan ang pagganap niya sa Philippine adaptation ng sikat na Korean series na Fight For My Way.
16:31I had to go through several taekwondo trainings and MMA.
16:36Yung high rocks, nakakatulong yun sa taekwondo.
16:39Kasi yung taekwondo namin last time na ginawa,
16:41yung last time na ginawa namin taekwondo,
16:44it was real eh. It was real sparring.
16:47Kung hindi ako nag-workout, hindi ako nag-high rocks,
16:49for sure mga two rounds pa lang, hindi ko na kaya.
16:52Gaganap si David sa series bilang si Hans,
16:55ang role na pinasikat ni Korean superstar Park Seo Joon.
16:59Makakatambal niya si Ashtyn Olviga,
17:02na gaganap naman as Aira.
17:04Pag-amin ni David na cha-challenge siya sa role dahil idol niya si Park Seo Joon.
17:10There is some pressure, pero I think it's good to have pressure
17:18para mas galingan mo, mas sipagan mo yung ginagawa mo.
17:25Diba? So, my responsibility is to prepare.
17:29Nelson Canlas updated sa Shubis Happening.
17:32Diba? SoMMing.
17:33judo
17:34dun
17:35dun
17:35dun
17:35dun
17:36dun
17:37dun
17:37dun
17:37dun
17:37dun
Comments

Recommended