00:00Ngayong bispiras ng undas,
00:02idinaraing ng ilang dumadalaw sa Manila North Cemetery
00:05ang pagmahal ng mga kandila roon.
00:07Namataan naman ang bungo
00:09ng isang yumaon na nakausli sa isang butas na nicho.
00:13Mula sa Manila North Cemetery,
00:14nakatutok live si Jonathan Randa.
00:17Jonathan.
00:21Ivan, hindi ganun karami yung mga kumunta rito,
00:25dumisita dito sa Manila North Cemetery.
00:27Kukumpara ko sa nakita ko last year.
00:29As of 5pm, ang crowd estimate nyo yun dito
00:32ng Manila Police District na sa 93,000.
00:34Malayo po yan dun sa inaasahan ng pamunuan ng sementeryo
00:38na kalahating milyong bisita ngayong araw.
00:40Samantala, habang nagigikot kami sa loob,
00:42may nakita kami nakatiwangwang na bungo.
00:50Nagulat ang aming team
00:51nang tumambad ang isang bungo ng tao
00:53na nakausli sa butas na nichong ito
00:56sa Manila North Cemetery.
00:58Maliit ang nicho, walang lapida o nakasulat na pangalan.
01:01Malapit ito sa gilid ng bakod ng sementeryo,
01:04katabi ng A. Bonifacio Avenue.
01:05Agad itong pinaimbestigahan ng pamunuan ng sementeryo.
01:08Hinala nila, sinadya ito
01:10ng mga hinulian nila ng hagdanan
01:12na nagpapatawid sa mga tao
01:14sa bakod ng sementeryo,
01:15kapalit ng pera.
01:16Sinadya siguro, siyempre, nawalan sila ng hanap buhay,
01:20imaakit sila doon sa hagdanan,
01:22tala imposibleng mangyari na kalawit eh.
01:24Pwede, nakabuksan, natapakan,
01:26na ano, o kaya nabasag,
01:27pero yan, nakalawit talaga.
01:29Talaga sinadya yan,
01:30nagulat nga ako sa nangyari na yan.
01:32Ipapasok sa nicho ang bungo
01:34at ipasasara ng pamunuan ng sementeryo.
01:36Pero ang nichong ito,
01:37kahit walang pangalan, may buto pa.
01:39Si Irene naman hindi alam kung nasaan ang buto
01:42nang yumaon niyang 13-anyos na anak.
01:45Lagpas na kasi sa limang taong palugit
01:47ang anak niya
01:47sa tinatawag na apartment
01:49sa Manila North Cemetery.
01:50Masakit niya.
01:51Yung wala tayong magagawa eh,
01:52yun ang patakaran ng ano eh.
01:55Hindi na yung mahanap kasi,
01:56wala niya, panaghalo-halo nga.
01:58Matagal na kasing hindi nadalaw eh.
01:59O ngayon lang, wala na.
02:02Hindi na nabutan.
02:04Kaya nagtirik na lang sila ng kandila
02:06sa mass grave ng sementeryo.
02:08Alam naman niya yun,
02:09saan siya ngayon.
02:11Alam niya na nadinalaw siya namin.
02:13Ayon sa direktor ng sementeryo,
02:15hanggang limang taon lang talaga
02:16ang mga buto sa apartment.
02:18Walang extension o renewal.
02:20Ito yung bone creep.
02:22Dito nililipat yung mga buto
02:23mula dun sa apartment
02:24na lumagpas na sa limang taon.
02:26Yun eh kung may claimant.
02:27Pero kung walang nagkiklaim ng buto,
02:29after five years,
02:30yung buto po ay ililipat doon
02:32sa mass grave,
02:33doon sa may circle.
02:34Pero si Marde,
02:35walong taon na sa apartment
02:36ang yumaong lola.
02:38Nagpa-renew naman po kami
02:40every five years.
02:417,500 po ang renewal.
02:43Good for another five years na yun.
02:45Mabigat siya.
02:46Kailangan mangutang para
02:47pakapag-renew.
02:48Ang mga iligal po yun,
02:49yung mga pinag-renew.
02:50Bawal po yung renewal po na.
02:51Kaya si Nanay Renelia,
02:53para hindi na mangamba,
02:54bumili na ng maliit na espasyo
02:56sa halagang 40,000 pesos
02:58para paglibingan
02:59ng isang anak at dalawang apo.
03:02Hindi ka na mag-renew.
03:03Doon pag wala kang pera,
03:05hindi mo ma-renew.
03:07Matatanggal ang buto.
03:09Kaya napilitan ako,
03:10bumili talaga niya.
03:12Inireklamo naman ni Mera
03:13ang sobrang mahal daw ngayon
03:15na kandila.
03:25Sa entrada ng sementeryo,
03:27maraming nakumpiskang bawal
03:28gaya ng vape,
03:30sigarilyo,
03:31mga panglinis,
03:32loudspeakers,
03:33lighters,
03:33pati alagang pusa.
03:37Maluwag pa kanina
03:38sa loob ng sementeryo
03:39pero may pila
03:40sa libring sakay.
03:41Marami rin nang hihiram
03:42ng wheelchair
03:43para makaikot
03:44sa 50 hektaryang libingang ito.
03:47Katabi ng Manila North
03:48ang La Loma Cemetery
03:49sa Caloocan.
03:50Bumigat ang trapiko rito
03:52sa dami ng mga dumalaw
03:53na lagpas 3,000 na
03:54hanggang kanina
03:55ka alas 2 ng hapon.
03:56Bukas,
03:57posibleng umabot
03:58sa hanggang
03:58100,000
03:59ang mga bibisita.
04:04Balik naman dito, Ivan,
04:06sa Manila North Cemetery.
04:08Bukas,
04:08ang sabi ng pamunuan
04:09ng sementeryo,
04:10posibleng umabot
04:11ng 1 milyong tao
04:12ang bibisita rito.
04:14Bukas po itong sementeryo
04:15mula alas 5 ng umaga
04:16hanggang alas 8 ng gabi.
04:18Bawal po mag-overnight dito.
04:19Yan mo na ang latest
04:20mula rito sa Manila North Cemetery.
04:21Balik sa'yo, Ivan.
04:23Maraming salamat,
04:24Jonathan Andal.
Comments