00:00Alos kalahating milyong pisong halaga ng pera at alahas ang natangay ng hinihinalang dugo-dugo gang mula sa isang senior
00:07citizen.
00:08May spot report si Jomera Presto.
00:13Huminto sa tapat ng isang tindahan ng motorcycle rider sa bahagi ng Valenzuela Extension sa Santa Mesa, Maynila, pasado alas
00:2012 ng tanghali nitong Martes.
00:21Maya-maya, lumabas ang 73 years old na babae mula sa tindahan at dali-daling inabot sa rider ang isang
00:27paper bag.
00:28Ayon sa barangay, nakatanggap ng tawag na turang senior citizen na naka-aksidente ang anak niyang babae.
00:47Sabi raw ng nakausap ng biktima, isang rider ang kukuha ng pera at alahas para ihatid sa pamilya ng umano
00:54'y biktima.
00:55Makalipas lang ang isang oras, umuwi ang anak na sinasabing nasangkot sa aksidente.
01:00Ikinagulat ito ng senior citizen at napagtantong na biktima siya ng scammer.
01:05Agad silang nakipag-ugnayan sa mga otoridad.
01:07Tumangging humarap sa camera ang pamilya ng biktima, pero hinala ng barangay, kakilala ng biktima ang may kagagawan dahil sa
01:14bagong kabit na landline daw ito tumawag.
01:16Yung landline nila, wala naman nakakaalam ng number. So personal use nila yun. So wala silang pinagbibigyan kahit siya niyo.
01:24Ayon sa mga otoridad, noong October 7, kaparehong insidente rin ang nangyari sa bahagi ng Alona Street na sakop pa
01:30rin ng Santa Mesa.
01:31Sinubukan namin hinga ng pahayag ng Santa Mesa Police Station kaugnay sa dalawang insidente, pero tumanggi muna sila habang gumugulong
01:38pa ang investigasyon.
01:38Huwag magpadalos-dalos at huwag agad magpadala ng pera o magbigay ng sensitibong impormasyon. Huwag matakot na i-verify muna.
01:46Pinaalalahanan din ng NCRPO ang publiko na mag-ingat laban sa voice cloning o AI na kayang gayahin ang boses
01:52ng inyong mga kamag-anak.
01:53Patuloy na inaalam ng otoridad kung kasabot ba ang rider na nahagip sa CCTV.
01:58Jomer Apresto, nagbabalita para sa GMA News.