00:13Transcription by CastingWords
00:30Palok, Maynila, pasado alas 11 ng gabi nitong Miyerkules.
00:33Maya-maya, isang lalaki ang kinaladkad palabas ng isang babae.
00:37Lumapit ang mga residenteng nagtakbuhan at kinuyog ang lalaking kinaladkad.
00:42Ang lalaking kinuyog, sospek sa tangkang pagpatay sa tatlong tao
00:46kabilang ang dalawang foreign national ayon sa polisya.
00:49Ang sospek, kaibigan pa raw mismo ng isa sa mga biktima.
00:54Base sa investigasyon, inimbitahan ang 26-anyos na lalaking biktima na isang US citizen
00:58ang 20-anyos na sospek.
01:01Itong sospek po natin is nagkaroon po ng utang sa kapatid ng biktima natin.
01:07Ang pagkakala po namin is 100,000.
01:10Itong sospek po, nagalit po dahil hindi niya po maibigay yung utang sa biktima.
01:17Kumuha raw ng martilyo ang sospek at hinataw sa ulo ang dayuhang biktima.
01:22Nang palabas na sana ng kwarto ang sospek, naabutan naman nito ang 62-anyos na kasambahay ng biktima
01:28na nasa tapat ng pinto.
01:30Hinataw din niya ng martilyo sa ulo ang senior citizen na kasambahay.
01:33Sinubukan naman umawat ng 23-anyos na babaeng kapatid ng dayuhang biktima
01:37pero maging siya ay inataki rin ang sospek.
01:41Noong nagkaroon po ng komosyon po sa loob ng bahay, itong sospek po,
01:45pababa na po siya.
01:47Pero nagsigaw-sigaw po yung biktima na maglanakaw, maglanakaw.
01:52Kaya agad daw tumulong ang mga residente para hindi makatakas ang sospek.
01:56Ayon sa barangay, nakalabas na ng ospital ang kapatid na babae
02:00at ang senior citizen na kasambahay.
02:01Pero ang lalaking biktima...
02:16Sinusubukan pa namin makuha ang pahayag ng mga biktima.
02:19Ang sospek, nasa custodial facility na ng MPD at tumanggi munang magbigay ng pahayag.
02:24Maharap siya sa three counts ng frustrated murder.
02:27Ito ang unang balita.
02:29Jomer Apresto, GMA News.
02:36Jomer Apresto.