00:00Tuloy-tuloy ang dagsa ng mga pasahero ngayong Undas, Long Weekend.
00:04Silipin natin ang sitwasyon sa ilang terminal at paliparan.
00:07May live report si Jamie Cantos.
00:09Jamie?
00:14Atom, ramdam na ang dagsa ng mga pasahero ngayong biyernes.
00:17Dito nga sa NIA Terminal 3, ito yung araw na itinuturing ng mga otoridad na peak day na mga biyahe
00:22ngayong Undas, Long Weekend.
00:27Sa kabila ng pagsabog ng Bulkang Mayon kanina, tuloy ang biyahe pabikol sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX.
00:36May mga boost na umalis ng hindi puno.
00:38Pero fully booked sa mga biyaheng maagang nakabili online na mga tiket.
00:42Lagpas isang milyon na ang mga pasahero sa PITX mula October 25.
00:47Matindi rin ang inspeksyon, kumpiskado ang daang-daang patalim, matutulis na bagay at flammable items.
00:54Dagsari ng pasahero sa ilang bus terminals sa Cubao, Quezon City.
00:58Unti-unti rin sumisikip ang trapiko dahil sa mga sasakyang pumapasok sa North Luzon Expressway.
01:04Ayon sa NLEX, inaasahan pang dadami ang mga palabas ng Metro Manila ngayong gabi.
01:10Organisado at tuloy-tuloy ang galaw ng mga pasahero sa mga check-in counter at immigration gate sa Ninoy Aquino
01:16International Airport.
01:17Ang Bureau of Immigration at Airport Security nagdagdag na ng tauhan upang mapabilis ang pagproseso at pag-usad ng mga
01:25pila.
01:26Alas 6 ng gabi, sunod-sunod ang dating ng mga pasahero sa NIA Terminal 1.
01:31Nagkakatrafik sa labas ng terminal dahil sa mga sasakyang nagbababa ng mga pasahero.
01:36Sa NIA Terminal 3 naman, pila ang mga pasaherong papasok sa paliparan.
01:41Sa loob ng terminal, mga check-in counters ang pinipilahan.
01:45Sa Terminal 2, mas kakaunti ang mga dumarating na pasahero.
01:49Makipag sa mga anak ko, mag-quality time sa kanya na balik din ako agad.
01:55Yun lang din yung sadya ko para maka-attend ako sa death anniversary ng grandmother ko.
02:00Nakakapagod po pero masaya naman po.
02:02Five days lang po kami sa Bangkok, Thailand. So, yeah, party-party doon.
02:11Atom, pinapayuhan yung mga pasahero na i-check yung kanilang flight details online bago magpunta sa paliparan
02:17at inaabisuhan din ang mga pasahero na magdagdag ng oras sa kanilang mga biyahe dahil sa inaasahang traffic sa Metro
02:23Manila.
02:23At yan ang latest mula rito sa NIA Terminal 3. Balik sa'yo, Atom.
02:27Maraming salamat, Jamie Santos.
02:32Maraming salamat, Jamie Santos.